2 HIRED KILLERS PATAY SA ENGKWENTRO

ILOCOS Norte – Dead on the spot ang dalawang lalaking kapwa hinihinalang gun for hire, makaraang makipagsagupa sa mga tauhan ng Ilocos Norte Police Provincial Office sa Brgy. Arua-ay sa bayan ng Piddig, sa lalawigang ito.

Ayon sa isinumiteng ulat sa PNP Regional Headquarters ni P/Col. Christopher Abrahano, provincial director ng Ilocos Norte PPO, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga napaslang.

Habang isang pulis naman ang nasugatan sa nasabing sagupaan.

Kapwa armado ang dalawang napaslang, na isinumbong ng ilang concerned citizens na umano’y umaali-aligid sa Barangay Arua-ay, ayon sa ulat ni Col. Abrahano.

Bunsod nito, nagresponde ang mga awtoridad upang beripikahin ang ulat ngunit nang mamataan ang parating na mga pulis ay nagpulasan ang mga suspek.

Hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek na nagresulta sa palitan ng putok na ikinamatay ng mga suspek.

Kasalukuyang kinukumpirma pa kung ang dalawang napaslang ang nasa likod ng tangkang paglikida sa isang personalidad sa nasabing lugar.

Hinihinalang binalikan ng mga suspek ang kanilang target matapos na mabigo silang mapatay ito nang hindi pumutok ang dala nilang baril, dalawang linggo na ang nakalilipas. (JESSE KABEL)

283

Related posts

Leave a Comment