TRAVEL RESTRICTION SA UK TATALAKAYIN

PAG-UUSAPAN pa ng Inter-Agency Task Force kung magpapatupad ng travel restriction laban sa United Kingdom o pansamantalang hindi pagpapapasok ng mga indibidwal mula sa nasabing bansa dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019. “Pag-uusapan pa po iyan sa IATF pero sa ngayon po, in place pa naman iyong ating mga protocols para sa lahat ng pumapasok ng Pilipinas kasama po [riyan] iyong mandatory quarantine habang hinihintay po ang resulta ng kanilang PCR tests,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa ulat, nagpatupad ang ilang mga bansa ng…

Read More

TURISTA MULA SA EUROPE, PANSAMANTALANG I-BAN SA PINAS

PABOR ang ilang senador na ipagbawal muna ang pagpasok sa bansa ng mga turista mula sa Europe dahil sa bagong strain ng COVID-19 na kumakalat doon. Sinabi nina Senador Grace Poe, Senador Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Joel Villanueva na dapat maging mabilis ang aksyon ng gobyerno upang maiwasan ang muling pagkalat ng virus sa bansa. “The government should act on this matter decisively and promptly. Considering tightening our borders will be for the good of nations concerned to contain the infection. It’s the vaccine that…

Read More

PAGSUSULONG NG DEATH PENALTY BILL, NABUHAY

DAHIL sa nangyaring pamamaril ng isang pulis sa kanyang kapitbahay na mag-ina sa lalawigan ng Tarlac, nabuhay ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga nasasangkot sa heinous crime. Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, death penalty ang dapat na ipataw kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca dahil sa brutal nitong pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. “Yes I saw it already. That rogue cop deserves death penalty,” saad ni dela Rosa. Gayunman, aminado ang senador na hindi niya matantya kung may tsansa nang maipasa sa…

Read More

PACQUIAO TABLADO KAY DIGONG

PATULOY na nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III kaya’t malabong pagbigyan ang panawagan ni Senador Manny Pacquiao na palitan ang kalihim. “Well, all members of the Cabinet serve at the pleasure of the President po. Sa ngayon po, patuloy pa rin ang pagtitiwala ni Presidente kay Secretary Duque,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Hinikayat kasi ni Senador Pacquiao si Pangulong Duterte na palitan na si Sec. Duque para magkaroon ng comparison sa ibang mamumuno sa Department of Health (DOH) at para aniya maibsan ang…

Read More

PAGHIHIGPIT SA BENTAHAN NG EXPLOSIVES INIUTOS NI PDU30

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na i-monitor ang bentahan ng pampasabog para kontrahin ang mga pag-atake ng teroristang New People’s Army (NPA). Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang NPA, armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay kumukuha ng mga materyales ng pampasabog nito mula sa mining sites. “Karamihan diyan galing sa mina so that may double check tayo ngayon. It must be cleared by the police and…

Read More

Kung ‘di kayang ireporma ang pulis SINAS PINAGBIBITIW NG SOLON

(BERNARD TAGUINOD) AGARANG pinakikilos ng isang mambabatas sa Kamara si Philipine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas para ireporma ang kanyang mga tauhan at kung hindi ay dapat siyang magbitiw. Ayon kay Davao del Norte Rep. Panteleon Alvarez, dapat ding alamin ng hepe ng pambansang pulisya kung bakit may mga pulis na tulad ni PSMS Jonel Nuezca. Ginawa ni Alvarez ang pahayag dahil ang tingin umano ngayon ng mga tao sa PNP ay hindi isang institusyon kundi “Pumapatay Ng Pilipino”. “Pursuant to this aim, let us also demand that…

Read More

TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO

SADYANG hindi maganda ang pasok ng taong 2020 sa ating bansa. Halos lahat na yata ng unos ay naranasan natin. Kabilang na rito ang pagputok ng bulkan Taal, COVID 19 pandemic, lindol at ang sunod sunod na bagyo na nagpalubog sa maraming lalawigan sa Bicol Region at sa Cagayan Valley. Halos bawat pamilya na aking kakilala ay naapektuhan at ang iba pa nga ay namatayan ng kani-kanilang kamag-anak. Katulad na lamang sa aming pamilya ay may pumanaw din dahil sa COVID 19 ang aking nakatatandang kapatid na si Barangay Pio…

Read More

LADY MUSLIM JUDGE NAPILI BILANG ISA SA TATLONG BAGONG MAHISTRADO NG CA

MISTULANG nabigyan ng pamasko ng Malakanyang ang kauna-unahang babaeng Muslim Judge mula sa Iligan City Regional Trial Court nang ito ay maitalaga bilang mahistrado ng Court of Appeals. Sa isang pahinang transmittal letter mula sa Malakanyang na naka-address sa Office of the Chief Justice (OCJ) ng Korte Suprema na pirmado ni Pangulong Mayor Rodrigo Roa Duterte kung saan nakasaad ang pagtatalaga kay Iligan City RTC Judge Anisah Amanodin-Umpa bilang mahistrado ng CA. Si Judge Umpa ay naging hukom sa Iligan City simula pa noong taong 2001 bilang MTC Judge sa…

Read More

EUROTEL HOTEL NAGPAABOT NG TULONG SA MGA RESIDENTENG BIKTIMA NG BAGYO

ONE COMMUNITY AT A TIME. Na­ging maagap ang Eurotel Hotel volunteers sa pagtulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo sa komunidad ng Sitio Kayrupa, Barangay San Rafael, Rizal noong Nobyembre 29. Umabot sa kabuuang 300 relief goods na kinabibilangan ng mga damit, pagkain, laruan, at vitamins ang naipamahagi sa mga residente. “As part of the EuroReach’s initiatives, Eurotel’s corporate social responsibility program, we would like to extend our help to more indigent communities in the country. Also, I would like to thank our media partners and the LGUs who helped…

Read More