Kamakailan ay nailathala ko na sa aking kolum ang isang panawagan mula sa HSW o household service worker sa Abha, Saudi Arabia na itinago ko sa pangalan na A. Guinto na deployed ng Saint Rosalia Recruitment Agency. Ito ay ang sumbong na siya ay minomolestiya ng kapatid ng kanyang employer. Si A. Guinto ay nakailang beses na nagpalipat-lipat ng employer at sa ikatlong employer niya naranasan ang pagmomolestiya, kung kaya siya ay humingi ng saklolo upang mailigtas siya at makauwi na lamang sa Pilipinas. Dahil sa aking panawagan ay nakuha…
Read MoreMonth: April 2019
ANG PAG-UNLAD NG BAYAN NG ATIMONAN
Itong mga nagdaang araw ay naging mahirap para sa mga consumers ng kuryente. Noong Biyernes ay nagkaroon ng tigtatlong oras na rotating brownouts sa sakop na franchise area ng Meralco. Ayon sa mga ulat maging ang mga probinsiya na sakop naman ng mga electric cooperatives ay dumanas din ng mga power outage. Kailangan na ng Luzon grid ng karagdagang supply. Mismong ang kagawaran ng enerhiya o Department of Energy (DOE) na ang nagpahayag nito. Malaki sana ang maitutulong ng planta ng kuryente na nakatakdang itayo ng Atimonan One Energy (A1E)…
Read MorePARALELISMO NG KALIKASAN AT KABABAIHAN
(Unang bahagi) Sa mas naunang artikulo, bahagyang nabanggit ang pagkakaroon ng sinasabing paralelismo ng kalikasan at kababaihan. Tandaan na ang salitang kalikasan o Inang Kalikasan ay madalas ding gamitin bilang alternatibong katawagan sa ating mundo o planeta Pinapalagay na maraming katangian ang kalikasan na kawangis ng sa babae kaya’t binigyan ito ng katawagang nabanggit. Sa sinapupunan ng babae literal na nabubuo ang buhay. Sa kandungan at kandili niya lalong umuusbong habang inaalagaan ng pagmamahal ang buhay. Sa kalinga at paglingap ng isang babae lumalakas at namumunga ang mga puwersang tagapagtaguyod…
Read MoreUS TRAVEL ADVISORY KINUWESTYON NG DILG
(NI JESSE KABEL) KINUWESTYON ni Interior Secretary Eduardo Año kung paano napabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga high risk countries kung saan malaki ang peligro na madukot ang isang banyaga. Itinanong ni Sec. Año kung paanong napasama ang bansa sa listahan gayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng kasong kidnapping nitong mga nakaraang taon. Pahayag ng DILG, wala umanong kontretong basehan ang US Department of State sa pagsasama sa Pilipinas sa listahan ng mga high-risk countries sa kanilang inilabas na travel advisory bagamat kinikilala nila ang karapatan ng bawat bansa…
Read More‘MIDNIGHT DEALS’ NG MERALCO MAGPAPATAAS SA SINGIL SA KURYENTE
(NI TJ DELOS REYES) HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong kahina-hinalang Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas sa singil sa kuryente. Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares at Bayan Muna Representative Carlos Isagani laban sa Meralco na nanamantala sa mga nangyayaring sunud-sunod na power shutdown ng mga planta ng enerhiya. “Hindi ‘yung gagamitin ng Meralco ang nakadududang red and yellow alerts…
Read MoreDIAMOND RING SA POST NI JESSY, MAY PAHIWATIG BA?
(NI LOURDES C. FABIAN) KUMALAT na naman ang espekulasyon that Jessy Mendiola and Luis Manzano are now engaged dahil sa recent post ng girlfriend ni Luis Manzano where she is wearing a stunningly beautiful diamond ring. Komento nga ng iba, she might be modelling for a jewelry shop pero mas marami ang umaasa lalo na ang kanilang mga avid fans that wedding bells for Jessy and Luis are just around the corner. Kahit si Luis ay nag-comment on her intriguing Instagram post. Bumuhos ang congratulatory comments on her post while others asked her if she is…
Read MoreLIDER NG KATUTUBO, DINUKOT, PINASLANG NG ‘NPA’
(NI JG Tumbado) KINONDENA ng isang katutubong komunidad ang ginawang pagdukot at pagpaslang sa kanilang leader na umanoy kagagawan ng New People’s Army (NPA)-Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro. Ayon sa naiparating na reklamo sa Philippine Army Headquarters sa Southern Luzon Command at sa Occidental Mindoro Provincial Police Office (OMPPO), sa harap mismo ng pamilya ng biktimang si Jose Barera, 47, nang puwersahin umanong kunin ito sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Liberty, Barangay Naibsuan ng pitong armadong NPA Biyernes ng gabi. Si Barera…
Read More‘NEXT SPEAKER DAPAT WALANG MATAAS NA POLITICAL AMBITION’
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maisulong umano ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa natitirang tatlong taon ng kanyang administrasyon, kailangang walang mataas na political ambition ang susunod na House Speaker. Ito ang iginiit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil ngayon pa lamang ay pinag-usapan na ang ipapalit kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 18th Congress. Matatapos ang termino ni Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa Hunyo 30, 2019 kaya out na ito at hindi na kasali sa pagpipilian bilang Speaker sa 18th Congress na magsisimula…
Read MoreREKLAMO NG DILG VS 52 BRGY OFFICIALS ‘IBABASURA’ NG COMELEC
(Ni NELSON S. BADILLA) SA ‘basurahan’ ng Commission on Election (Comelec) ang bagsak ng mga reklamong isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa 52 opisyal ng iba’t ibang barangay dahil sa ‘aktibong’ pangangampanya. Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, wala namang kasamang mga ‘verified complaint’ ang mga kasong isinampa ng DILG sa Comelec laban sa mga opisyal ng barangay na magpapatunay na nangangampanya ang mga ito, kaya hindi uusad ang kaso. Ang pangangampanya ng mga opisyal ng barangay para sa mga kandidato ay ipinagbabawal ng…
Read More