LAND CONVERSION SINISI SA KAKAPUSAN NG PAGKAIN

(NI NOEL ABUEL) SINISI ni Senador Francis Pangilinan pagko-convert sa lupang sakahan kung kaya’t nalalagay sa alanganin ang food security ng bansa. Ayon kay Pangilinan, panahon nang matigil ang pagko-convert ng mga agricultural lands para gawing residential, commercial, industrial at iba pa na malayo sa dapat na paggamitan nito. Inihalimbawa pa nito ang nangyayari sa Luzon na pinakatinamaan ng land conversion na nasa 80 porsiyento habang ang Visayas ay 7.8 porsiyento at Mindanao ay 11.6 porsiyento. “Kritikal ito para matiyak ang food security ng ating bansa. Madalas, prime agricultural lands…

Read More

TEENAGE PREGNANCY, ISANG SERYOSONG ISYUNG PANLIPUNAN

FORWARD NOW

Bilang mambabatas ay malaki ang tungkulin natin na mabigyan ng karampatang kaalaman ang mga kabataan upang magkaroon sila ng kapasidad na magdesisyon nang maayos para sa kanilang kinabukasan. Ang teenage pregnancy ay isang isyung panlipunan na dapat mapag-aralang mabuti ang kasalukuyang kalagayan at makahanap ng mabisang paraan upang masolusyunan ito. Mismong sa pangulo nanggaling ang kautusan na magsama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan at tipunin ang lahat ng stakeholders upang talakayin ang isyung ito. Bilang pagtalima sa panawagang ito ng pa­ngulo, ang DepEd at DOH ay nag-organisa ng dayalogo sa…

Read More

ILANG LUGAR SA METRO MAWAWALAN NG KURYENTE

brownout12

(NI KEVIN COLLANTES) ILANG lugar sa Metro Manila at ilang karatig na lalawigan ang inaasahang makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggong. Sa advisory na ipinalabas ng Manila Electric Company (Meralco), nabatid na dulot ito ng mga maintenance work o pagkukumpuning kanilang isasagawa, mula ngayong Lunes, Agosto 26, hanggang sa Linggo, Setyembre 1. Kabilang umano sa maaapektuhan ay ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Manila, Pasay, Marikina, Pasig, at Quezon, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon. Nabatid…

Read More

MINI CASINO SA CABANATUAN CITY, HAMON KAY GEN. CORONEL

HAGUPIT NI BATUIGAS

Hindi takot ang mga opisyal ng PNP kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung saan hindi nila sinusunod ang direktiba nito na lansagin ang lahat ng uri ng ilegal na pasugalan sa buong bansa. Hindi ba’t kamakailan ay ipinasara ang gaming o­peration ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa talamak na katiwalian? Mabuti na lamang at may nagpayo sa pangulo na ibalik ang lotto operation dahil marami ang umaasa rito. Ang matindi sinasamantala naman ng mga peryahan operator ang pagkasuspinde ng small-town lottery dahil patuloy naman silang namamayagpag sa kanilang mga pasugal…

Read More

SANCHEZ, KARAPAT-DAPAT BA SA PANGALAWANG PAGKAKATAON?

SA GANANG AKIN

Marami ang nagulat at nagalit sa balitang may posibilidad na maagang makalalaya si former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. Noong 1995 ay nahatulan ng pitong beses na habambuhay na pagkakabilanggo si Sanchez dahil sa pagpatay kay Allan Gomez at sa panggagahasa’t pagpatay kay Eileen Sarmenta noong 1993. Ang dalawang biktima ay kapwa mag-aaral ng University of the Philippines Los Baños. Ang posibilidad ng maagang paglaya ni Sanchez ay nagmula sa batas na Republic Act (RA) 10592 na naisabatas noong ika-13 ng Oktubre, 2013. Ang batas na ito ay nagbibigay ng…

Read More

BI NAGHIGPIT SA PALIPARAN

NI FRANCIS SORIANO LALO pang naghigpit ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbabantay sa lahat ng paliparan sa bansa kaugnay sa mga suspected terrorists, mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment. Ito’y matapos na ipag-utos nitong Biyernes ni  Commissioner Jaime Morente ang paglilipat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa ilalim ng kanyang pangangasiwa bilang mata at tenga nito. “The Bureau of Immigration (BI) has ‘tightened its watch’ on airport operations by implementing internal movement and coordinating with other agencies. We have transferred the authority over our secondary inspectors, and…

Read More

4 MILYONG RESERVIST MAKUKUHA SA ROTC

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng 4 million reservist personnel ang Pilipinas kapag naibalik ang Reserved Officer Training Corps (ROTC)  na sapat na para maidepensa ang bansa sa anumang banta at malaking puwersa naman sa operasyon sa panahon ng kalamidad. Ito ang paniniwala ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ukol sa panukalang ibalik ang mandatory ROTC subalit ipatutupad na ito sa Senior High School o Grade 11 at 12. Ayon kay Nograles, umaabot sa 4 million ang grade 11 at grade 12 sa buong bansa at apat na beses na sa kailangang…

Read More

LIBRENG TAX SA PCSO MAPUPURNADA

pcso12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAPUPURNADA ang kahilingan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na malilibre sa buwis matapos kontrahin ito ng chair ng House committee on ways and means. “The answer is no,” ani Albay Rep. Joey Salceda, chair ng nasabing komite na ang trabaho ay maghanap ng perang gagastusin ng gobyerno sa mga programa at imprastraktura. Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos imungkahi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilibre sa buwis ang PCSO at ang matitipid ay ilaan sa charity upang mas marami pang matulungang mahihirap na pasyente na…

Read More

DENGVAXIA BINAWI NG FDA; DASAL NA LANG VS DENGUE — SOLON

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD) “DASAL.” Ito ang sagot ni Iloilo Rep. Janette Garin nang tanungin ng Saksi Ngayon kung ano ang mabisang panlaban sa Dengue ngayong binawi na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lisensya ng dengvaxia. Ayon sa mambabatas, kailangang lakasan pa ng mga magulang ang kanilang dasal na hindi makakagat ng lamok na may dalang dengue virus  ang kanilang mga anak at makaligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan. Lalong kailangang magdasal umano ang mga magulang na may mga anak na nagkadengue na huwag itong magka-dengue muli dahil…

Read More