PAGTAAS NG COVID CASES DULOT NG PAGBALEWALA SA HEALTH PROTOCOLS

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang pagbabalewala ng maraming Pilipino sa minimum health standards ang dahilan kung bakit muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Kaya ang panawagan ni Pangulong Duterte sa publiko ay huwag kalimutang sumunod sa health and safety protocols.

Para naman kay Health Secretary Francisco Duque, kasing-bisa ng mga bakuna ang pagsunod sa health protocols para makaiwas sa COVID-19.

Tinatayang may 597,000 tao sa bansa ang nahawaan na mula nang una ito’y maitala noong nakalipas na taon.

Kaya ang pakiusap ng punong ehekutibo sa mamamayan ay pagkatiwalaan ang pamahalaan sa mga iniuutos nito.

Kaugnay nito, iniulat ni Sec. Duque kay Pangulong Duterte ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, at Central Visayas.

Sa Metro Manila aniya nasa “criticial risk” classification ang Pasay City at Malabon habang “high risk” naman ang Navotas, Makati at San Juan.

Pagdating sa health care utilization rate ng mga ospital, Central Visayas at Cordillera Administrative Region umano ang pinakamataas. Mataas din ito sa Makati City at Davao Occidental.

Sinabi ng kalihim na tumaas ang mga kaso dahil sa mas nakahahawang United Kingdom at South African variants.

Aniya, nagpulong na ang Department of Health at mga alkalde sa Metro Manila upang paigtingin ang “prevention, detection, isolation at treatment” ng mga tinatamaan ng virus.

Ang suhestiyon din ni Sec. Duque ay damihan ang mga contract tracer sa ilang piling lugar tulad ng Pasay, Malabon, Navotas at Makati. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment