(NI BERNARD TAGUINOD) PINALAGAN ng oposisyon sa Kamara ang akusasyon na sila ang nagpalutang kay ex-Police Gen. Eduardo Acierto upang ibunyag ang pagkakasangkot umano ni dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa malaking sindikato ng droga. Kasabay nito, humingi naman ng independent body na mag-iimbestiga sa expose ni Acierto upang maiwasan ang whitewash. Isinangkot ni Acierto sa illegal drug trade and dalawang Chinese nationals na malapit umano kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, masyadong seryoso ang alegasyon ni Acierto na ang dating economic adviser…
Read MoreMonth: March 2019
‘WALANG DAPAT IPANGAMBA SA CHICO RIVER LOAN PROJECT’
(NI TERESA TAVARES) SINOPLA ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang banta ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na posibleng magsilbing collateral ang gas reserves ng bansa sa nilagdaan na irrigation project loan agreement ng Pilipinas sa China. Wala aniyang dapat ipangamba dahil ang halaga ng inutang ng Pilipinas sa China ay nasa $100 million lamang na maliit na halaga sa kabuuang foreign debt ng bansa. Una nang nagbabala si Carpio na maaring kunin ng China ang assets ng Pilipinas kabilang ang oil at gas mula sa Reed Bank kung pumalpak ang pagbabayad…
Read MoreKAHIT ELEKSIYON, TRABAHO SA BBB PROGRAM, TULUY-TULOY
(Ni NELSON S. BADILLA) PATULOY na magtatrabaho ang mga contruction worker sa lahat ng proyekto ng administrasyong Duterte sa ilalim ng Build, Build, Build (BBB) Program. Idiniin ito ni Usec. Jonathan Malaya, tagapagsalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG), makaraang linawin nito na hindi kasama ang mga proyekto ng BBB Program sa matitigil ang implementasyon simula sa Marso 29. Ani Malaya, ang ipinatitigil lang na mga proyekto gamit ang pondo ng pamahalaan ay iyong mga program at proyekto ng mga pamahalaang lokal alinsunod sa Commission on Election…
Read MoreANG ‘RIGODON DE GUERRA’ NG BARRETTO SISTERS
(Ni RONNIE CARRASCO III) While it remains to be seen, musika sa pandinig ang tinurang pangako ni Bayani Agbayani that if ever he crosses over to politics ay never siyang magiging corrupt. Aniya, hindi niya masisikmurang mula sa ilegal na paraan manggagaling ang ilalaman niya sa sikmura ng kanyang pamilya. Premature as it may seem to judge Bayani on the basis of his promise ay naniniwala kaming mapaninindigan niya ito. Although there’s an age-old truism na walang humawak sa palayok ang hindi nauulingan, Bayani is perhaps an exception. Minsan na…
Read MoreTRAK NI KAMATAYAN
MALIBAN sa mga motorsiklo, itong mga dambuhalang trak ang madalas na dahilan ng mga malalagim na sakuna sa kalsada. Malimit na dahilan ng mga driver kapag nakakapanayam ng media ay nawalan sila ng preno kaya’t nawalan sila ng kontrol sa kanilang minamanehong trak. Sa araw-araw nating karanasan sa kalsada, kapansin-pansin na halatang napapabayaan at kulang sa tamang maintenance ang mga naglalakbay na trak sa ating mga lansangan. Kung hindi mausok at halatang palyado ang mga makina ay maaamoy mo na gastado na ang clutch lining ng mga ito. Kitang-kita rin…
Read MoreNAPTRON INTERNATIONAL PLACEMENT AGENCY AT HAPPY WORLD HUMAN RESOURCES TINATAWAGAN NG PANSIN
NAKATANGGAP ako ng sumbong mula sa ating AKOOFW-Bantay OFW mobile apps mula sa ating kabayani na si Maila K. Maguid. Siya ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Naptron International Placement Agency. Ayon kay Maguid ay “Tapos na po ang kontrata ko hindi pa rin po ako pinapauwi ng amo ko. Kahit po sinabi ko na namatay ang asawa ko hindi pa rin po nila ako pinapauwi. Maghintay daw po ako ng kapalit ko pero hanggang ngayon wala pa pong dumarating na papalit sakin. Pinapaasa lang ako. Sana po ay…
Read MoreWISH NI DU30 SA BDAY: MATULOG SA BAHAY
SIMPLENG wish ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-74 birthday ngayong Huwebes March 28: matulog sa kanilang bahay. Ayaw ng magarbong selebrasyon ng Pangulo tulad na ng nakasanayan nito na simpleng selebrasyon lang sa kanyang kaarawan sa Davao City. “Ayoko talagang mag-celebrate. Gusto kong sa bahay lang at matulog at kung sino ang sasalubong sa akin? Mga anak at apo ko,” sabi ng Pangulo sa kanyang speech sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa South Cotabato. 515
Read MorePIA WURTZBACH BILANG PINAY SUPERHERO WAVE?
KAMAKAILAN lang, nag-collaborate si Pia Wurtzbach sa Marvel Studios nang ininterview niya si Brie Larson para sa promotion ng pelikulang Captain Marvel. Kaya marami ang nagtatanong ngayon: May future work ba ulit si Pia with Marvel? Marami rin ang nagtatanong kung mag-o-audition ba siya bilang Wave, ang pinakabagong superhero – at Filipino – ng Marvel Universe. “Definitely. If there’s gonna be an audition for it, I’m gonna try for that. Why not, di ba?” sabi ni Pia sa inteview with the press. Ang beauty queen nga ang gusto ng maraming…
Read MoreANG KARAHASAN LABAN SA MGA BABAENG FILIPINO
SINASABI na isa sa pinakaprogresibong bansa partikular sa Asya ang Pilipinas pagdating sa usapin ng pagsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan. Isang patunay nito ay ang pagpapasa ng ilang mga batas na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga babae. Isa na rito ang RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (Anti-VAWC). Ilang taon na rin ang nakalilipas mula nang maipasa ang nasabing batas. Inaakala noon na sa wakas ay may katugunan na ang usapin ng karahasan na nararanasan ng mga kababaihan. Umasa na matitigil na ito dahil matatakot na…
Read More