Idiniin ng mga ebidensya; 9 napatay sa Calabarzon CPP CADRES AT NPA HITMEN

(NELSON S. BADILLA) WALANG balak iatras ng Philippine National Police (PNP) ang “opisyal” na pahayag nito na lehitimo ang kanyang operasyon laban sa siyam katao noong Marso 7 sa Rehiyong Calabarzon. Ayon sa pamunuan ng PNP-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), na pinangungunahan ni Brig. Gen. Felipe Natividad, trabaho at tungkulin nito na kumilos laban sa mga “kaaway ng estado” lalo kung ang mga taong ito ay kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG). Sinabi ni Natividad sa media ilang araw na ang nakalipas na ang operasyon ng PNP-Calabarzon ay…

Read More

9 MIYEMBRO NG GAY KIDNAP GROUP NALAMBAT NG PNP-AKG * Shabu supplier timbog din

ARESTADO ng mga operatiba ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang siyam na miyembro ng notoryus na gay kidnap group na nambibiktima ng Chinese nationals. Ayon sa ulat ni PNP-AKG director, P/BGen. Jonnel C. Estomo, dakong alas-11:30 ng gabi noong Biyernes, Marso 19, 2021, personal na dumulog ang isang Mr. Cheng Zhijhang sa tanggapan ng PNP-AKG, kasama si Arch Ka Kuen Chua, chairman ng MRPO, upang magharap ng reklamong kidnapping for ransom laban sa gay kidnap group. Ang ilegal na aktibidad ng nasabing grupo ay isinasagawa nila sa…

Read More

‘KILLER’ NG LIVE-IN PARTNER, ITINUMBA

LAGUNA – Pinatay ng hindi kilalang armadong kalalakihan ang suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner noong Sabado ng gabi sa Purok 1, Brgy. Ganado, Biñan City, sa lalawigang ito. Kinilala ni Biñan City Police chief, Lt. Col. Giovani Martinez ang biktimang si Alejandro Alano alyas “Dokleng,” residente sa Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna. Dead on the spot ang biktima makaraang pagbabarilin bandang alas-12:30 ng madaling araw nitong Linggo. Ayon sa ulat, ilang araw pa lamang nakababalik sa kanyang bahay ang biktima makaraan ang ilang buwang pagtatago…

Read More

102 PRO3 PERSONNEL COVID-19 POSITIVE

PAMPANGA – Umabot sa 102 personnel ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang tinamaan ng COVID-19. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano de Leon, ang PRO3 personnel na nagpositibo sa virus ay agad inilipat sa quarantine facilities at isinailalim sa strict quarantine and monitoring. Nagsasagawa na rin ng precautionary measures kaugnay ng biglang pagtaas ng COVID-19 cases, katulad ng paglilimita sa mga papasok sa Camp Olivas para sa kanilang official business at pagbabawal sa personal visit. Ipinagbabawal na rin sa kampo ang mass gatherings at events ngunit patuloy ang…

Read More

Sa Oriental Mindoro 66 CLOSE CONTACT NI SINAS, NEGATIVE SA COVID

LAGUNA – Negatibo ang naging resulta ng COVID-19 swab test ng 66 personnel ng Police Regional Office 4-B (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) MIMAROPA, na nakasalamuha ni Philippine National Police chief, Gen. Debold Sinas. Sinabi ni PRO4-B spokesperson, Lt. Col. Imelda Tolentino, kabilang sa nagnegatibo ay si MIMAROPA Police Director Brig. Gen. Pascual Munoz Jr. “The results of the RT-PCR test conducted have been released and all are negative. Likewise, as of this date, not anyone from the identified close contacts experienced COVID-19 symptoms,” dagdag nito. Aniya, ginawa ang test sa…

Read More

TSERMAN NA GUSTONG MAGPABAKUNA TINABLA

TAYTAY, Rizal – Hindi umubra sa municipal health office ang tangka ng isang barangay chairman na mauna sa hanay ng mga priority sector na inilatag ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na binubuo ng mga eksperto sa larangan ng kalusugan at siyensiya. Sa isang liham na ipinadala sa Taytay Municipal Health Office, kinuwestyon ni Chairman Rasel Valera ng Barangay San Juan ang aniya’y pagtanggi ng mga local vaccinator na siya’y mabakunahan bilang miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team. “I was denied by your good office inoculation of the…

Read More

HVI TIMBOG SA P510K SHABU SA QC

ARESTADO ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Galas Police Station (PS-11), sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang isang high value individual (HVI) at nakumpiska ang P510,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa nasabing lungsod noong Marso 20. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo P. Macerin ang suspek na si Marvin Sigua, 45, residente sa #8D, 2B, Don Segundo St., San Agustin Village, Brgy. Talipapa, Quezon City. Ayon sa ulat, ini-report ng isang confidential informant sa PS-11 ang ilegal na aktibidad ng suspek.…

Read More

May kasabwat na ilang pulis 8 MIYEMBRO NG KFR GROUP, TINUTUGIS

NAGSANIB-PWERSA ang National Capital Region Police (NCRPO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagtugis sa walo pang kasapi ng kidnapping syndicate na posible umanong may kasabwat na ilang pulis. Ito ay makaraang madakip si SMSgt. Felipe Woo at lima pang kasabwat sa pagdukot sa negosyanteng si Patrocenio Chiyuto Jr. noong Marso 16 sa Las Piñas City. Si Woo ay miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng NCRPO. Posible umanong mayroon pang mga pulis na kabilang sa walong suspek na target ng manhunt operation. Bukod kay Woo, ang…

Read More

3 PATAY, 2 SUGATAN SA GUMUHONG GUSALI

PATAY ang tatlong construction worker, habang dalawa ang sugatan makaraang gumuho ang isang gusali na isinasailalim sa demolisyon sa Ermita, Manila noong Sabado ng tanghali. Kinilala ang mga namatay na sina Richard Bugarin, Joseph Lacsa at Jomar Torillos. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang dalawa pa nilang kasamahan na hindi agad nakuha ang pagkakakilanlan. Base sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang alas-11:00 ng tanghali nang gumuho ang basement at unang palapag ng anim-palapag na abandonadong Philam Life building sa United Nations Avenue, sa panulukan ng Maria Orosa…

Read More