TANUNGIN ANG MGA TAO KUNG ANONG BAKUNA ANG GUSTO NILA

SIGURO tanungin muna ng gobyerno ang mga tao kung anong vaccine sa COVID-19 ang gusto nilang bilhin at iturok sa kanila ng ­gobyerno para maging immune na sa virus na ito na hindi pa nawawala. Dapat magpa-survey ang gobyerno para malaman ang pulso ng mga Filipino na gustong mabakunahan ng covid-19 vaccines. Kaya nilang gawin yan. Nandyan naman ang mga private survey firms at Philippine Statistic Authority (PSA). Bakit kailangan ito? Dahil maingay na ang bakuna na gawa ng China ang gustong bilhin ng gobyerno na gagamitin sa mass vaccination…

Read More

PULIS AT SUNDALONG NASIBAK DAPAT IMONITOR

MAY suhestiyon ang tagasubaybay ng PUNA na tutukan daw ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni General Debold Sinas ang mga dating pulis na nasibak na sa serbisyo. Bakit? Kasi karamihan daw sa mga ito ay nasasangkot sa mga ilegal na gawain. Tulad daw ng pagkakasangkot sa ilegal na droga, holdapan, gun running, carnapping, smuggling at iba pa. May punto po ang ating tagasubaybay lalo na yung mga pulis na ang dahilan ng kanilang pagkakatanggal sa serbisyo ay dahil sa paggawa ng kalokohan. Noon ngang nasa serbisyo pa sila…

Read More

IBUNYAG ANG MGA NAGPALUSOT NG P28.348-B DAGDAG BADYET SA DPWH

TULAD nang dati, ­kuwestyonable na naman ang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2021. Inaprubahan ng Bicameral Conference Committee (Bicam) ang P4.506 trilyong ­hinihinging badyet ni Pangulong ­Rodrigo Duterte para sa susunod na taon. Kasama rito ang P694.8 bilyon ng DPWH na siya pang pangalawa sa pinakamataas sa mga badyet ng mga kagawaran ng pamahalaan. Ang nanguna ay ang Department of Education (DepEd) sa halagang P708.1 bilyon dahil itinakda at ipinag-utos ng Saligang Batas na siyang pinakamataas sa taunang ­badyet ng pamahalaan. Nangangahulugang pinakamahalaga ang…

Read More

DISIPLINA IGINIIT SA PAGBANGON NG TURISMO

DISIPLINA sa hanay ng mga turista at pagbabantay ng mga pulis ang nakikitang epektibong paraan para masiguro ang tagumpay ng unti- unti nang pagbubukas ng mga tourist destination sa bansa. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ginagawang mahigpit na paninita at pagtutok ng Tourism Department sa mga posibleng paglabag sa health protocols ng iba’t ibang resort at tourist spots na bukas na para sa mga lokal na turista. Bukod sa disiplina ay masasabi ring epektibo ang pagde-deploy ng maraming pulis na titiyak na natutupad ang…

Read More

EXPERTS: COVID CASES SISIPA SA ENERO

BINALAAN ng mga eksperto ang publiko upang manatiling maingat dahil posibleng sumipa ang kaso ng COVID-19 matapos ang kapaskuhan. Base sa pagtaya ng University of the Philippines OCTA Research Group posibleng pumalo na sa kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagdating ng katapusan ng taon. Ito ay dahil inaasahan na ang pagdami ng kaso ngayong holiday season. Ayon kay OCTA Research team Dr. Guido David, batay sa kanilang trajectory, posibleng umabot sa 475,000 hanggang 500,000 ang COVID-19 cases sa katapusan ng Disyembre. Hindi aniya maiiwasan ang mga selebrasyon,…

Read More

LEACHON NAMUMURO KAY DIGONG – ROQUE

HINDI na natutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga banat at kritisismo na ibinabato ni Dr. Anthony Leachon, dating adviser ng National Task Force against COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, makailang beses nang minura ni Pangulong Duterte si Leachon sa kanyang speeches subalit ine-edit lamang sa oras na inere na ang video. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay matapos kuwestiyunin ni Leachon ang desisyon ng pamahalaan na iprayoridad ang coronavirus vaccines mula sa mga kumpanya na hindi pa nakapagpo-produce ng sapat na “efficacy and safety data.”…

Read More

TADURAN TUMANGGAP NG GAWAD AMERIKA AWARD

PINARANGALAN si ACT-CIS Party-list Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ng Gawad Amerika Awards Foundation kasama ang respetadong aktres na si Nora Aunor at ang mga lingkod-bayan na sina Senator Bong Revilla, Congressman Alfred Vargas at Bulacan Governor Daniel Fernando sa ika-19 na pagkilala sa mga kapuri-puring Pilipino sa iba’t ibang larangan. Kinilala si Taduran bilang Outstanding Personality in the Field of Public Service makaraang mapili sa napakaraming nominado ng Filipino-American board ng foundation. “I am humbled by this accolade by the Gawad Amerika Awards Foundation because I don’t expect to be…

Read More

9 INARESTO SA STREET PARTY

SIYAM katao ang binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang maaktuhang nagpa-party at lantarang nag-iinuman sa kalye sa Paco, Manila noong Linggo ng hapon. Makaraang ipa-blotter sa nakasasakop na barangay, dinala sa MPD-Sta. Ana Police Station 6 ang mga inaresto na kinilalang sina May Flores, 26; Ivy Lumaga, 27; Joy Kris Ramos, 33; Christian Marcaida, 25; Elizabeth Delos Reyes, 32; Ginalyn Satore, 32; Romnick Mallari, 32; Ricay May Mallari, 23, at Alvin Domengiano, 22-anyos. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:00 ng hapon nang makatanggap ng reklamo…

Read More

CURFEW HOURS SA NAVOTAS, BABAWASAN

NIREBISA ng Pamahalaaang Lungsod ng Navotas ang curfew ordinance nito para payagang makadalo ang mga residente sa tradisyunal na Simbang Gabi at misa sa Pasko at Bagong Taon. Nilagdaan noong Biyernes ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-49 kung saan inamyendahan ang Section 4 ng dating curfew ordinance ng lungsod. Nakasaada sa bagong ordinansa ang 11:00 pm hanggang 2:00 am na curfew para sa mga nasa hustong gulang sa Disyembre 15-23, 2020. Habang aalisin ang curfew sa Disyembre 24, 25, at 31, 2020 at sa Enero 1, 2021. Ang…

Read More