NAANTALA na naman ang paghahanda ni Filipino Olympian Eumir Marcial para sa darating na XXXII Games of the Olympiad na gaganapin sa Tokyo simula Hulyo ng taong ito. Dumating sa Pilipinas ang middleweight Olympic qualifier na tubong Zamboanga para dalawin ang may karamdamang amang si Eulalio at sana’y samahang muli ang pambansang koponang nakatakdang lumahok sa Asian Elite Men and Women Boxing Championships sa May 21-31 sa New Delhi. Subalit ang nasabing torneo sa India ay ipinagpaliban at inilipat sa Dubai ng Asian Boxing Confederation simula Hulyo. Naging dahilan ito…
Read MoreMonth: April 2021
MACHO CHIQUITO NG BI MAY SUOT NA MAHIWAGANG BRIEF
KUNG ang mga kilalang super hero gaya nina Batman at Superman ay lantarang nakalabas ang kanilang underwear aba’y meron namang isang opisyal sa Bureau of Immigration na ayaw ilantad ang itinatago niyang sikreto. Yun ay ang size ng kanyang underwear. Alam n’yo bang naging usap-usapan sa NAIA ang isang senior citizen na immigration officer na diumano ay jowa nitong si Macho Chiquito? Itago na lang natin siya sa pangalang Aling Beth. Bago daw magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ay nagpunta pala sa Hongkong si Aling Beth. Ang pakay raw ng…
Read MoreAPALGU AT AKOOFW NAGSANIB PWERSA PARA SA MGA OFW
PORMAL nang nagsanib pwersa ang Association of Philippine Administrator of Local Government Unit (APALGU) at ang Advocates and Keepers Organization of OFW Inc (AKOOFW) upang lalong palakasin ang pagpapalaganap ng impormasyon na may kinalaman sa kapakanan at karapatan ng mga OFW at pamilya ng mga OFW . Kinikilala ng APALGU ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta at pagkilala sa sakripisyo ng bawat pamilya ng OFW na halos bawat kalye sa bawat barangay ay mayroon mga OFW. Ang APALGU ay isang samahan ng mga tinatawag na mga “Little Mayor” dahil ito…
Read MoreP8M MARIJUANA NAREKOBER SA 5 ‘PUSHER’
ARESTADO ang limang hinihinalang drug pusher matapos makumpiskahan ng tinatayang 8 milyon pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkoles ng hapon sa lungsod ng Malolos. Ang nasabing anti-illegal drug operation ay ikinasa ng joint operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, Bulacan Provincial Police Office (PPO) at Malolos City Police Station. Kinilala ni Christian Frivaldo, PDEA-3 regional director ang mga nadakip na sina John Patrick Milan, alyas “Wang”; Kevin Paul Jose; Mispa Jamsen; Jayson Justiniano at Enrick Justin, na pinaniniwalaang mga major…
Read MoreP60-B KITA NG KARTEL NG MGA IMPORTER NA BABOY
PABOR na pabor sa mga importer ng karne ng baboy ang Executive Order No. 128 (E.O. 128) na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil, ayon sa ilang senador, aabot hanggang P60 bilyon ang kikitain ng naturang mga negosyante. Sa E.O. 128, pinayagan ang mga importer na mag-angkat hanggang 100 metro – toneladang iba’t ibang parte ng baboy. Ang nasabing 100,000 minimum access volume (MAV) na maaaring angkating mga baboy ay napakalaki mula sa 43,000 metro – tonelada. Maliban diyan, ibinaba ni Duterte sa limang porsiyento ang taripa o bayad na…
Read MoreBULACAN TUMANGGAP NG 3M FACE MASKS, GOODS
MAHIGIT tatlong milyong piraso ng face mask ang ipamamahagi sa mga Bulakenyo mula sa Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng programang “Mask Para Sa Masa” na ipinadala sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Isinagawa ang ceremonial turnover nitong Miyerkoles sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos. Nabatid na ito ay Presidential initiative project na ipinatutupad mula sa Inter-Agency effort ng national agencies gaya ng Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Procurement Service–Department of Budget Management (PS-DBM), Armed Forces of…
Read MoreBUGBUGAN NG MAGKAPATID 1 PATAY
MULA sa pakikipaglibing, balik sa lamay ang isang pamilya nang mapatay sa saksak ng nakatatandang kapatid ang kanilang bunso noong Miyerkoles ng hapon sa bayan ng Oton, sa lalawigan ng Iloilo. Ayon sa ulat ng Oton Municipal Police Station, napatay ng kanyang kuya ang biktimang si Purisimo Salitre, 54-anyos, ng nasabing bayan. Lumabas sa imbestigasyon, galing ang pamilya sa pakikipaglibing sa namatay nilang pinsan sa Barangay Cadinglian at nagkaroon ng inuman, Sa gitna ng masayang inuman ay biglang nagkaroon ng matinding pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa pisikalan, Hinataw ng…
Read MoreMAGSASAKA ITINUMBA SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang isang magsasaka matapos na harangin at pagbabarilin ng apat na hindi kilalang mga suspek habang lulan ng motorsiklo sa bayan ng Famy sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Jefferson Jamolin, isa ring part time construction worker. Batay sa report ng Famy Police, bandang alas-8:30 ng umaga, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Siniloan at angkas ang isang Felipe Gelua nang harangin ang mga ito ng apat na naka-bonnet na mga lalaking lulan ng isang Honda Civic na…
Read MoreMILITIANG BAYAN MEMBER NALAMBAT NG PRO5
MULING nagtala ng ‘accomplishment’ ang bagong talagang Regional Director ng Police Regional Office 5 na si P/BGen. Jonnel C. Estomo at mga tauhan nito sa pagkakaaresto sa kilalang miyembro ng Militiang Bayan na si Jose Begonia y Frondoso sa bayan ng Goa sa Camarines Sur. Nangyari ang pagdakip kay Begonia noong Abril 26, 2021 dakong 6:35 ng madaling araw sa Brgy. Payatan, Goa, Camarines Sur. Ang nasabing operasyon ay inilunsad ng mga operatiba mula sa PIU CSPPO, 501st RMFB5, 9SAB-SAF, 93CIP(SMP), 97 MICO, 9MIB, 83IB, 9ID-PA, PIT CamSur, 2nd CS…
Read More