‘Buddy-buddy’ system paiiralin PAGDUKOT SA MANILA COPS IKINAAALARMA

IPATUTUPAD ng Manila Police District (MPD) ang buddy-buddy system ilang pag-iingat kasunod ng dalawang insidente ng pagdukot sa kanilang tauhan. “Hindi na ako papayag na maiulat pa ang “abduction” sa mga tauhan ko kaya magpapatupad ako ng “buddy-buddy system.” ayon kay MPD-District Director, P/B. Gen. Leo Francisco. Ayon sa heneral, dalawang pulis-Maynila ang magkasunod na dinukot ng mga armadong lalaki na sakay ng SUV sa loob lamang ng isang linggo. Gayunman, inaalam pa ng MPD kung may kaugnayan sa isa’t isa ang pagdukot kina P/Cpl. Allan Hilario ng MPD-Meisic Police…

Read More

‘One day family day’ papayagan kada linggo PAGLABAS NG 15-ANYOS PABABA APRUB SA MAYNILA

PINABORAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno ” Domagoso ang panukalang magkaroon ng isang araw na “family day” sa lungsod at mapayagan ang mga batang 15 taong gulang pababa na makabisita sa mga tourist attraction na may open spaces. Ito ang reaksiyon ni Moreno sa panukala ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na alisin na ang age restrictions para sa mga taong nais bumisita sa Intramuros, na muling binuksan sa publiko nito lamang Pebrero 17. Ayon kay Moreno, makatutulong ang mga naturang aktibidad upang makabangong muli ang lokal na ekonomiya na…

Read More

Nasugatang misis, iginanti OBRERO KINATAY NG KAPITBAHAY

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 33-anyos na construction worker nang pagsasaksakin ng kapitbahay na nagalit nang tamaan ng kutsilyo ang kaliwang hita ng misis nito dahil sa pag-aaway ng biktima at ng kanyang misis sa bayan ng Silang sa lalawigang ito. Isinugod sa Estrella Hospital ang biktimang si Jomail Cumayat, ng Brgy. Biga 1, Silang, Cavite ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga saksak sa katawan. Nilalapatan naman ng lunas sa Silang Specialist Medical Center si Nanette Zamora, 44, live-in partner ng…

Read More

MANGINGISDA INATADO SA ONE-ON-ONE TAGAYAN

QUEZON – Patay ang isang mangingisda makaraan umanong tadtarin ng saksak at taga ng kanyang kainuman sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito. Laking gulat ng mga residente nang matagpuan noong Huwebes ng umaga ang bangkay ng biktimang si Guillermo Cepe Mora, 39, na halos wala nang suot na damit at duguan dahil sa mga taga at saksak sa katawan habang nakabulagta sa dalampasigan ng Barangay Villa Ilaya sa nasabing bayan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, Miyerkoles ng maghahating-gabi nang mag-inuman ang biktima at ang suspek na si Vevencio Aurellana…

Read More

7 TIMBOG SA BUY-BUST SA VALENZUELA

NADAKIP ng mga awtoridad ang pitong hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator, P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas-10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Joel Magregalejo, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega, sa #3613 Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon. Agad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Benson Maguigad, 44, tricycle driver, matapos…

Read More

CALL CENTER AGENT SA DROGA

ARESTADO sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Galas Police Station (PS-11) sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang isang call center agent at kanyang kasama sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni QCPD director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang mga arestado na sina Jericho Rivera, 24, call center agent, residente ng San Juan City, at Leo Bermudez, 25, residente sa Brgy. Sta. Lucia, Quezon City. Nadakip ang mga suspek dakong alas-10:45 ng gabi noong Pebrero 25 sa…

Read More

NEGOSYANTENG NAG-RAMBO, KALABOSO

ARESTADO ang isang negosyante makaraang magwala at mamaril sa isang classy subdivision sa ParaΓ±aque City nitong madaling araw ng Biyernes. Sa reklamong ipinarating sa ParaΓ±aque City Police, wala umanong kadahi-dahilan na nagwala at sunud-sunod na nagpaputok ng baril ang suspek na si Carlo Garin, 39-anyos na entrepreneur at residente sa Elizalde Avenue, Brgy. BF Homes, ParaΓ±aque City dakong alas-3:45 ng madaling araw nitong Biyernes. Nabulabog at nahintakutan umano sa pagpapaputok ng baril ni Garin ang mga nanunuluyan sa #76-A Elizalde Ave., Brgy. BF Homes ParaΓ±aque City na sina Jose Mamondo,…

Read More

Suspek sa carnapping SINILBIHAN NG ARREST WARRANT SA SELDA

SINILBIHAN ng warrant of arrest noong Huwebes ng hapon ng mga awtoridad ang isang 27-anyos na driver na nakakulong dahil sa illegal na droga, sa loob ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila, dahil sa kasong carnapping. Bukod sa kasong paglabag sa Republic Acts 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nahaharap din ang preso na si Gaydel Gayola y PeΓ±aranda, binata, residente sa Building 25, Unit 510, Permanent Housing, Brgy, 128, Zone 10, Tondo, sa kasong carnapping. Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng…

Read More

CAMANAVA ACTIVE COVID CASES LUMOBO

LUMUBO sa 798 ang active cases sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela noong Pebrero 25. Isa ang binawian ng buhay sa Navotas City, ito ang ika-190 pandemic fatality sa lungsod kung saan 5,955 na ang tinamaan ng COVID-29 at 56,527 ang gumaling at 238 ang active cases. Sa lungsod naman ng Valenzuela ay sumipa sa 287 ang active cases matapos na 119 ang magpositibo sa swab test. Umakyat na sa 10,013 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod kung saan 9,452 na ang gumaling at 274 ang…

Read More