Nakababahala na, ayon sa solon NAGHIHINGALONG EKONOMIYA

INAYUNAN ng ekonomistang mambabatas na si Albay Rep. Joey Salceda ang Moody’s Analytics na nasa ‘worrisome state” na ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa paglobo ng inflation rate, paglala ng pandemya sa COVID-19 at limitadong supply ng COVID-19 vaccines. “We’re in a global crisis. Of course, things are worrisome,” ani Salceda dahil hindi lingid sa lahat na nagtala ng 4.7 % inflation rate noong Pebrero mula sa 4.2% noong Enero. Isinisi ito ng mambabatas sa kakulangan ng supply ng karneng baboy na labis umanong nakaapekto sa iba pang pangunahing bilihin…

Read More

Banat sa Julian Reef sinopla ng Palasyo GUNI-GUNI NI CARPIO

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng Malakanyang na guni-guni lang ni Supreme Court Retired Associate Justice Antonio Carpio ang huling banat nito na ang mga bakunang donasyon ng China ay para pampatahimik sa Pilipinas lalo na’t may usapin ngayon sa Julian Felipe Reef na bahagi ng West Philippine sea. Ipinamukha ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Carpio na kung hindi dumating ang mga bakuna na galing ng Tsina ay wala sanang paunang nagamit ang bansa na ngayo’y pinakikinabangan na aniya ng ating mga kababayan. “Naku, pasensiya na po kayo pero didiretsuhin…

Read More

883 NEW COVID CASES SA CALABARZON

NAKAPAGTALA ang Department of Health DOH 4-A ng 883 panibagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON. Sa bagong talaang inilabas ng ahensya noong Miyerkoles, umabot na sa 87,457 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa CALABARZON mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon. Ang naitalang may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ang lalawigan ng Cavite na umabot sa 3,094; sumunod ang Rizal na may 2.184; Laguna, 1,986; Batangas, 1,095; Quezon, 373, at Lucena City, 28. Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit na umabot sa 76,268…

Read More

PRESO NANG-AGAW NG BARIL, PATAY

DAVAO CITY – Isang police detainee ang napatay sa loob ng Toril Police Station sa lungsod na ito makaraan umanong mang-agaw ng baril sa isang pulis habang isinasailalim sa booking procedure, ayon sa ulat ng pulisya nitong Biyernes. Napag-alaman, isinasailalim sa booking procedure ang detainee na si Jemar Banilad nang bigla umano nitong agawin ang service firearm ng isang pulis na nagresulta upang sila ay mag-agawan sa baril. Sa puntong ito, humingi ng tulong ang pulis sa kanyang mga kasama at sinikap na awatin si Banilad. Gayunman, hindi nagpapigil ang…

Read More

7 pa sugatan sa pagsalakay ng militar 4 PATAY SA KUTA NG DAULAH ISLAMIYA

APAT na miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG) ang napatay habang hindi bababa sa pito ang sugatan nang salakayin ng Joint Task Force Central sa ilalim ng Western Mindanao Command, ang kuta ng mga teroristang Daulah Islamiya na sinasabing nagsisilbi ring bomb factory ng DI-HG sa Maguindanao. Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng WESTMINCOM, anim na malalakas na improvised explosive device ang nasamsan ng Joint Task Force Central matapos na makubkob ang pinagkukutaan ng mga terorista sa Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao noong Huwebes ng madaling araw. Nabatid…

Read More

GUN DEALER NAPATAY NG PNP-AKG SA BACOLOD

ISANG pinaniniwalaang gun for hire ang napaslang sa inilatag na entrapment at buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group noong Huwebes ng umaga sa Bacolod City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-AKG Director P/Brig. General Jonnel C. Estomo, nakatala bilang top 8 most wanted person ng Bacolod City ang suspek na kinilalang si Aljohn Cabalhin alyas “Jimboy Cabalhin”. Ayon kay PNP-AKG spokesman, Maj. Ronaldo Lumactod Jr., si Cabalhin ay deklaradong “armed and dangerous” dahil sa mga kasong kinasasangkutan nito gaya ng pagpatay,…

Read More

22.5% NG PASAWAY SA NAVOTAS, POSITIBO

UMABOT sa 22.5% ng mga dinakip na pasaway sa safety protocols ang nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City. Ito ay makaraang ipasa ang City Ordinance No. 2021-17 na nag-uutos na isailalim RT-PCR swab test ang mga lalabag sa curfew hours, at susuway sa pagsusuot ng faces mask at social distancing. Batay sa tala ng inarestong protocol violators mula Marso 16 hanggang 19, sa 209 na dinakip ay 47 ang kumpirmadong nasapol ng COVID-19. Patunay ito na ang mga lumalabag sa safety protocols ay madaling mahawa ng COVID-19 at maaaring maging…

Read More

8 PA PATAY SA 3 CAMANAVA CITIES *239 nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas

WALO pa ang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela noong Marso 25 habang umabot na sa 3,104 ang active cases. Apat ang namatay sa Valenzuela City at 950 na ang active cases makaraang 199 ang nagpositibo at 96 lang ang gumaling. Sumampa naman sa 12,120 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 10,859 na ang gumaling at 311 ang namatay. Dalawa naman ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan at 1,069 na ang active cases. Umakyat na sa 16,898 ang total…

Read More

Sa mga simbahan sa Maynila 10% SEATING CAPACITY PINAYAGAN NA

PINAYAGAN na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang desisyon ng Archdiocese of Manila na ipatupad ang 10 porsyento ng seating capacity sa lahat ng mga simbahan sa lungsod ng Maynila. Ayon sa alkalde, ipinabatid ni Bishop Broderick Pabillo sa pastoral letter nito na walang mangyayaring religious activity sa labas ng simbahan, gaya ng senakulo, pabasa, prusisyon, motorcades at Visita Iglesia. “Let the worshipers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing,” nakasaad pa sa pastoral letter ni Pabillo. Sinabi…

Read More