HINDI agad nakakibo si Kathryn Bernardo nang biglang magpakita sa kanya ang boyfriend niyang si Daniel Padilla sa kanyang tinitirahan sa Hong Kong. Nasa naturang lugar ang aktres para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan niya at ni Alden Richards. Base sa Instagram updates nina Director Peewee Gonzales at Vince San Juan, nang makita ni Kathryn si Daniel, pinupog niya ito ng halik, niyakap nang mahigpit, at tila hindi na bibitiw. Bukod sa sorpresang ito, nag-share din si Daniel sa kanyang social media account ng excerpt ng music video…
Read MoreMonth: April 2019
MRT-3 BALIK OPERASYON NA
MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik-operasyon na ang MRT-3. Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of Transportation. Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto. Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation…
Read MoreISYU NG ‘CASE FOR SALE’
Matapos na aking mailathala ang dalawang parte ng aking artikulo, ay nagsunud-sunod naman ang pagpasok ng mga impormasyon ukol sa nagaganap umano na katiwalian sa ating Philippine Embassy sa Kuwait. Ngunit bago ko ilathala ang mga bagong kaganapan sa Philippine Embassy sa Kuwait, hayaan ninyong balikan muna natin ang mga nakaraang pangyayari na may kinalaman sa klase ng “serbisyo pangkabuhayan” ng Assistance To National Unit (ATNU). Noong Oktubre 12, 2018 ay nakatanggap ako ng isang sumbong mula sa isang distressed workers na nasa shelter ng Philippine Overseas Labor Office. Ipinadala niya ang…
Read MorePAGNINILAY PARA SA MAS MAUNLAD NA PILIPINAS
Nagdaan ang Mahal na Araw at mahaba rin ang naging bakasyon ng karamihan. Walang pasok mula noong Huwebes Santo kaya’t malamang nakarami ng pahinga ang karamihan. Nawa’y ang oras na ito ay nagamit ng maayos kasama ang pamilya ng bawat isa. Sana’y nagamit din ito ng maayos ng mga namumuno sa ating bansa upang mapag-isipan at mapagnilay-nilayan ang mga maaaring maging solusyon sa napakaraming problemang hinaharap ng ating bansa sa ngayon. Samu’t saring problema sa transportasyon, supply ng kuryente at ng tubig, presyo ng mga bilihin, at kung anu-ano pa…
Read MoreNANG MAG-ALBURUTO SI INANG KALIKASAN
Paano ba natin nasabing nag-aalburuto na ang Inang Kalikasan? ‘Di nga ba likas lang na bahagi ito ng kanyang pagiging kalikasan? Oo, bilang kalikasan, may natural itong pagbabago o transpormasyon, bilang isang buhay na organismo. May panahon ng pagkabuhay, pagkasira, pagkamatay, at muling pagsilang. ‘Yan ang natural na daloy sa mundo. Gayunpaman, ayon sa mga pag-aaral, ay sobrang abnormal ang mga nasasaksihan natin sa ating panahon na mga pag-aalburuto ng kalikasan. Ito ay mga tinatawag nating mga sakuna o disaster. Nagkakaisa ang mga eksperto na ang proportion at katangian ng…
Read MorePALICTE VS IOKA SA WBO SUPER FLYWEIGHT CROWN SA JAPAN
(NI ARIEL BORLONGAN) PORMAL nang inihayag sa Las Vegas, Nevada ng World Boxing Organization (WBO) ang laban nina No. 1-ranked “Mighty” Aston Palicte ng Pilipinas laban kay Japanese No. 2 contender at three-division world champion Kazuto Ioka para sa bakanteng WBO junior bantamweight title sa Hunyo 19 sa Osaka Prefectural Gym sa Osaka, Japan. Ipalalabas ng UFC Fight Pass® ang live streaming ng laban sa labas ng Japan at ang Palicte vs. Ioka ang kauna-unahang kampeonatong pandaigdig sa boksing na ipalalabas sa FIGHT PASS na nakipagkasundo sa promoter ng Pinoy…
Read MoreSMB, PHOENIX PLAYERS MULTADO
(NI JOSEPH BONIFACIO) NABAWASAN ng P20,000 ang pera ni Christian Standhardinger ng San Miguel Beer, dahil sa multang ipinataw ng PBA nang aksidenteng masipa niya sa mukha si Calvin Abueva ng Phoenix Pulse. Naging mainit ang Game 2 ng Philippine Cup na pinagwagian ng Beermen, 92-82 at 2-0 abante sa serye, kung saan ejected si Standhardinger. Flagrant foul penalty 2 (FFP2) ang pinataw kay Standhardinger nang tamaan sa mukha si Abueva sa kanilang pag-aagawan sa loose ball. Walang suspensiyong ipinataw sa SMB player dahil nakita naman nang rebyuhin ang…
Read MoreINILIKAS NA PINOY SA TRIPOLI PAUWI NA
PAUWI na ang mga Pinoy na inilikas sa Tripoli, Libya makaraang mapapayag ang mga itong lisanin na ang naturang bansa dahil sa kaguluhang nagaganap. Nitong Miyerkoles ay nagsimula nang ilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya bunga ng nagaganap na kaguluhan doon. Sinabi ng DFA na ang unang batch ng mga inilikas na Pinoy ay kinabibilangan ng tatlong hospital worker at apat na estudyante. Ang mga ito umano ay dadalhin sa Tunisia kung saan sila sasakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Sinabi ni Embassy…
Read MoreAKSIYON SA PBA PHIL CUP CEASEFIRE MUNA
(NI JOSEPH BONIFACIO) TIGIL-LARO muna ang apat na koponang naglalaban-laban sa 2019 PBA Philippine Cup semifinals simula ngayong Huwebes, bilang paggunita sa Mahal na Araw. Kasagsagan na ng best-of-seven series ang apat na koponan – San Miguel Beer, Magnolia, Phoenix at Rain or Shine. Babalik ang aksyon sa Linggo. Bago magpahinga, hawak ng Beermen ang 2-0 bentahe labans a Phoenix. Ang SMB ay naghahangad ng kanilang ikalimang sunod na titulo sa All-Filipino Conference. Habang nakahirit naman ng panalo ang Magnolia Hotshots sa hulinglaro kontra Rain or Shine noong Martes. Para…
Read More