11 CHINESE TOURISTS HINARANG SA NAIA

PINAGBAWALAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makapasok sa bansa ang 11 turista mula sa People’s Republic of China (PROC) dahil sa hindi malinaw na layunin sa Pilipinas. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga pasahero ay naharang noong Huwebes sa NAIA terminal 1 nang dumating via China Southern Airlines flight mula Guangzhou. Sinabi ni Morente, ang mga dayuhan ay mayroong entry exemption documents at temporary visitor visa, na kanilang tinanggihan nang isailalim sa secondary inspection ng mga miyembro ng…

Read More

BARANGAY SA MAKATI NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM ng pamahalaang lokal ng Makati City sa tatlong araw na lockdown ang ilang kalye sa Barangay Pio del Pilar mula Marso 13 upang makontrol ang paglaganap ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa nasabing lugar at mga karatig barangay. Idineklara ni Mayor Abigail “Abby” Binay na “critical zones” ang ilang lugar sa Brgy. Pio del Pilar sa kanyang Executive Order No. 6 (EO 6), na isinailalim sa tatlong araw na “localized enhanced community quarantine” (LECQ). Natukoy ng pamahalaang lokal na biglang naging ‘malala’ ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang lugar…

Read More

QCGH COVID WARDS, PUNO NA

UMABOT na sa full COVID-19 capacity ang Quezon City General Hospital (QCGH) noong nakaraang Sabado. Ayon kay QCGH director, Dr. Josephine Sabando, simula noong Marso 9, ang occupancy rate ng kanilang COVID ward beds ay lumagpas sa 100%. Ang QCGH ay nakapagtala ng 106% Covid bed occupancy noong Marso 9; 137% noong Marso 10; 12% noon Marso 11 at 112% noong Marso 12. Ngunit sinabi ni Sabando, ang QCGH ay nananatiling tumatanggap ng walk-in non-COVID patients na may nakahanay na protocols na sinusunod para sa kaligtasan ng mga pasyente at…

Read More

18K-20K DAILY COVID-19 CASES NAKAAMBA

PINANGANGAMBAHANG makapagtatala ng 18,000 hanggang 20,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa sa kalagitnaan ng Abril 2021 kung hindi magbabago ang kasalukuyang reproduction rate nito. Base sa OCTA Research Group, ang bansa ay baka makapagtala ng pagtaas hanggang 8,000 ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Marso. At kung hindi magbabago ang kasalukuyang reproduction rate pagdating ng kalagitnaan ng Abril ay baka umabot ng 18,000 hanggang 20,000 ang COVID-19 cases kada araw. Sa Metro Manila, ang araw-araw na virus cases ay posibleng umabot sa 5,000 hanggang 6,000…

Read More

4 MIYEMBRO NG DRUG SYNDICATE SA NBP, TIKLO

NAKATISOD ang Philippine National Police (PNP) ng ‘matibay’ na ebidensiyang magpapatunay na mayroon pa ring umiiral na drug syndicate sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Ang bagong impormasyong ito hinggil sa kampanya laban sa ilegal na droga ay batay sa nasakoteng umano’y tatlong pusher noong Sabado sa Lungsod ng Cabanatuan, ayon kay Lt. Col. Bernard Danie Dasugo, hepe ng pulisya ng nabanggit na lungsod. Ani Dasugo, sina Michael Correa alyas “Paleng,” 38-anyos; Teresita Francisco alyas “Tess,” 49, at Celedonia Caseria alyas “Ine,” 66, ay nadakip sa buy-bust operation na…

Read More

P50B SUPPLEMENTAL FUND PARA SA RETIRADONG SUNDALO

MAGHAHAIN ngayong araw ng P50 bilyong supplemental fund para sa mga retiradong sundalo si ACT-CIS Rep. at House Appropriations Committee Chairman Cong. Eric Yap. “Ito po ang ipapalit natin sa nawawalang retirement fund ng mga sundalo na pinagtatanggal noon pang 2018 na ngayon lang nabunyag,” ayon kay Cong. Yap. Sa panayam kamakailan ng media, sinabi ni Yap na bagamat 2019 siya naupo bilang chairman ng House Appropriations Committee, ang budget na lang daw para sa 2020 ang kanyang narebisa at inaprubahan. “Yung na-review ko na budget ay yung para sa…

Read More

LIFETIME VALIDITY NG BIRTH CERTIFICATE PINALILINAW

KINASTIGO ni Senador Joel Villanueva ang kawalan ng malinaw na patakaran sa validity ng birth certificate kaya dapat linawin ito ng Philippine Statistics Authority sa ibang ahensiya ng pamahalaan na nagtatakda ng panibagong dokumento kada anim na buwan. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na dagdag pasanin ito ng mamamayan partikular ang naghahanap ng trabaho dahil gastos lamang ito. Kung tutuusin, madali lang ang solusyon nito dahil kailangan lang kilalanin ng mga ahensya ng pamahalaan na panghabambuhay na validity ng birth certificate, ayon sa mambabatas. “Napakalinaw po na pang-habangbuhay ang validity…

Read More

LOAN PARA SA TOURIST WORKERS

HINILING ng isang tourism group sa pamahalaan na tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na makapag-loan sa mga financial institutions na walang kolateral ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Turismo, Isulong Mo Pres. Raissa T. Melivo, malaking tulong kung makapag-loan ang mga manggagawa sa tourism industry para sa kanilang munting kabuhayan habang lugmok pa ang turismo sa buong mundo. “It would be a big help kung hindi na sila hingan ng collateral kung P5,000 to P20,000 lang naman ang hihiramin nila,” dagdag pa ni Melivo. Aniya, “madami kami…

Read More

Apela ng solon TRABAHO BAGO PULITIKA

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na siya, kasama ang buong administrasyong Duterte, ay nananatiling nakapokus sa public service upang matiyak na lahat ng mga Pinoy ay kasama patungo sa recovery mula sa nagaganap na COVID-19 pandemic. Hinikayat din ni Go ang bawat Pinoy na makipagtulungan sa pamahalaan at lumahok sa bayanihan efforts upang malampasan ang krisis, bilang iisang bansa, sa halip na makisawsaw sa politika. “Focus muna tayo, serbisyo muna tayo. Mahalaga po nandiyan po ang ating recovery measures at importante po walang maiwan, importante po dito makarecover muna…

Read More