PCSO ANNOUNCEMENT

The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) would like to inform the public that there will be no processing of prize claims and release of checks at the PCSO  Main Office in Mandaluyong City tomorrow, April 30, 2021 to give way for decontamination & disinfection. Regular operations will resume on Monday, May 3, 2021. Thank you for your usual understanding and we encourage everyone to stay safe. #PCSOsupportUHC #PCSOGEDSI #LarongMayPuso #IpaalamKayGM #ConqueringCOVID19 45

Read More

PEDICAB DRIVER ITINUMBA NG 2 PASAHERO

PATAY ang isang pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon City noong Miyerkoles ng hapon. Kaagad nalagutan ng hininga sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Santolan. Patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon makaraan ang pamamaril. Sa report ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal kay Malabon City…

Read More

Panawagan ng CAMANAVA residents PASAWAY SA PROTOCOL ‘WAG BIGYAN NG AYUDA

NANAWAGAN ang ilang mga residente sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area na burahin sa listahan ng mga bibigyan ng ayuda ang mga maitatalang lumalabag sa minimum health protocols, pati ang kanilang mga pamilya. Ayon sa responsableng mga residente ng CAMANAVA, mabisa itong paraan para tandaan ng mga pasaway na mamamayan na ang pagtalima sa safety protocols ay para sa kaligtasan ng mamamayan at kanilang mga mahal sa buhay. “‘Pag puro paalala lang, mamamaos ang mga nagsasabi sa mga ‘yan. Susunod sandali, pag-alis ng bantay ganoon na naman, gagawin na…

Read More

CONG. TIANGCO TINAMAAN NG COVID

INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na positibo siya sa COVID-19 makaraang lumabas sa kanyang RT-PCR test na kumpirmado ang naging resulta nito. Sa post niya sa kanyang Facebook account, unang sinabi ni Cong. Tiangco na nagpositibo siya sa kanyang antigen test kaya’t agad siyang nagpa-RT-PCR test. “Mabuti naman po ang aking pakiramdam at kasalukuyan po akong naka-quarantine. Patuloy po akong magbibigay ng ulat sa inyo tungkol sa aking kalagayan,” ani Cong. Tiangco. Nanawagan siya sa kanyang mga nakasalamuha na mainam na magpa-swab test para sa kanilang kaligtasan.…

Read More

Sa pinatay na 2 brgy. officials INDEPENDENT PROBE HILING

NANAWAGAN ang grupong Karapatan para sa independent investigation hinggil sa pagpatay ng dalawang barangay officials sa Iriga City at bayan ng Buhi sa Camarines Sur sa isinagawang police operations kamakailan. “An independent investigation on the operations of the Philippine National Police in Camarines Sur is imperative, especially since these resulted in the killings of Brgy. Niño Jesus Capt. Elmer Casabuena in Iriga City and Brgy. Tambo Kagawad Froilan Oaferina III in Buhi. Based on the accounts of witnesses, there is reason to believe that their consecutive deaths are plain murder,…

Read More

Pati politiko sablay kay Lapu-Lapu HISTORY SUBJECT DAPAT IBALIK

UMAPELA ang isang mambabatas sa Kamara sa mga lider ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na ibalik na ang Philippine History subject sa basic education upang hindi maging mangmang ang mga bata sa kasaysayan ng bansa. Ginawa ni ACT Party-list Rep. France Castro ang nasabing panawagan matapos mabahala dahil may mga opisyal aniya ng gobyerno ang hindi alam ang tunay ng kasaysayan ni Lapu-Lapu. “Kaya isinusulong natin ‘yung House Bill (HB) 8621 na ibalik ang kasaysayan subject sa high school para mailinaw. Napakahalaga ng history natin. Parang nakakahiya tayo sa buong…

Read More

4,500 NAGREKLAMO SA ECQ AYUDA SA NCR PLUS

INAMIN ni Interior Secretary Eduardo Año na umabot sa 4,500 reklamo ang natanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa ayuda sa mga residente ng National Capital Region (NCR) at apat na kalapit na lalawigan noong isailalim ang mga ito sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) upang mapahupa ang napakataas na bilang ng mga taong nagkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Año, nilulutas na ito ng local government units (LGUs) ng NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan. Ang nasabing lugar na tinawag na…

Read More

DISTRIBUSYON NG IVERMECTIN SA QC DINUMOG

DINUMOG ng mga residente sa Matandang Balara, Quezon City ang paglulunsad ng grupo ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ng “Ivermectin Initiative project” nitong Huwebes. Ayon kay Defensor, ang orihinal na target na bigyan ng libreng ivermectin ay 35 lamang subalit maraming tao ang dumagsa na isang patunay na marami ang gustong magkaroon ng nasabing gamot bilang proteksyon sa COVID-19. “Ang nakalista lang dito (Matandang Balara) 35 eh kaso may taga ibang lugar na nagpunta so tutulungan na rin namin. So, from here baba kami sa bahay-bahay,” ani Defensor. Bukod…

Read More

Kapag dinapuan ng COVID-19 sa trabaho P30K BAYAD NG ECC SA WORKERS

MAKATATANGGAP ang mga manggagawa ng P30,000 kung magkakaron ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nagtatrabaho. Iyan ang desisyon ng Employees Compensation Commission (ECC), ayon sa Board chairman nito na si Labor Secretary Silvestre Bello III. Higit na mataas ang P30,000 bayad kumpara sa P10,000 bayad kapag nagkasakit habang nagtatrabaho. Magkakabisa ang desisyon ng ECC kapag sinang-ayunan at nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, banggit ni Bello. Kapag ipinatupad na, kailangang magpakita ang manggagawa ng ebidensiya na siya ay nagkaroon ng COVID-19 habang gumaganap sa kanyang trabaho sa kumpanyang pinapasukan. Ikinatuwa…

Read More