TINIYAK ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon na patuloy ang pagsusuplay ng iba’t ibang lalawigan ng ikatlong rehiyon, ng mga produkto tulad ng gulay at karne, sa Metro Manila sa kabila ng pandemyang kinahaharap ng bansa. Base sa datos ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), nasa kabuuang 146,245 kgs na lowland vegetables ang naipadala sa National Capital Region (NCR), sa pagsisimula pa lamang ng taong 2021. Samantala, sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), tinatayang nasa 9,467 heads ng baboy na African Swine Fever (ASF) free…
Read MoreMonth: January 2021
SENIORS NGANGA SA P500 SOCIAL PENSION
MISTULANG nakalilimutan na ang senior citizens dahil hindi lamang ang karagdagang P1,000 pension ng mga ito mula sa Social Security System (SSS) ang hindi ibinibigay kundi gayundin ang P500 social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa kanyang privilege speech, naglabas ng sama ng loob si Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes dahil tatlong taon nang iniipit ng SSS ang karagdagang P1,000 sa pensyon ng mahigit kumulang sa 2.5 million pensioners. Ayon sa mambabatas, simple lang ang pangarap ng matatanda na pagretiro ng mga ito ay…
Read MoreBAYANIHAN BILL SA BAKUNA IKINAKASA
KASUNOD ng Bayanihan Law 1 at 2, isa pang Bayanihan Bill ang ikinakasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para tugunan naman ang vaccination rollout program ng gobyerno. Tinawag ni Albay Rep. Joey Salceda na Bayanihan sa Bakuna Act ang kanyang House Bill (HB) 8285 na siyang magiging batayan kung paaano ipatutupad ang vaccination program ng gobyerno upang walang masayang na bakuna lalo na’t maiksi ang expiration ng COVID-19 vaccines. Ang Bayanihan 1 ay tinawag na Bayanihan to Heal as One Act habang ang Bayanihan To Recover As One Act ay…
Read MoreSa mga nasa MGCQ simula sa Pebrero 1 10-ANYOS PATAAS PWEDE NANG LUMABAS
MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibiduwal na may edad 10 hanggang 65 taong gulang. Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakapaloob sa IATF Resolution No. 95 na ang may edad na 10 pababa at mahigit 65 taong gulang ay kinakailangan pa ring…
Read MoreFormer Law Dean sa pag-abswelto kay Koko DOUBLE STANDARD
HINDI napigilan ng dating Law Dean na si Rico Quicho na kwestyunin ang ginawang pagbasura ng National Prosecutor Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) sa reklamo laban kay Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III kaugnay ng umano’y quarantine breach noong nakaraang taon. Sa pamamagitan ng Facebook, agad naghayag ng mahabang saloobin ang abogado at binigyang diin ang tila pagkakaroon aniya ng double standard sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa pinaiiral na quarantine protocols. Bahagi ng post ni Atty. Rico Quicho ay nagsasaad na: “Is there a different set of rules…
Read MoreInilutang ni Lacson sa bibilhing Sinovac MAY KIKITA NG P16.8 BILYON?
NELSON S. BADILLA NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na mayroong kikita ng P16.8 bilyon sa pagbili ng bakuna ng Sinovac mula sa China. Ayon kay Lacson, ang P16.8 bilyon ay ang sobrang halagang ibabayad ng administrasyong Duterte sa 25 milyong doses ng bakuna ng Sinovac Biotech. Sabi ni vaccine czar Cesar Galvez Jr. sa media ay “sealed the deal” at “locked-in agreement” na ang 25 milyong doses na inorder mula sa Sinovac. Simula Pebrero 20 ay inaasahang darating ang unang batch na 50,000 doses. Inulit ni Lacson sa kanyang…
Read MoreKapag na-contempt si Galvez DIGONG SUSUGOD SA SENADO
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sunduin sa Senado si vaccine czar Carlito Galvez kapag binastos na ito ng mga senador sa dagdag na pagdinig sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno ngayong araw (Biyernes). Humirit kasi si Sen. Panfilo Lacson sa plenaryo hinggil sa pangangailangan na mabusisi ang ilang hindi pa umano malinaw na detalye sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19. “Ang sabi po ng presidente, “Kung ika’y binastos, tumayo ka, huwag kang sumagot at umalis ka; at kapag ikaw ay iko-contempt, susunduin kita roon,” ayon kay Presidential…
Read MoreKUMIKILOS NA SA MATAAS NA PRESYO NG BABOY
KUMIKILOS na ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang ASF-free areas ng Luzon. Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin ang DA ng baboy sa bansa na walang ASF habang tinataasan din ang volume ng pork imports. Mayroon din aniyang ipinatutupad na Bantay ASF sa barangay o ang BABay ASF na ang target ay mapigilan ang ASF katuwang ang…
Read MorePASSPORT REVOLVING FUND NG DFA SIMOT NA
IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na paubos na ang passport revolving fund ng bansa. Gayunpaman, tiwala si Sec. Roque kay Locsin na makahahanap ito ng pondo. Sa Twitter post kasi ni Locsin, Miyerkoles ng gabi ay sinabi nito na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makahanap ng pera to replenish o punan o dagdagan ang pondo lalo pa’t ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay mayroong utang na P388 million sa passport printing…
Read More