NADAKIP ang dalawang wanted person sa isinagawang joint operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.
Ayon sa ulat ni P/CMS Gilbert Bansel kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-9:00 ng gabi, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS), sa pangunguna ni P/SMS Joey Sia, ng joint operation, kasama ang SIS, 4th MFC at RMFB-NCRPO sa 1st St., Brgy. Tañong na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Denmark Labain, 27-anyos.
Ayon kay P/CMS Bansel, inaresto si Labain sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder na inisyu noong Hulyo 6, 2021 ni Hon. Misael Modelo Lagada, presiding judge ng RTC Branch 292, Malabon City.
Sa hiwalay na operasyon, arestado rin ng mga operatiba ng WSS, sa pangunguna ni P/SMS Armando Isidro Jr., si Eduardo De Leon, 42, malapit sa bahay nito sa Valdez St., Brgy. Catmon dakong alas-9:15 ng gabi.
Si De Leon ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong theft na inisyu noong Hulyo 9, 2021 ni Hon. Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto, presiding judge ng MTC, Branch 120, Malabon City. (FRANCIS SORIANO)
179 