MAYAYAMAN SA MARAWI ‘DI GAGASTUSAN NG GOBYERNO

marawi19

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi gagastos ang gobyerno para maipatayong muli ang mga gusali ng mayayamang residente sa Marawi City. Ang pahayag ng Pangulo ay ginawa matapos ang briefing sa San Fernando City, Pampanga kung saan inireport ng housing officials ang tulong sa mga pamilyang nasira ang bahay sa 6.1 magnitude earthquake na yumanig sa Luzon nitong Lunes. “Marami man ‘yang pera ‘yang mga tao diyan. Every Maranao, there is a businessman. Kasali na ‘yang shabu. May pera sila. The debate there is whether I would be also…

Read More

PAGBUKAS NG CLARK INT’L AIRPORT INAASAHAN

clark12

(NI KIKO CUETO) TARGET ng Clark International Airport na mabuksan na ng Miyerkules —  kung lalabas sa kanilang assessment na maari naman na matuloy ang kanilang operasyon —  kahit may bahagyang sira sa istruktura sa paliparan. Sinabi naman ni Transport Secretary Arthur Tugade na magbubukas ang airport at pinakamatagal na ang Huwebes. Ayon sa paunang report sinabi ni airport CEO Jaime Melo, na ang tower ay “operational and sustained no substantial damage.” Lumabas din na ang runway at taxi way ay “sound.” Gayunman, aminado silang may “big damage” sa check-in counters…

Read More

ANG TAKOT SA DIYOS

FOR THE FLAG

Nakapanlulumo ang naganap sa Sri Lanka. Higit 300 namatay dahil sa maling paniniwala ng iilan. May solusyong panlaban sa ideyolohiyang pilit ipinapalaga­nap ng mga terorista: ang takot sa Diyos. Ang isang bansang walang takot sa Diyos ay nahaharap sa kapanglawan. Anumang talino ay hindi matatawag na kata­linuhan bagkus ay pawang kapalaluan lamang kung hindi nag-uugat sa takot sa Diyos. Lubhang napakahalagang pag-aralan ang takot sa Diyos dahil dito umuusbong ang totoong kata­linuhan at kaalaman. Napakaraming batas ng Pilipinas at patuloy na lumilikha pa tayo ng napakarami pang batas ngunit paulit-ulit…

Read More

AMBISYON NAKAKASIRA  NG REPUTASYON

PRO HAC VICE

Marami sa mga nag­hahangad ng kapangyarihan na nawawala na ang tinatawag na delikadeza makuha lamang ang inaasam na kapangyarihan o tungkulin. Likas na ba talaga sa bawat nag-aambisyon ng tungkulin ang kinakain na ang kahihiyan? Sa ilan sa mga politiko na kahit mayroong kinakaharap na mga kaso ay patuloy pa rin sa pagtakbo at panghihikayat para lamang makuhang muli ang inaasam na tungkulin. Maging sa hudikatura ay mayroon ding ganitong sitwasyon. Gaya sa kaso ng isa sa mga miyembro ng Judicial and Bar Council na nag-a-apply upang ma­ging isa sa…

Read More

DUTERTE BUMISITA SA PORAC; LAWAK NG PINSALA INALAM

duterte12

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang Pampanga at personal na ininspeksiyon ang bayan ng Porac na lubhang naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes ng hapon. Kasama ng Pangulo si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tubong Pampanga. Sentro ng pagyanig ang Castillejos, Zambales may 100 kilometro ang layo sa northwest ng Manila, subalit lubhang apektado ang Pampanga dahil malambot umano ang lupa nito, ayon kay Phivolcs chief Renato Solidum. Matapos ang inspeksiyon ay binisita rin ng Pangulo ang Pampanga Provincial Capitol sa San Fernando para kausapin ang…

Read More

BALI: HOLY WEEK DESTINATION OF PINOY CELEB COUPLES

(NI LOURDES C. FABIAN) SA iba’t ibang bansa pini­ling magbakasyon ng karamihan sa ating mga sikat at hinahangaang artista nitong Holy Week. Pero ang Bali, Indonesia ang favorite destination ng karamihan sa ating mga celebs tulad na lamang nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. Hindi na kailangan pang umamin nina Jake at Kylie na may relasyon na sila dahil sapat nang ebidensya ang kanilang kissing photo na lumabas para makumpirma that the two share something special despite the fact that they have not confirm anything yet. Pinili ring ipagdiwang nina Billy…

Read More

AIRLINE COMPANIES BINALAAN NG MIAA

flights12

(NI DAVE MEDINA) NAGBABALA  ang  Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga airline company na huwag gamiting dahilan ang 6.1 magnitude na lindol sa delay o kanselasyon ng kanilang mga biyahe. Ayon kay  MIAA  General Manager Ed Monreal, huwag hayaang magkaroon ng inconvenience ang mga pasahero na maaaring magresulta sa hindi pagkatuloy  ng kanilang travel plans. Kasabay nito ay tiniyak ni Monreal  na walang anumang nasira sa runway o maging sa taxiway ng Ninoy Aquino Airport, at ang mga terminal building ay maayos batay sa isinagawang inspeksyon ng mga team…

Read More

15-ARAW PRICE FREEZE SA LPG, KEROSENE IPINATUPAD

oilfreeze12

(NI ROSE PULGAR) IPINATUPAD Martes ng hapon ng Department of Energy (DoE) ang price freeze sa kerosene at Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga lugar na nasa state of calamity dahil sa lindol. Sa press conference sa tanggapan ng DoE sa Taguig City, sinabi ni DOE undersecretary Felix Fuentebella, na hindi dapat magtaas ang presyo ng kerosene at lpg sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa naganap na malakas na lindol. Ayon kay Fuentebella may price freeze sa mga nasabing produktong petrolyo ang mga lugar…

Read More

7.1 LINDOL SA SUSUNOD NA ARAW ‘FAKE NEWS’ — PHIVOLCS

fakenews lindol1

(NI ABBY MENDOZA) UMAPELA si Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum sa publiko na huwag magpakalat ng fake news. Ito ay sa harap ng pagkalat sa social media na nagbababala na magkakaroon ng 7.1 na lindol sa mga susunod na araw at tatama sa Bulacan, Quezon City, Markina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Cavite at Laguna. Giit ni Solidum, walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang lindol kaya anumang maglalabasang balita na may paparating na lindol ay malinaw na fake news. “Wala pang teknolohiya sa buong mundo…

Read More