NLEX HANDA SA DAGSA NG MOTORISTANG BALIK-MAYNILA

nlex55

(NI ELOISA SILVERIO) INIHAYAG ng pamunuan ng NLEX Corporation na handang-handa na sila sa inaasahang pagdagsa ng daang-libong mga motorista sa NLEX-SCTEX na manggagaling sa mahabang holiday vacation pabalik ng Metro Manila ngayong weekend. Muling ibinalik ng tollway company ang kanilang motorists assistance program, “Safe Trip Mo Sagot Ko” upang mapabuti at gawing ligtas ang biyahe ng mga motoristang mula sa pagbabakasyon nitong nakaraang holiday season. “As the holidays come to a close and usher in the New Year, we want to assure our motorists of fast, safe, and comfortable travel…

Read More

PANGARAP NG PINOY JINS NAKASALALAY SA PTA

(NI ANN ENCARNACION) NASA kamay ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kapalaran ng national jins na nangangarap mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics. Magkakaroon ng taunang general assembly ang PTA  bukas ng alas-9 ng umaga sa San Andres Coliseum sa Malate, Manila na dadaluhan ng tinatayang 400 regional heads , coordinators at instructors, at taekwondo officials mula sa AFP at PNP. Pangungunahan nina PTA top officials, Grandmasters Sung Chon Hong, Monsour Del Rosario at 30th SEA Games deputy chef de mission Stephen Fernandez, ang general meeting kung saan pag-uusapan ang pagpili…

Read More

ALMENDRAS IDINIIN NI PDU30 SA KWESTIYUNABLENG KONTRATA NG MANILA WATER AT MAYNILAD

Jose Rene Almendras

IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isa sa mga abogadong gumawa ng kuwestiyonableng kontrata ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water. Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Digos City sa Davao del Sur bago matapos ang taon ay pinangalanan ng Chief Executive si Jose Rene Almendras na dating opisyal ng gobyerno at ngayon ay mataas na opisyal ng Manila Water. “Yung mga empleyado nila noon sa Malacañang na gumawa ng contract, nandiyan ngayon sa kanila. Prominent of those is si Almendras. He’s now an executive sa Manila Water,” ayon…

Read More

PASAHERO MULA PROBINSIYA DAGSA NA; MATINDING TRAFFIC ASAHAN

(NI KIKO CUETO) DUMAGSA na ang mga pasahero na galing probinsya sa mga terminal ng bus, paliparan at pantalan ngayong Sabado, hudyat ng balik trabaho at matinding trapik sa Lunes. Nagtapos na rin ang mahabang bakasyon dahil sa Christmas Break. Bukas, Linggo ay inaasahan pa ang dami ng pasahero at pagsisikip sa trapiko. Sa Ninoy Aquino International Airport, dagsa ang mga nagbabalik mula sa mga probinsya. Sa pier naman, aabot sa 200,000 pasahero ang dumaan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ng Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard.…

Read More

PDU30 PINAGPAPAHINGA NG DOKTOR

SA ikalawang pagkakataon, hindi muli sinipot ni Pangulong Rodrigo Duterte and nauna nyang iskedyul na pagtungo sa mga lugar na tinamaan ng lindol nitong Biyernes sa Davao del Sur. Ito ay matapos ihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na inabisuhan ang Pangulo ng kanyang doktor na magpahinga muna. Ayon sa senador, ito ang dahilan kung kaya’t hindi nakadalo ang pangulo sa dalawang public engagement nitong Huwebes (January 2) at Biyernes (January 3). Sinabi ni Go sa mga mamamahayag na nakaranas ang Pangulo ng pananakit ng tiyan dahil sa kinain nito.…

Read More

PINOY SA IRAQ PINAG-IINGAT

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na bibiyahe sa Iraq na pansamantalang ipagpaliban ito kasabay ng pag-init ng tensiyon sa rehiyon. Sa kalatas, hiniling din ng DFA sa mga Filipino sa Iraq na makipagkoordinasyon sa Philippine Embassy doon at sa kanilang employers sakaling magkaroon ng mandatory evacuation sa naturang bansa. Pinapayuhan na tumawag ang mga Pinoy doon sa Philippine Embassy sa Baghdad sa  (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; at (+964) 751-876-4665. Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa baghdad.pe@dfa.gov.ph, o  Facebook page at Philippine Embassy sa Iraq. Nauna rito,…

Read More

PIMENTEL NAMUMURO SA GRAFT?

SEN KOKO PIMENTEL-3

(PFI REPORTORIAL TEAM) POSIBLENG maharap sa kasong graft si PDP-Laban president Senator Koko Pimentel dahil sa kanyang pag-endorso sa bagong motorcycle taxi ride-hailing app na JoyRide sa Department of Transportation (DOTr). Sa liham na may petsang September 2, 2019 na naka-address kay Transportation Secretary Arthur Tugade,  tahasang inendorso ni Pimentel ang liham ni We Move Things Philippines president Neil Sherwin Yu na humihiling na mapasama sila sa isinasagawang pilot run ng motorcycle taxis. Ang We Move Things Philippines ang parent company ng JoyRide. Sa Kapihan sa Manila Hotel kahapon, sinabi…

Read More

OVERACTING ANG JADINE FANS

(NI LOLIT SOLIS) SOBRA ang reaction ng mga fans ng Jadine sa balitang hiwalayan nila. Alam mo, para sa akin bagay na bagay ang dalawa, saka maganda kumbinasyon nila at suwerte naman team up nila ng magkasama sila. Baka naman isa lang itong case ng small misunderstanding at puwede pa maayos at magkabalikan muli kung tutoo man naghiwalay. Kaya lang medyo iba rin pressure dahil hindi na contract star ng Viva si James Reid, si Nadine Ilustre lang ang natira kaya talagang pagdating sa loveteam medyo mahirap na silang pagsamahin,…

Read More

PSC SUSUGAL NG P100-M SA OQT PINOY ATHLETES

(NI VT ROMANO) SAPAT na ang P100 milyon na pondong ilalaan ng Philippine Sports Commission (PSC) para maging inspirado ang Pinoy athletes sa kanilang training at lalahukang Olympic qualifying tournaments (OQT). Umaasa si PSC chairman William Ramirez na magsusumikap ang mga atleta para makahablot ng mas maraming tiket sa 2020 Tokyo Olympics. Katunayan, nakalinya na ang mga qualifying tournament na lalahukan ng mga national athlete. Sisimulan ito ni 2016 Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, kasama sina Nestor Colonia, Kristel McCrohon at Elreen Ando, na pawang sasabak sa 2020…

Read More