Suporta sa Coast Guard at BFAR sa WPS PNP-MARITIME GROUP IKAKASA NI ELEAZAR

NAKAHANDANG pakilusin ng Philippine National Police ang kanilang PNP-Maritime Group upang suportahan ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa kanilang maritime patrols sa West Philippine Sea. Kinumpirma ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na hinirang ng pamahalaan ang PNP upang tumulong sa maritime law enforcement patrols sa rehiyon na mayaman sa aquatic and marine resources. “The PNP, specifically the Maritime Group, is ready to provide assistance and augment personnel from the PCG and BFAR in enforcing maritime laws on the West Philippine…

Read More

DOMINGO PUMIYOK SA RED TAPE SA FDA

INAMIN ng mismong administrador ng Food and Drug Administration (FDA) na matagal nang matindi ang “red tape” sa ahensiya. Ani Undersecretary Eric Domingo, nang italaga siyang administrador ng FDA noong 2019 ay nadiskubre niyang napakaraming aplikasyon ng pharmaceutical firms ang nakabinbin sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) ng ahensya. Marami sa mga nagsumite ng aplikasyon ay noong 2014 pa nagpasa ng mga rekisito. Ani Domingo, pinakilos na niya ang CDRR upang mabawasan ang mga aplikasyon ngunit, kamakailan ay nabunyag sa media na mahigit 600 pa ang nakabinbing aplikasyon…

Read More

Globe Libreng Tawag, Charging at WiFi kasado na para sa mga apektado ni #Crising

NAKAHANDA na ang Globe para tumulong sa mga residente ng Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato at iba pang lugar kung saan inaasahang mararamdaman ang hagupit ni #Crising. Naka-standby na rin ang mga Libreng Tawag, Charging at WiFi Services ng Globe na maaaring i-deploy anumang oras sa mga lugar na maaaring mawalan ng koryente dahil sa malakas na hangin at pag-ulan dala ni Crising. Bahagi rin ng mas pinaigting na pagtugon at kahandaan sa mga kalamidad, nakaantabay na ang mga…

Read More

BI COMM KAPIT TUKO SA PUWESTO?

TILA isang teleserye na gaya ng Ang Probinsyano ni idol Coco Martin ang walang kamatayan na pag-abang ng mga taga Bureau of Immigration kung kailan mapapalitan sa pwesto si ­Commissioner Jaime Morente. Maituturing na raw kasi itong overstaying sa pwesto kaya dapat lang ay palitan na ito. Kamakailan ay isang balita ang kumalat sa ahensya na isang retired Colonel umano mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakaabang na papalit kay Morente anumang araw. Ililipat naman umano si Morente sa mas tahimik na puwesto dahil na rin sa…

Read More

MGA SENADOR AT KONGRESISTANG NAGBALEWALA SA MGA MAGSASAKA

DALAWANG senador ang alam kong madalas na magsalita para sa buhay, interes at kinabukasan ng mga magsasaka. Sa Kamara de Representantes, kung hindi ako nagkakamali ay dalawa rin ang kinatawan ng mga magsasaka. Nakatitiyak ako na kung sila ang tatanungin ay pihadong napakahalaga sa kanila ang mga magsasaka dahil ipinagtatanggol nila ang isa sa mga batayang sektor ng ating lipunan. Ngunit, kung ­uunawaing mabuti ay hindi talaga ­nakatulong ang dalawang senador at dalawang ­kongresista sa mga magsasaka. Pokaragat na ‘yan! Hindi nila kinakastigo nang husto kailanman ang Department of Agriculture…

Read More

Technical men, kailangan ng Pambansang Delegasyon sa global meet

PATULOY ang pagdami ng mga Filipinong atletang kakatawan sa bansa sa ­darating na XXXII Games of the Olympiad na nakatakdang ganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan. Walo na ang opisyal na magdadala ng pambansang watawat sa tuwing ika-apat na taong palaro na tinatawag ding “The Greatest Sports Show on Earth.” Ito ay matapos na ang baguhang rower na si Chris Nievarez ay hindi inaasahang nakapasa sa 2021 Asia-Oceania Continental Olympic Qualifiers ng kanyang sport na ginanap mismo sa Tokyo noong nakalipas na linggo. Si Nievarez, isang…

Read More

Ugnayan ng PNP at Muslim community palakasin PARA SA TUNAY NA KAPAYAPAAN -ELEAZAR

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) chief P/General Guillermo Eleazar ang lahat ng regional at maging field at unit commander ng Pambansang Pulisya na higit pang palakasin ang magandang working relationship sa Islamic Community leaders. Sa selebrasyon ng Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim kahapon ay binigyang diin ng heneral na ang magandang samahan ng PNP at Muslim communities ay magbibigay-daan sa tunay na kapayapaan at pag-unlad. Ayon pa kay Gen. Eleazar, mapatutunayan din dito na kayang mamuhay nang mapayapa at magkasama ng mga Kristiyano at kapatid na Muslim…

Read More

Kamara at Senado nagpatutsadahan AWAY SA ‘PORK’ NABUHAY

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG nabuhay ang away ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso sa “pork barrel” matapos pitikin ng isang lider ng Kamara si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa nasabing isyu. “Do some reality check,” hamon ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano kay Lacson matapos muling pag-initan ng senador ang umano’y congressional insertions para mapondohan ang karagdang supply ng bakuna laban sa COVID-19. Sa isang interview kay Lacson, iminungkahi nito na gamitin ang congressional insertion na tinawag umano ng Department of Budget and Management (DBM) bilang “for…

Read More