PLANTSADO na ang maliit na mis-understanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig. Tiniyak ng Kalihim na wala nang problema. Sinabi ni Sec. Roque na si Guevarra, bilang nakatalagang makipag-ugnayan sa religious groups ay nagsabi na ang stand ng Simbahang Katolika ay ang sumunod sa IATF Resolution na wala munang…
Read MoreMonth: March 2021
Iniutos ni Eleazar SURPRISE INSPECTION SA MGA POLICE STATION
INATASAN kahapon ni PNP Officer in Charge P/Lt General Guillermo Eleazar ang lahat ng mga police commander at unit heads na magsagawa ng surprise inspections sa mga police station at mga tanggapan para tiyaking tumutupad ang lahat ng PNP Personnel sa minimum health requirement. Ayon kay Lt Gen. Eleazar, sa tagubilin ni Chief PNP, Police General Debold M Sinas, inaatasan ang lahat ng police commanders at pinuno ng ibat ibang police units na inspeksyunin ang kanilang mga nasasakupan para masigurong sumusunod maging ang mga pulis sa minimum health safety protocol…
Read MoreLibreng bakuna ng COVAX posibleng bawiin sa Pinas PAHAMAK SI MAYOR
(CHRISTIAN DALE) MAAARING mawalan ng alokasyon ng libreng bakuna mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas dahil sa pagsingit ng ilang alkalde sa mga prayoridad na dapat mabakunahan. Nangangamba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kontrobersyang nililikha ng mistulang pakikipag-unahan ng ilang personalidad at politiko sa vaccination program ng pamahalaan sa kabila na limitado pa ang bakuna sa bansa laban sa COVID-19. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, ilan sa mga ginamit ng mga alkaldeng nauna nang magpabakuna ay AstraZeneca mula sa…
Read MoreKamara adjourned na LEONEN PROTEKTADO NI LORD?
(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG nakakuha ng kakampi si Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen matapos hindi aksyunan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang impeachment complaint na inihain ni FLAG Secretary General Ed Cordevilla laban sa una. Kahapon ay nag-adjourn ang Kamara para sa 7 linggong bakasyon bilang pagbibigay-daan sa Semana Santa subalit hindi inendorso ni Velasco ang impeachment complaint laban kay Leonen sa House committee on justice kaya mistulang aamagin na ito dahil sa kawalan ng kaukulang aksyon. Magugunita na inihain ni Cordevilla ang impeachment complaint laban…
Read MoreEXPERTS SA IATF ‘WAG ISMOLIN
UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na huwag maliitin ang ginagawang sakripisyo ng mga doktor, eksperto at government workers na bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ang panawagang ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sa harap ng ipinupukol na batikos at mga punang umabot pa sa mungkahing buwagin na ang IATF. Aniya, nagagawa naman ng IATF ang misyon nito at patunay rito ang mga datos na nagpapakitang higit na mababa ang case fatality rate ng bansa kumpara sa ibang bansa. Sa katunayan nga aniya, ang ranking ng Pilipinas ay nasa…
Read MoreREPRODUCTION RATE NG COVID-19, BUMABA – OCTA
BUMABA sa 1.91 porsyento ang reproduction rate ng corona virus disease 2019 (COVID-19), ayon sa OCTA Research Group. Sabi ng OCTA, ang reproduction number ay dapat manatiling mas mababa sa isang porsiyento bilang katibayan na napakabagal ng hawaan ng COVID-19 sa bawat tao. Ngunit, idiniin ng OCTA na “masyadong maaga upang sabihin na ito ay panibagong simula ng downward trend sa reproduction number, [partikular sa] National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng general community bubble”. Ayon sa grupo, ang positivity rate sa NCR ay 18 porsiyento sa nakalipas na…
Read MoreSagot sa kakulangan ng hospital rooms – solon CLASSROOMS GAMITIN
MAAARING mapunan ang pinoproblemang kakulangan ng hospital bed partikular para sa COVID-19 positive cases kung gagamitin ang ilang silid-aralan. Mungkahi ng isang ranking House minority bloc official na gawing isolation facilities ang mga silid-aralan para sa mga pasyenteng mayroon lamang mild symptoms gayundin ang tinatawag na asymptomatic. “I am proposing that asymptomatic individuals be quarantined in classrooms at the ratio of 1:1 or one classroom, one COVID-19 positive person,” ang pahayag ni House Deputy Minority Leader at Marikina City 1st Dist. Rep. Bayani Fernando. Aniya, tanging ang kumpirmadong asymptomatic patients…
Read MorePRIVATE COMPANIES DAPAT PASALAMATAN SA ANTI-COVID DONATIONS
SA halip na mistulang makaranas ng diskriminasyon partikular sa isinusulong na tripartite vaccine procurement program, ibayong papuri at pasasalamat ang dapat umanong tanggapin ng iba’t ibang pribadong kumpanya dahil sa malaking tulong ang mga ito partikular sa panahong nararanasan ng bansa ang COVID-19 pandemic. Ito ang binigyan-diin ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian kasabay ng kanyang panawagan na ikonsidera o bawiin ang lumutang na draft order na nagbabawal sa ‘sin product’ manufacturers o gumagawa ng mga alak, sigarilyo, sweetened beverages, gayundin ang formula milk na maging bahagi…
Read MoreBATANGAS, PAMPANGA POSIBLENG MAPASAMA SA NCR PLUS BUBBLE
MAHIGPIT na binabantayan ang mga lalawigan ng Batangas at Pampanga na katabi lamang ng mga lalawigan sa boundary ng National Capital Region plus bubble, dahil sa patuloy na pagtaas ang bilang ng COVID-19 cases sa loob lamang ilang linggo. Ayon sa bagong ulat na inilabas ng OCTA Research Group, pumalo sa 141% o 150 ang bagong kaso sa Batangas sa loob lamang ng halos isang linggo (Marso 17-23) kumpara sa dating 62 new cases noong unang linggo ng buwan. Sumipa naman sa 86% o 121 ang bagong kaso sa lalawigan ng Pampanga…
Read More