3 PULIS-CALOOCAN, PINATAY SI KIAN – KORTE

Habang-buhay na pagkabilanggo ang ipinataw na parusa ng korte sa tatlong pulis ng Lungsod ng Caloocan dahil sa pagpatay sa 16-taong-gulang na si Kian delos Santos noong Agosto 2017. Nakumbinsi si Caloocan City Branch 125 Judge Rodolfo Azucena Jr. na walang dudang “guilty” sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz sa pagpatay kay Delos Santos. Sabi ni Azucena, labag sa Artikulo 248 ng Revised Penal Code alinsunod sa inamiyendahang Republic Act No. 7659. Makukulong ng 30 taon hanggang 40 (o reclusion perpetua) sina Oares, Pereda at…

Read More

PARKS PASOK SA PBA ROOKIE DRAFT 2018

Kasama na si Ray Parks sa 2018 PBA Rookie Draft. Sa pamamagitan ng kanyang twitter account, kinumpirma ni Parks na nagsumite na siya ng kanyang aplikasyon para maging bahagi ng draft. “At the PBA Office making it official,” saad ni Parks sa kanyang Twitter account na pinatotohanan naman ng kanyang agent na si Charlie Dy. Nakatakda ang Rookie Draft sa Disyembre 16. Magiging masaya ang pagpili ng 2018 PBA Draft dahil matagal nang inaabangan ang pagpasok ni Parks sa PBA. Nang makita ang laro nito sa National University para sa…

Read More

P2.2-B SHABU CHEMICALS, P3.7-M SHABU KUMPISKADO SA POLICE OPS

(Ni NELSON S. BADILLA) Nauwi sa pagkakumpiska ng shabu ingredients na makagagawa ng P2.2 bilyong halaga ng shabu, ng P3.7 milyong halaga ng shabu, at pagkakadakip sa dalawang banyaga ang tatlong magkakasunod na operasyon ng pulisya hinggil sa iligal na droga nitong Miyerkules, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Sabi ni Director Guillermo Lorenzo Eleazar sa media na ang unang insidente ay isinagawa ng intelligence unit ng Northern Police District (NPD) ang isang buy-bust operation bandang 5:30 a.m. sa Bagong Barrio, Caloocan City na nagresulta sa…

Read More

UTOS NG BOC CHIEF LALONG MAGPAPALALA NG KORAPSIYON

Sayang ang magandang simula ni Commissioner Leonardo Guerrero sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa pagpapalabas ng umano’y maling kautusan na tila ginawang panginoon ng Aduana ang Deputy Commissioner for Intelligence dahil sa lakas ng kapangyarihan na ibinigay dito bunsod ng pagpapatupad ng umano’y sablay na Customs Memorandum Order#24-2018. Ayon sa naturang kautusan, isinailalim sa “control and supervision” ng Deputy Commissioner for Intelligence ang Risk Management Office (RMO), Accounts Management Office (AMO) at X-RAY Inspection Project (XIP). Ngunit ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Newsblast Insight Team (NIT), ito ay hindi…

Read More

BOC AT PDEA KONTRA SMUGGLING NG ILEGAL NA DROGA

Pinagtibay nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 Director Wardley Getalla (kaliwa) at Bureau of Customs District collector Atty. Elvira Cruz (kanan) ang ugnayan ng ahensiya kontra smuggling ng ilegal na droga matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa pagkakaloob ng BOC Cebu ng magiging sariling tanggapan ng PDEA field office sa nasabing rehiyon. 271

Read More

2 PUNTOS NG UP FIGHTING MAROONS, TUMAPOS SA ADAMSON SA OT

Dalawang puntos ang nagpanalo sa University of the Philippines Fighting Maroons. Dahil sa dalawang puntos na ito, tinapos ng Fighting Maroons ang 32 taong pagkawala sa UAAP Finals. Kaya naman, hindi magkaumayaw ang UP community kung saan nila ibabalagbag ang kanilang kaligayahan sa paligid ng Smart-Araneta Coliseum. Kakaiba ang panalo ng UP dahil nangyari ito sa isang overtime o OT. Pihadong maimamarkang isang “klasikong do-or-die match up” ang paghaharap ng UP Fighting Maroons at Adamson Soaring Falcons dahil naganap ang pagpasok ng bola sa ring upang lumamang ang una sa…

Read More

15 ANYOS, KALABOSO SA CARNAPPING

(Ni CHE ALMADIN) Isang 15 anyos na binatilyo ngayon ang inaresto ng mga awtoridad matapos na magawang magnakaw ng sasakyan ng isang negosyante sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas 9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang basketball court na matatagpuan sa Barangay 12, Dagat- Dagatan ng nasabing lungsod. Ayon sa biktimang si Antonio Pantoja, 53 anyos ay sandali lamang umano niyang ipinarada sa lugar ang kanyang Yamaha Mio na motorsiklo upang daanan ang isang kaibigan ngunit ilang…

Read More

P60M NG BAWAT CONGRESSMAN, P200M NG BAWAT SENADOR, HINDI PORK — ANDAYA

(Ni ABBY MENDOZA) Kinumpirma ni House Majority Leader Rolando Andaya na  may matatanggap na milyong pondo ang mga kongresista at senador sa 2019 budget  para magamit sa kanilang mga programa at proyekto ngunit nanindigang hindi ito maihahalintulad sa pork barrel funds. “The underlying principle here: no district will be left behind. All will get a piece of the pie for the benefit of their constituents. These are not pork barrel funds declared illegal by the Supreme Court,” paliwanag ni Andaya. Una nang sinabi ni Lacson na ang nasabing pondo ay…

Read More

CONSTRUCTION WORKER KRITIKAL SA SCAFFOLDING

(Ni CHE ALMADIN) Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang construction worker dahil sa malubhang pinsala nito sa katawan makaraang mag-collapse ang scaffolding na kanilang ginagamit sa pagi-install ng mga metal at tamaan ito sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Malabon City Police Chief SSupt. Jessie Tamayao, ganap umanong alas – 5:00 pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng kakabukas lamang  na Fisher Mall na matatagpuan sa kanto ng C4 Road at Dagat -Dagatan Avenue, Barangay Longos ng nasabing lungsod. Kasalukuyan umano noong…

Read More