SISINGIT SA BAKUNA SA QC, KAKASUHAN

NAGBABALA ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon na may mabigat na parusa na naghihintay sa non-frontliners na sisingit sa pila para sa COVID-19 vaccines na isinasagawa ng nasabing siyudad. Ang babala ay inisyu ni Mayor Joy Belmonte kasunod ng alegasyon na may lumabas sa social media kaugnay sa non-frontliners na nakatanggap COVID-19 vaccines mula sa city health workers. “We will look into all of these allegations. If proven, we won’t let them get away with this. Gagawin namin ang lahat upang matiyak na sila’y mapatawan ng parusa para matuto,”…

Read More

PANGGUGULANG NG CHINA SA BAJO DE MASINLOC SINUBUKANG ULITIN

SINUSUBUKAN ng China na ulitin ang panggugulang sa Pilipinas noon sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa karagatan ng Zambales sa ginagawa nito ngayon sa Julian Felipe reef na nasa karagatan naman ng Palawan. Noong 2012, nagkaroon ng stand off sa pagitan ng Pilipinas at China sa Bajo de Masinloc. Isang tradisyunal na fishing ground ng mga ­Filipinong mangingisda matapos pumasok na lang basta-basta ang modern conqueror na bansang ito sa ating teritoryo. Namagitan ang Estados Unidos sa panahon ni dating US President Barack Obama at pinagkasundo ang Pilipinas…

Read More

SINO NGA BA PASAWAY?

SINO nga ba ang pasaway kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa? Ang mga nasa gobyerno ba o ang taumbayan? Magbalik tanaw tayo at kung ang panig ng mamamayan ang titingnan natin, alam natin na bago ang ­pandemyang ito noong ­Disyembre 2019, kaliwat-kanang handaan ang naganap. Nariyan ang inuman, pasahan ng baso sa magkakainuman, harapan na mga kwentuhan at kasiyahan, sama-samang kumakain at sabay-sabay na pagyoyosi. Ilan lamang yan na ­posibleng pinagmulan ng kumpol na hawaan ng COVID-19. Mahigit isang taon nang magsimula ang COVID…

Read More

PAGBABAKUNA SA SENIORS AGAD IKAKASA

SINABI ng Malakanyang na hindi na hihintayin pang tapusin ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga medical worker bago simulan ang inoculation sa hanay ng mga senior. Ani Presidential spokesperson Harry Roque, habang dumarating ang iba pang mga bakuna gaya ng AstraZeneca at Sputnik V ay isasalang na rin sa pagtuturok ang mga elderly, mahihirap at mga may comorbidities. “Mayroon po tayong istratehiya ‘no, hindi na po natin aantaying matapos lahat ng frontliners isasabay po natin ang mga indigent elderly lalung-lalo na sa EUA, ang Sinovac po ay hindi magagamit sa…

Read More

RELIGIOUS GATHERINGS APRUB DIN SA IATF

PINAPAYAGAN na rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nais magsimba ngayong Semana Santa. Base sa naging anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinapayagan ng IATF ang “once a day religious gatherings” mula Abril 1 hanggang 4, 2021. Dahil dito, kinakailangan aniya na sundin ng mga religious denomination at ipatupad ang mga sumusunod na karagdagang controls bukod pa sa mga dati nilang ginagawang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na COVID-19 habang sila ay nagsasagawa ng kanilang religious services o activities. Una na aniya ay kinakailangang sundin ang maximum indoor…

Read More

LICENSURE EXAMS PINAYAGAN NG IATF

APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang naging kahilingan ng Professional Regulation Commission na makapagsagawa ng licensure examination. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, binigyan na ng basbas ng IATF ang PRC para gawin ang licensure exam sa buwan ng Mayo at Hunyo. Ani Sec. Roque, ang mga kukuha ng pagsusulit na magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine ay hindi naman hinihikayat na magbiyahe sa mga area kung saan nakataas ang MGCQ. Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 transmission. Pinaalalahanan naman ng Malakanyang…

Read More

CHA-CHA NI LORD DEAD NA – DEFENSOR

“VIRTUALLY dead” na ang Charter Change na itinutulak ni House Speaker Lord Allan Velasco at patungo na ito sa kanyang libingan. Ito ang paglalarawan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na inakda ni Velasco para amyendahan ang mga economic provision sa 1987 Constitution matapos iatras ang unang plano na ipapasa ito bago ang Lenten break. Naniniwala si Defensor na malaki ang kinalaman ng paglala pa ng COVID-19 pandemic dahil sa pagdami muli ng mga kaso nito sa bansa kung saan noong Huwebes,…

Read More

Terorista ang kondenahin hindi law enforcers DRILON BARADO KAY ESPERON

(CHRISTIAN DALE) MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda rito bilang isang criminal activity. Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging”. Subalit binigyang-diin ng opisyal na sa halip isulong ni Drilon ang panukalang batas ay mas makabubuti aniya na kondenahin nito si Jose Ma. Sison,” founder ng Communist Party of the Philippines (CPP). “I have yet to…

Read More

Isa pang korapsyon, nabunyag FOREIGN STUDENTS KLIYENTE NG BI LAWYER

NABUNYAG na naman ang isa pang ‘kalokohan’ sa Bureau of Immigration (BI) na tungkol naman sa abogado umano ng ahensiya na “foreign students” ang pinagkakakitaan. Ang diskarte naman dito ay mayroong taong nagpapakilalang abogado na empleyado ng BI na mag-aalok ng “tulong” sa mga dayuhang estudyante na gustong makarating sa Pilipinas. Ang paraan umano ng paghihikayat ng nagpapakilalang abogado ng BI ay sa pamamagitan ng internet. Mayroon ding kapalit na malaking halaga, ngunit hindi nabanggit kung magkano ang singil ng nagpakilalang abogado ng BI. Kinumpirma ni BI Commissioner Jaime Morente…

Read More