Mahuhuli sa labas, iku-quarantine ng 14 days STRICT LOCKDOWN SA MAYNILA

SISIMULAN ngayong Huwebes ang pagpapatupad ng strict lockdowns sa tatlong barangay sa lungsod ng Maynila na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 at huhulihin at dadalhin sa quarantine facility ang sinumang susuway na mga residente. Ito ang naging babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsabi na ang mga barangay na makakapagrehistro ng 10 o higit pang kaso ng COVID-19 ay agad ila-lockdown. Tanging ang authorized persons outside of residence (APORs) ang papayagang makalabas. Tiniyak ni Moreno na magpapadala ng ayudang pagkain ang pamahalaang lungsod na sapat…

Read More

TALAAN NG MGA URI NG DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN PINALALAWIG

NAIS ni Senador Joel Villanueva na dagdagan pa ang talaan ng mga ipinagbabawal na uri ng diskriminasyon laban sa mga babae sa ilalim ng Labor Code of the Philippines. “As presently worded, the Labor Code of the Philippines already prohibits certain acts of discrimination against women,” saad ni Villanueva kasabay ng paliwanag na kailangan pa ring sumabay sa panahon ang batas. “Considering that almost 50 percent of our labor force is women, it is but proper to further expand and elaborate on the prohibited acts of discrimination against them,” dagdag…

Read More

BOC PUMASOK SA PAPERLESS TRADE AGREEMENT

Pinagtibay na ng bansa ang Framework Agreement on Facilitation of Cross-border Paperless Trade sa Asia and the Pacific noong nakaraang Pebrero 20, 2021 para sa lalo pang pagpapaganda ng pamamalakad sa Bureau of Customs (BOC). Noon pang 2016 nalikha ang naturang Framework Agreement sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga bansang kasapi sa United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) Layunin nito na mapabilis ang ‘trade digitalization at ang  tinatawag na electronic exchange of trade-related information across borders’. Ang naturang kasunduan ay makakatulong upang mapagbuti pa…

Read More

CRIMINAL CASES VS 3 IMPORTERS, ISINAMPA NG BOC-BATAS

Nagsampa ng pormal na reklamo ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), laban sa tatlong (3) importers para sa hinihinalang misdeclaration at illegal importation ng mga ipinagbabawal na kalakal. Ang unang kaso ay laban sa Mountain View Multi-Purpose Cooperative para sa umanoy ‘unlawful importation and misdeclaration’ ng ibat-ibang agricultural ­products, na may halagang PHP 7,252,561.85 na naganap sa Port of Subic. Kinasuhan din ang MBS Cargo Movers Co. para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration of cigarettes’ na nangyari sa Manila International Container…

Read More

P60-M SMUGGLED YOSI HULI SA BOC-MICP

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang 2×40 container van na naglalaman ng 2000 master cases ng smuggled cigarettes. Ang shipments ay nagmula sa China at naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures Corp. at Atlantic Globe Movers Inc. Ang container van ay idineklarang naglalaman ng 1,134 cartons ng Zhong Su brand pe stretch film at 74 packages ng  lowering device packing equipment. Subalit, sa physical­ ­examination na isinagawa ay natuklasan ang 2000 master cases ng sigarilyo…

Read More

Sa pamamagitan ng E-TRACC BORDER SECURITY NG BANSA HINIGPITAN NG BOC

Sa pamamagitan ng  Electronic Tracking of ­Containerized Cargoes (E-TRACC) system ng Bureau of Customs (BOC),  inaasahan na ngayon ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo upang mabilis na matuklasan at mapigilan ang mga ilegal na aktibidad sa Customs Bonded Warehouses, freeport, economic zones, containers for export at shipments ng mga karne, fisheries, at agricultural products. Nagsimula ang paggulong ng E-TRACC noon pang Hunyo 2020 sa ilang mga piling BOC ports sa buong bansa para masubaybayan, ma-monitor, at ma-audit ang galaw ng containerized cargoes na pumapasok at lumalabas sa buong bansa. Ayon…

Read More

REKLAMO VS PLANET CABLE PINAAAKSIYUNAN SA PCC

KINALAMPAG ng (CHHAI) ang Philippine Competition Commission (PCC) upang aksiyunan ang kanilang reklamo laban sa umano’y monopolyo ng isang internet service provider sa kanilang subdivision sa Molino 4, Bacoor, Cavite. Ayon kay Toteng Tanglao, presidente ng CHHAI, nagsumite sila ng liham sa National Telecommunications Commission (NTC) para hilingin ang pagkakaroon ng ibang internet service provider, bukod sa Planet Cable, sa kanilang subdivision subalit sa halip na aksiyunan ay ipinasa ito sa PCC. Subalit ayon kay Tanglao, pahirapan din ang pagtugon ng PCC sa kanilang isinumiteng liham. “Sumulat din kami sa…

Read More

PAGTAAS NG COVID CASES DULOT NG PAGBALEWALA SA HEALTH PROTOCOLS

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang pagbabalewala ng maraming Pilipino sa minimum health standards ang dahilan kung bakit muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa. Kaya ang panawagan ni Pangulong Duterte sa publiko ay huwag kalimutang sumunod sa health and safety protocols. Para naman kay Health Secretary Francisco Duque, kasing-bisa ng mga bakuna ang pagsunod sa health protocols para makaiwas sa COVID-19. Tinatayang may 597,000 tao sa bansa ang nahawaan na mula nang una ito’y maitala noong nakalipas na taon. Kaya ang pakiusap ng…

Read More

‘MISCOMMUNICATION’ SA PAGPAPABAKUNA

IGINIIT ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na miscommunication lamang ang insidente ng nangyaring pagsalang sa bakuna ng ilang opisyales ng pamahalaan kahit hindi pa dapat mabakunahan. Ito’y sa harap pa rin ng komento ng mga kritiko ng pamahalaan na inuuna pa ring bakunahan ang mga opisyal ng gobyerno kasabay ng mga health worker na numero uno sa priority list ng vaccination program ng pamahalaan. Sinabi ni CabSec Nograles, hindi pagkakaintindihan ang lumalabas sa isinasagawang imbestigasyon at wala namang intensiyon o pananadya ang mga government official na nakauna na sa…

Read More