BINIRA ni Senador Panfilo Lacson ang kabagalan ng Palasyo sa implementasyon at administrasyon ng covid vaccination program kaya’t malamang hindi aniya makamit ang herd immunity sa 2023, maliban na lamang kung pabibilisin pa ang kasalukuyang takbo nito.
Sa pahayag, sinabi ni Lacson na marami pang bagay na puwedeng baguhin o paunlarin ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya, isang taon matapos isailalim sa community quarantine ang Metro Manila laban sa pagkakalat ng COVID-19.
“Unless we accelerate the pace of vaccination, medyo matatagalan tayo. As of March 10, 114,615 had been vaccinated. At the rate of about 4,000 a day, assuming that the vaccination is not accelerated and assuming we will have the vaccines for the 70-million targeted population for herd immunity, we might not achieve herd immunity until 2023 at the rate we’re doing it now. But if we accelerate and I hope the government would accelerate the vaccination rollout, then maybe we can advance the timetable,” aniya sa interview.
Idinagdag pa ni Lacson na dapat ikonsidera rin ang supply at hindi lamang ang logistics part sa paggawa ng bakuna na makarating sa tudlang indibidwal.
Sinabi ni Lacson na kahit may mga “good moves” tulad ng 10pm to 5am curfew sa Metro Manila, at ginagamit ng pamahalaan ang police power nito dahil nasa ilalim pa tayo ng public health emergency, maraming bagay na puwedeng baguhin.
“The recent move to impose curfew at least in Metro Manila is a good move. And the government should really use its police power because we’re still under a state of public health emergency under Presidential Proclamation 922,” aniya.
Ayon kay Lacson, may problema sa rating ng Malacanang sa pagtugon sa pandemya na “execellent” dahil ibig sabihin hindi na nito nakikita ang mas maraming bagay na dapat baguhin. (ESTONG REYES)
266 