FORCED EVACUATION ‘DI KAILANGAN

libya26

(NI BETH JULIAN) NASA pasya na umano ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Libya kung uuwi sila sa Pilipinas o hindi. Ito ang pahayag ng Malacanang kasabay ng anunsyo na wala pang ipatutupad na force evacuation para sa mga Filipino na nasa Libya. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kahit na naglabas na ng panawagan si Charge d’ Affaires Elmer Cato sa mga Filipino na may kamag -anak na OFW sa Libya na kumbinsihin na umuwi na ng Pilipinas, ikinokonsidera pa rin nila ang sariling desisyon ng mga ito.…

Read More

EMPLOYER NA DEADMA MATAPOS ANG LINDOL, KINONDENA

lindol12

(NI MINA DIAZ) BINATIKOS ng workers group Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga employer na nagagawa pang isang ‘business as usual attitude’ sa pamamagitan ng pagpayag na magtrabaho at ilantad sa panganib ang kanilang empleyado sa kabila ng panganib sa lugar ng trabaho dulot magnitude 6.1 noong Lunes ng hapon. Sinabi ng grupo na nakatanggap sila ng reklamo ng mga manggagawa sa kanilang managers, supervisors at employers na hindi sila ini-evacuate palabas ng gusaling pinagtatrabahuhan habang ang iba ay pinababalik pa ng opisina para magtrabaho pang muli…

Read More

MATERYALES NG CLARK AIRPORT SUBSTANDARD?

clark121

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  walang planong magpatawag ng pormal na imbestigasyon ang isang minority leader sa Kamara, kokonsulta pa rin ang mga ito ng mga eksperto para malaman kung ano ang pangunahing dahilan bakit nasira ang Clark International Airport sa magnitude 6.1 na lindol noong Lunes ng hapon. Ayon kay House deputy minority leader Harlin Neil Abayon III, ikinagulat nito na kasama ang Clark International Airport sa nasira ng lindol gayung dapat earthquake-resilient ito. “Airports are supposed to be earthquake-resilient, so it comes as a shock that the airport at…

Read More

MGA BIKTIMA NG LINDOL, TUTULUNGAN NG PCSO

pcso12

(NI NICK ECHEVARRIA) HANDANG magbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO), sa mga Local Government Units (LGUs) at sa bawat pamilya na naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes sa ilalim ng Calamity Assisstance Program (CAP) nito. Layunin ng hakbang na palawigin ang resources ng mga LGUs sa pagbibigay ng mga pinansiyal na tulong sa bawat indibidwal at sa mga pamilya na tinatamaan ng mga natural at man-made calamities. Ayon sa PCSO, karapatan ng mga LGUs na biktima ng  kalamidad na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan.…

Read More

10 PAARALAN NASIRA NG LINDOL

eac12

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY JHAY JALBUNA) MAY 10 paaralan na ang natukoy ng Department of Education (DepEd) na naapektuhan at nasira, nang yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon nitong Lunes ng hapon. Ito ay batay sa situational reports na inilabas ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, hanggang 9:30 ng umaga nitong Martes. Ayon sa DepEd, kabilang sa mga paaralan na natukoy na nagtamo ng infrastructure damages ay ang (1) Laukan National High School (Main), sa Bataan; (2) Mabalacat Elementary School, Mabalacat…

Read More

PISO BAHAGYANG SUMADSAD

peso12

(NI MAC CABREROS) BAHAGYANG bumaba ang halaga ng piso kumpara sa dolyar, iniulat nitong Martes  ng Philippine Stock Exchange. Sumadsad sa P52:$1 level ang perang Pinoy nang matapyasan ng 27.5 centavos ang P51.765 kada dolyar noong Miyerkoles. Walang trading noong Huwebes at Biyernes dahil sa Semana Santa. Makikinabang ang pamilya ng mga overseas Filipino workers dahil madaragdagan ang papasok sa kanilang bulsa gayundin ang kita ng mga exporters, ayon sa economic experts. Sa kabila nito, inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mayroong kaakibat na masamang epekto nito sa ekonomiya ng…

Read More

MGA RESIDENTE SA PORAC SA KALSADA NATULOG

quakenight1

(NI DAVE MEDINA) PATULOY na namamahay sa pagkatao ng mga residente ng Porac, Pampanga ang takot sa nangyaring 6.1 magnitude na lindol, Lunes ng hapon, kaya mas pinili pa umano nilang matulog sa kalsada kaysa sa kanilang mga bahay. Mas nakakaramdam umano silang ligtas sa pananatili sa mga daan kaysa magbalik sa mga bahay na mayroong posibilidad na gumuho o magiba laluna kung ikokonsiderang may bahagi ng mall na nagiba gayong apat na taon pa lamang natatapos ito. Ikinukonsiderang pinakamasamang tinamaan ng lindol ang bayan ng Porac sa pagtaya ni National…

Read More

HIGIT P200-M PINSALA NG LINDOL – DPWH

pampanga1

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa pagyanig ng magnitude 6.3 na lindol ay tinatayang aabot sa mahigit P200 milyon ang pinsalang iniwan sa mga kalsada, tulay, dike at gusali sa lalawigan ng Pampanga at Metro Manila. Ayon kay Secetary  Mark Villar ng Department of Public Works and Highway (DPWH), kabilang sa mga napinsala ang Consuelo Bridge sa Floridablanca na hindi pa maaaring daanan habang bahagyang nasira rin ang Mancatin Bridge, Valdez Bridge at San Pedro Bridge subalit passable na. Sira din ang portion ng kalsada  Sasmuan-Lubao Road, Mega dike sa Bacolor…

Read More

INSPEKSIYON SA MGA PAARALAN INIUTOS NG DEPED 

deped25

(NI KEVIN COLLANTES) IPINAG-UTOS ni Education Secretary Leonor Briones ang pag-iinspeksiyon sa lahat ng mga paaralan at mga pasilidad ng departamento na tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes ng hapon. Ang kautusan ay ginawa ni Briones sa pamamagitan ng isang memorandum na kaagad nitong inisyu matapos yanigin ng lindol ang ilang bahagi ng Luzon dakong 5:11 ng hapon. Sa naturang memorandum, inatasan ng kalihim ang mga prinsipal, school heads at mga in-charge ng mga paaralan, na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa lahat ng school buildings at facilities bago…

Read More