(BERNARD TAGUINOD)
SA halip pagtuunan ng pansin ang Public Display of Affection (PDA), dapat habulin ng Philippine National Police (PNP) ang mga abusado sa kanilang hanay na sumisira sa kanilang imahe.
Ito ang pahayag ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles dahil kung mayroong dapat umanong iprayoridad ngayon ang PNP, ito ay ang maibalik ang tiwala sa kanila ng mamamayan.
Ayon sa mambabatas, nasa all-time low ang imahe ngayon ng PNP dahil sa serye ng iskandalo na kinasasangkutan ng ilan sa mga ito kaya dapat ipokus aniya ng mga ito ang kanilang atensyon sa paglilinis sa kanilang hanay.
“It is absurd for the PNP to prioritize the restrictions on couples. Physical distancing is a collective effort in the fight against the virus but the men and women of the PNP have bigger fish to fry. The top brass should review their priorities,” ani Nograles.
“What is happening with our PNP? There are more immediate and pressing matters other than running after couples. The security guards and the barangay tanods are already actively reminding people of physical distancing,” dagdag pa ng mambabatas.
Inihalimbawa rin nito ang pagkakasangkot ng ilang Samar Provincial Police officers sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino na una nilang pinalabas na shootout bagay na kinontra ng mga kaalyado at kaanak ng biktima.
Kinuwestiyonable din umano ang ‘misencounter” sa pagitan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) sa Commonwealth Ave., Quezon City noong Pebrero 24 at iba pang iskandalo.
Sa ngayon ay tinatrabaho na ng Kamara ang pagpapalakas sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP dahil lumalabas na wala o kulang ang kapangyarihan nito para disiplinahin ang kanilang mga abusadong miyembro.
141 