NITONG nakaraan Marso 8,2021 ay nabigyan ng pagkakataon ang AKOOFW upang makasasama sa public hearing sa Senado sa ilalim ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva. Bukod sa AKOOFW ay kasama rin sina dating Undersecretary Susan Ople ng OPLE Policy Center, Ellen Sana ng Migrant Watch, Saga Migcawayan-RADI, Lucy Sermonia–CLADS at iba pang kinatawan ng OFW organization. Sa imbitasyon na aking natanggap ay pinagpauna na limang (5) minuto lamang ang ibibigay sa bawat representante ng private sector pero bigla itong nagbago bago…
Read MoreMonth: March 2021
PATAYANG WALANG TIGIL SA REHIMENG DUTERTE
HINDI lang naman ngayong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte naganap ang pagpatay sa kung sinu-sinong tao sa ating bansa. Dati pang nagaganap ang patayan sa bawat rehimen ng mga naging pangulo ng bansa. Siyempre, kasama diyan ang termino ni Corazon Cojuangco Aquino hanggang sa panahon ng anak niyang si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Sa panahon ni Gng. Aquino ay naganap ang masaker sa mga magsasaka ilang hakbang lang mula sa Malakanyang noong Enero 1987. At alam ng maraming Filipino, kabilang ang mga opisyal at kasapi ng Liberal Party…
Read MoreTOP 4 MOST WANTED PERSON ARESTADO SA ZAMBALES PNP
NADAKIP ng mga operatiba ng Zambales PNP ang isang notoryus na drug personality na itinuturing na no. 4 most wanted person ng lalawigan, sa inilunsad na law enforcement operation sa Diokno Blvd., Brgy. 76, Zone 10, Pasay City. Ayon kay Zambales Provincial Police Office chief, P/Col. Romano V. Cardiño, nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Joel Recolosado Arbiso, na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marifi P. Chua, presiding judge ng RTC Branch 70, 3rd Judicial Region, Iba, Zambales, na may petsang Oktubre 21,…
Read MoreWanted sa Iloilo, nasukol sa Antipolo 2 KUMASA SA PNP-AKG NAPATAY
DALAWANG lalaki, kabilang ang isang itinuturing na most wanted person sa Tigbauan, Iloilo, ang napaslang sa inilunsad na law enforcement operation ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa Antipolo City noong Miyerkoles. Ayon sa ulat na natanggap ni PNP-AKG director, P/Brig. General Jonnel C. Estomo mula kay P/Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Luzon Field Unit ng PNP-AKG, bandang alas-6:50 ng gabi nang tangkain nilang isilbi ang warrant of arrest sa bahay ng sinasabing tiyuhin ng suspek na si Reagan Gepulango sa Blue Mountain, Brgy. Sta Cruz,…
Read More2 HIRED KILLERS PATAY SA ENGKWENTRO
ILOCOS Norte – Dead on the spot ang dalawang lalaking kapwa hinihinalang gun for hire, makaraang makipagsagupa sa mga tauhan ng Ilocos Norte Police Provincial Office sa Brgy. Arua-ay sa bayan ng Piddig, sa lalawigang ito. Ayon sa isinumiteng ulat sa PNP Regional Headquarters ni P/Col. Christopher Abrahano, provincial director ng Ilocos Norte PPO, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga napaslang. Habang isang pulis naman ang nasugatan sa nasabing sagupaan. Kapwa armado ang dalawang napaslang, na isinumbong ng ilang concerned citizens na umano’y umaali-aligid sa Barangay Arua-ay, ayon sa ulat…
Read MoreBalik-normal sa PH sa 2023 lumalabo VACCINE ROLLOUT USAD-PAGONG
(ERNIE REYES) KUNG hindi magbabago ang takbo ng pagbabakuna sa Pilipinas, malamang tumagal ng 44 taon bago mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong mamamayan. Hindi rin makakamit ang pangakong magiging normal ang ating buhay sa 2023 kung pagbabatayan ang bilang na 3,887 nababakunahan kada araw, ayon kay Senador Joel Villanueva. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na dapat bilisan ng pamahalaan ang pagbabakuna upang makamit nito ang tudlang bilang ng benepisaryo at paluwagin ang paghihigpit sa pagkilos na lubhang nakaaapekto sa manggagawa at aktibidad sa ekonomiya. Ayon Villanueva, base sa datos…
Read MoreVALIDITY NG BIRTH CERTIFICATES GAGAWING LIFETIME
ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva ang panukala na gawing lifetime o habambuhay ang validity ng birth certificates na iniisyu ng Philippine Statistics Authority. Sa pagdinig ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Reorganization, nagpasalamat si Villanueva kay Senador Bong Revilla sa pagtalakay sa kanyang Senate Bill 1281 o ang proposed Lifetime Validity of Birth Certificate Act. Sinabi ni Villanueva na bagama’t walang nakalagay sa birth certificates na iniisyu ng PSA na expiration at nakaprint sa security paper para sa integridad nito, may impresyon pa rin na hanggang…
Read MoreMGA KOLORUM TRICYCLE ISASAMA SA DELIVERY SERVICES SYSTEM
IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na mapabilang sa online o app-based transportation and delivery services system ang mga kolorum na traysikel sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ay upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanapbuhay nang legal. Sa kanyang inihaing House Bill (HB) No. 8869, o ang Tricycle Act of 2022, binigyan-diin ni Laguna 1st Dist. Rep. Dan Fernandez na kinilala ang tricycle bilang mahalagang bahagi ng public transport kapwa sa mga urban at rural area kaya marapat lamang na gumawa ng hakbang ang estado na magsusulong sa kapakanan at…
Read MoreTOTOY KALABOSO SA PAGRE-REPACK NG MARIJUANA
CAVITE – Bunsod ng hindi pagsusuot ng face mask, nabisto ang isang 16-anyos binatilyo habang nagre-repack ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bacoor City. Hawak na ng Bacoor City Social Welfare Development (CSWD) ang suspek na si alyas “Kyle” ng nasabing siyudad. Ayon sa ulat ni Pat. Marco Cupo ng Bacoor Police, dakong alas-6:30 ng gabi noong Miyerkoles habang nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa Brgy. Molino 2, Extension, Bacoor City nang maispatan nila ang binatilyo na walang suot na face mask habang nakaupo sa isang bakanteng lote. Nang lapitan ng mga…
Read More