GENERAL PUBLIC VACCINATION SA AGOSTO

TARGET ng Pilipinas na simulan ang COVID-19 vaccination sa general public sa Agosto. “Sa August, we are targeting na ‘pag dumagsa na ang ating mga vaccine, puwede na tayong magkaroon ng general public vaccination,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi. Noong nakaraang buwan, sinabi ni Galvez na kumpiyansa siya na sisipa ang pagbabakuna sa general population sa huling bahagi ng Abril o sa unang bahagi ng Mayo. Ngayon ay sinabi ni Galvez, target nilang tapusin…

Read More

SC: HACIENDA LUISITA FARMERS BAYARAN

NELSON S. BADILLA BAYARAN nang tama ang 6,296 magsasaka ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) na pag-aari ng pamilya ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III. Ito ang pinal na desisyon ng Korte Suprema, o Supreme Court (SC), hinggil sa kontrobersiyal na kaso sa lupa ng mga magsasaka laban sa pamilya Aquino at Cojuangco. Sa botong 14-0, idiniin sa desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting na kinakailangang mabigyan ng “just compensation” ang HLI upang mabayaran nang tama ang 6,296 magsasakang benepisaryo ng repormang agraryo.Ang napakalawak na asyenda…

Read More

Hamon kay Duque kung patuloy na ipagagamit sa COVID patients GADON: PRESYO NG REMDESIVIR GAWING ABOT-KAYA

(NELSON S. BADILLA) KUNG magmamatigas ang Department of Health (DOH) na patuloy na ireseta sa mga tinatamaan ng COVID-19 ang gamot na Remdesivir, nararapat lang na ibaba nila ang presyo nito upang hindi madagdagan ang paghihirap ng mga pasyente. Binigyang diin ito ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon kasabay ng pagtiyak na kanilang kakasuhan kasama si Anakkalusugan Rep. Michael “Mike” Defensor ang kumpanyang gumagawa ng Remdesivir dahil sa overpricing nito. Ang Remdesivir ay sinasabing gamot laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19), ngunit idiniin ng World Health Organization (WHO) na “ineffective” ito laban…

Read More

DILG nagbabala sa paglalagay ng tarpaulin, posters ‘WAG UMEPAL SA PANTRIES

HINDI papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘epal’ na politiko o indibiduwal na gustong pumapel sa community pantry. Sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangang magpatupad ang mga organizer ng community pantries ng “Anti-Epal policy,” kung saan ang government officials at iba pang indibidwal ay pinagbabawalan na gamitin ang nasabing social activity para sa personal, political o propagandang layunin. “Hindi po natin papayagan na magkakaroon ng epal o .…

Read More

DUTERTE INIIWAN NA NG KAPARTIDO

ISA-ISA nang kumakalas ang mga politikong kasapi sa PDP-Laban na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte habang paubos ang araw ng kanyang pamumuno sa bansa. Maging ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) na partido ng anak ni Duterte na si Davao City Rep. Sara Duterte-Carpio ay nalagasan na rin ng miyembro. Kahapon ay umalis na sa PDP-Laban si Bacoor City Mayor Lani Mercado at nanumpa na ito sa Lakas-CMD na pinamumunuan ni House Majority Leader Martin Romualdez. Umalis na rin sa HNP ni Mayor Sara si Davao de Oro Rep. Manuel “Way…

Read More

POLICE POWER SA MGA PASAWAY

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Dismayado ang chief executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit dahil sa mga sumusuway. “Rules are there and you do not follow, well, let me tell you, under the police power of the state, ang mayor, ang barangay captain, because they are persons of authority. Ang guidance binibigay sa police because the supervision belongs to the mayor,” dagdag…

Read More

Malulusutan ng quarantine violations MAYORS, BRGY. CHIEFS MANANAGOT

PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna — o National Capital Region Plus (NCR Plus). “Now I will do this. I will hold responsible, and I will direct the Secretary of the Local…

Read More

SCHEDULING SYSTEM PAIRALIN SA PANTRIES

IPINANUKALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatupad ng scheduling system ng community pantries para maayos na mapangasiwaan ito sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic. Ani Pangulong Duterte, mas magiging madali na makontrol ang bilang ng mga tao na pumipila para kumuha ng libreng food supplies kung hihilingin sa mga ito na pumila kada sitio at purok sa halip na kada barangay. “Sa barangay there is the purok and sitio. You can always schedule it for the purok so iilan lang ‘yan maglinya. Then after that, the sitio will…

Read More

DAGDAG PENSION SA SENIORS ISINULONG

ISINUSULONG ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan ng karagdagang pension para sa mga nakatatandang mamamayan ng bansa. Tiwala si Cong. Lacson na susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa senior citizens. Aniya, kung maipasa bilang batas ang kanyang House Bill No. 4057, ay nangangahulugan ng dagdag na P1,500 para sa buwanang pension na natatanggap ng mga senior citizen mula sa Social Security System at Government Service Insurance System, at iba pa. “Kasado na po ito…

Read More