NADAGDAG ang alkalde ng Taytay sa lalawigan ng Rizal sa humahabang talaan ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019 sa bansa. Sa kanya mismong Facebook page, inanunsyo ni Mayor Joric Gacula na “nakaramdam po ako ng pangangati ng lalamunan, at nakaramdam ng ginaw at nakaexperience ng sinat o tinatawag na slight fever. Agad po ako kumonsulta sa family doctor.” March 29 aniya nang lumabas ang resulta ng kanyang test at nagpositibo siya. Nilinaw naman ng alkalde na mild ang kanyang kaso. Kasabay nito ay pinayuhan niya ang mga kababayan na…
Read MoreMonth: March 2020
PDU30 MAY PUBLIC ADDRESS NGAYONG ALAS-4 NG HAPON
MAGBIBIGAY ng public address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte alas-4:00 ngayong hapon. Nasa kalahati na kasi ng buwan ang ipinatutupad na lockdown sa Luzon dahil sa COVID 19. Bukod pa sa hinihintay ng Kongreso ang report ng pamahalaan ukol sa naging pagtugon nito sa COVID-19 pandemic. “He will have a televised message today tentatively set at 4:00pm,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Sa kabilang dako, nakatakda namang magsumite ng kanyang report si Pangulong Duterte sa Kongreso ukol sa kung paano ginastos ng administrasyon ang public funds na pantulong sa…
Read MorePAGKILALA SA SERBISYO NG MGA BAGONG BAYANI
PATULOY pa rin ang pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa ating bansa at noong Sabado ay tumungtong na sa libo ang bilang samantalang ang bilang ng mga gumaling ay nasa wala pa sa kwarenta. Ang mga pasyenteng nasa ospital na may COVID-19 ay walang mga kasamang bantay kaya’t talagang makukuba na sa pagod ang mga healthcare worker sa mga ospital. Bukod dyan ay araw-araw din silang nakaharap sa panganib nang pagkakaroon ng virus. Ngunit kailangan nilang gawin ang kanilang sinumpaang tungkulin upang mapagtagumpayan ng ating bansa ang…
Read MoreDRUG REFORMISTS SA BALIWAG GUMAWA NG FACE SHIELDS PARA SA FRONTLINERS
BALIWAG, Bulacan — Gumawa ang mga drug reformist ng Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center ng face shield upang makapag-ambag para sa frontliners sa gitna ng krisis na kinakaharap ng mga healthcare worker kaugnay ng coronavirus o COVID-19 outbreak. Ayon kay Baliwag Municipal Administrator Eric Tagle, gamit ang mga foam at acetates ay gumagawa ang mga drug reformist ng do-it-yourself o DIY na facial shields upang makatulong sa frontliners na kasalukuyang kinakapos sa PPEs katulad ng facemasks, gloves at face shields. Target ng mga naturang repormista na makagawa ng 700 piraso…
Read MoreDRIVER NG SENADOR NAMATAY SA COVID-19
TULUYAN nang bumigay ang 73-anyos na staff ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sanhi ng corona virus 2019, ayon mismo sa senador, nitong Linggo ng hapon. Sa kanyang text messages sa kapwa senador, sinabi ni Revilla na isang staff niya ngayon ang namatay sanhi ng COVID-19. “Dear colleagues, it is with deepest sadness that I am informing u that my staff expired just today due to COVID,” ayon kay Revilla. Hindi pinangalanan ang biktima ngunit, sinabi ng ilang source na matagal na itong nagsisilbi sa pamilya Revilla. Ikaapat ang biktima…
Read MoreLGUs PINAGPAPATAYO NG ISOLATION AREAS VS COVID-19
HINILING ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa lahat ng local government units (LGUs) na magtayo ng isolation areas at makeshift hospital sa kanilang nasasakupan upang makatulong na mabawasan ang sumisikip ng emergency room ng mga ospital. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na malaki ang magagawa ng isolation areas at makeshift hospital laban sa pagkalat ng corona virus 2019 ( COVID-19) na magbubukod at matutulungang gumaling ang mga pasyenteng may mild symptoms ng sakit. Iminungkahi ni Gatchalian na itayo ang naturang pasilidad sa maluluwang, malilinis at maaliwalas na lugar tulad ng…
Read MoreMALAKANYANG BUMUWELTA SA MGA BATIKOS SA ECQ
PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na ‘ineffective’ ang enhanced community quarantine o partial lockdown na ipinatutupad ngayon sa Luzon kaya’t lumobo ng mahigit 1,000 katao ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) case sa bansa. “We beg to disagree,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Aniya, gaya ng palagi nilang sinasabi na ang dahilan ng ilang reported cases ng kumpirmadong kaso dalawang linggo na ang nakalilipas ay dahil sa kakulangan ng testing kits kumpara sa bilang ng nahawa sa nasabing sakit. Hinggil naman sa manufacture at supply ng testing kits na naging…
Read MoreSUMALISI SA ECQ, LASING TINAGA NG KATAGAY
DAVAO Occidental – Nauwi sa madugong insidente ang selebrasyon ng isang kaarawan kahit na mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang public gatherings dahil sa community quarantine at state of health emergency, sa bayan ng Sta. Maria. Alas-5:35 ng hapon noong Sabado, Marso 28, nangyari ang pananaga nang malasing ang dalawang lalaki sa kanilang dinaluhang selebrasyon sa Sitio Proper, Barangay Malalag Tubig, nitong bayan. Agad namang nagresponde ang mga nagbabantay sa coronavirus disease (COVID-19) checkpoint na 200 metro lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng gulo. Sa inisyal na imbestigasyon ng…
Read MoreKOREANO NATAGPUANG PATAY SA QUEZON
QUEZON – Natagpuang patay sa loob ng kanyang farm sa bayan ng Lucban sa lalawigang ito, ang isang Korean national na umano ay may respiratory problem. Ayon sa Lucban police, natagpuan ng kanyang mga empleyado ang katawan ng biktimang si Kee Hwan Bok, 72-anyos, habang nakahandusay sa kama noong Sabado ng umaga. Sinabi ng mga tauhan ng farm, ilang araw nang sinusumpong ang biktima ng sakit nitong tuberculosis. Sa pagsusuri ng doktor, heart attack umano ang ikinamatay ng biktima. Wala ring nakitang foul play ang mga pulis sa insidente. (NILOU…
Read More