RAPIDO ni PATRICK TULFO
NGAYONG taon, higit sa anomang taong nagdaan, may kaakibat na tapang at pag-asa ang selebrasyon ng mga Pinoy ngayong Chinese New Year.
Mainit man ang girian sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawan pa ring Kalayaan Group of Islands, nakagawian na ng mga Pinoy na gunitain ang Chinese New Year bilang pagkilala sa tinatawag na mga “Tsinoy” sa bansa o mga Filipino Chinese.
Kapansin-pansin din ang matapang na paggunita ng ilang Pinoy ngayong Chinese New Year, kung saan ipinahayag ang paninindigan sa mga ginagawa umano ng mga Chinese sa ating mga nasasakupan.
Sa kabila ng girian, marami pa rin namang mga Tsinoy na malaki pa rin ang respeto sa ating bansa. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit patuloy nating ginugunita ang Chinese New Year.
Umaasa tayong magiging daan ang selebrasyong ito upang isantabi ang girian para maging mas matiwasay at malakas na komersyo ang Pilipinas at Tsina
13
