INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na palakasin ang pagpapatupad sa minimum public health protocols gaya ng patuloy na paggamit ng face mask, faceshield, hugas at iwas kahit sa mga opisina. Kinakailangan din, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa COVID-19. Para naman aniya sa mga establisimyento, iniutos ang pagpapatupad ng mga risk mitigation, strategies, engineering controls, ventilation at contact tracing at pagtiyak sa compliance at sa pagtatag ng baseline. Sa mga Local Government…
Read MoreMonth: March 2021
‘VP DUTERTE’ DINEDMA SA KAMARA
(BERNARD TAGUINOD) DEDMA ang mga kongresista sa umiikot na resolusyon ng partidong PDP-Laban na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022 elections. Tinangka ng mga mamamahayag na kunin ang reaksyon ng mga miyembro ng PDP-Laban sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco sa nasabing resolusyon ng partido subalit walang sagot ang mga ito. Si Velasco ang pinakamataas na lider ng PDP-Laban sa Kamara dahil sa hinahawakan nitong puwesto at 63 ang miyembro subalit walang isa man sa mga ito ang gustong magsalita hinggil sa…
Read MorePDP NI CUSI KONTRA KAY PACQUIAO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IKINAPIKON ni Senador Manny Pacquiao ang pagkilos umano ni Energy Secretary Alfonso Cusi para kumbinsihin ang kanilang mga kasama sa ruling PDP-Laban party na suportahan ang kanyang itinutulak na pagkandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa halalan sa 2022. Inupakan ng senador ang kalihim at inakusahan na tinatangka nitong hatiin ang partido para sa pansariling interes. Sa ngayon si Pacquiao ang tumatayong acting president ng PDP-Laban habang acting vice-chairman si Cusi at ang chairman ay si Pangulong Rodrigo Duterte. “Since na-mention mo yung pangalan…
Read MoreSa halip PDA ang atupagin SCALAWAGS SA PNP HABULIN
(BERNARD TAGUINOD) SA halip pagtuunan ng pansin ang Public Display of Affection (PDA), dapat habulin ng Philippine National Police (PNP) ang mga abusado sa kanilang hanay na sumisira sa kanilang imahe. Ito ang pahayag ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles dahil kung mayroong dapat umanong iprayoridad ngayon ang PNP, ito ay ang maibalik ang tiwala sa kanila ng mamamayan. Ayon sa mambabatas, nasa all-time low ang imahe ngayon ng PNP dahil sa serye ng iskandalo na kinasasangkutan ng ilan sa mga ito kaya dapat ipokus aniya ng mga ito ang…
Read MoreMABAGAL NA PAGBABAKUNA BINATIKOS SA SENADO
BINIRA ni Senador Panfilo Lacson ang kabagalan ng Palasyo sa implementasyon at administrasyon ng covid vaccination program kaya’t malamang hindi aniya makamit ang herd immunity sa 2023, maliban na lamang kung pabibilisin pa ang kasalukuyang takbo nito. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na marami pang bagay na puwedeng baguhin o paunlarin ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya, isang taon matapos isailalim sa community quarantine ang Metro Manila laban sa pagkakalat ng COVID-19. “Unless we accelerate the pace of vaccination, medyo matatagalan tayo. As of March 10, 114,615 had been vaccinated.…
Read MoreANG BAGAL
KUNG pagsasamahin ang covid-19 vaccines donations na dumating sa Pilipinas, inuulit ko donasyon, aabot na ito sa halos isang milyong doses. Nagdonate ang China ng Sinovac na mahigit 500,000 doses habang ang World Health Organization (WHO) ay nagdonate naman ng mahigit 400,000 doses ng AstraZeneca vaccine. Pero noong Huwebes, mahigit 114,000 pa lamang ang nababakunahan na malayong malayo pa sa 500,000 na dapat nabakunahan mula sa mga bakunang ito na donasyon ng China at WHO. Nauunawaan natin na ang medical frontliners sa pribado at pampublikong pagamutan ang uunahing bakunahan dahil…
Read MorePNP CHECK POINT SA NCR: NIGHTSHIFT WORKERS NAPEPERWISYO
TIYAK na maaapektuhan ng ipapatupad na curfew ng ibat-ibang local government units (LGUs) ang mga manggagawa lalo na ang nagtatrabaho sa panggabi. Ngayong sumipa ng husto ang kaso ng covid-19 sa ibat-ibang lugar sa National Capital Region, nakatakdang magpatupad ng tinatawag na unified curfew ang lahat ng mga lungsod sa Metro Manila simula Marso 15. Kaakibat ng pagpapatupad ng curfew ay ang mga checkpoints na ipinatutupad ng Philippine National Police sa ibat-ibat lugar. Katunayan, wala pa man ang unified curfew ay mayroon nang mga isinasagawang checkpoints na nagdudulot sa maraming…
Read MoreTAMBAY TINODAS SA MALL PARKING
BATANGAS – Patay ang isang jobless na lalaki makaraang barilin ng hindi kilalang suspek sa parking area ng isang mall sa Lipa City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Rodanter Pesigan, 30-anyos, residente ng Barangay Kayumanggi sa nabanggit na lungsod. Batay sa report ng pulisya, nakasakay ang biktima sa tricycle nang harangin at barilin ng isang lalaking armado ng maiksing kalibre ng baril sa tapat ng mall sa Barangay Marawoy bandang ala-1:00 ng umaga. Hindi napuruhan kaya nakatakbo ang biktima patungo sa parking lot ng mall ngunit hinabol…
Read MoreP13-M MARIJUANA NASABAT, 7 ARESTADO
KALINGA – Nasabat ng mga awtoridad ang P13 milyong halaga ng dried marijuana, marijuana oil at hashish sa Tabuk City sa lalawigang ito, noong nakalipas na linggo. Ayon kay P/Col. Davy Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga Police, nakatanggap sila ng impormasyon na may ibababang marijuana mula sa bayan ng Tinglayan kaya agad silang nagsagawa ng pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency at mabilis na nagsagawa ng checkpoint kung saan naharang sa Barangay Bantay ang isang itim na van. “Nung napahinto namin ‘yung identified na sasakyan, ay agad naman nandun…
Read More