53 NEW COVID-19 CASES NAITALA SA CALAMBA

INIULAT ng Calamba City sa lalawigan ng Laguna na nakapagtala ang lungsod ng 53 bagong kaso ng COVID-19 noong Mayo 13. Ito ay makaraang ideklara noong Huwebes ng gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite at Rizal sa Rehiyon IV-A sa isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction, kabilang ang National Capital Region o NCR Plus mula Mayo 15 hanggang Mayo 30. Napag-alaman, 39 ang naitalang bagong gumaling sa lungsod at isa ang namatay. Habang mayroong 1,449 aktibong kaso sa naturang lungsod…

Read More

SAYANG ANG MGA PUNO

HINDI ko masisisi ang mga taong tutol sa pagtatayo ng vaccination hub sa Nayong Pilipino sa Parañaque City dahil sayang ang mga punong kailangang putulin sa nasabing lugar. Kahit pa sabihin natin na gagastusan iyan ng pribadong sektor, hindi pa rin nararapat dahil napakaraming gusali na puwedeng paglagyan ng vaccination site para mabakunahan ang mga taga-Metro Manila. Maraming eskuwelahan na hindi nagagamit dahil distance learning ang sistema ng pagtuturo ngayon dahil sa COVID-19 pandemic. Sa katunayan, sa mga eskuwelahan isinasagawa ng mga Local Government Units (LGUs) ang bakunahan sa kanilang…

Read More

PUNA SA MABAGAL NA ROLL OUT NG COVID-19 VACCINES

NANGANGAMBA si Dr. Tony Leachon, dating miyembro ng COVID-19 task force na posibleng masayang lang ang ilang bakuna na dumarating sa bansa kung hindi agad ito maipamamahagi ng gobyerno sa dapat na pagbibigyan nito. Ngayon pa nga lang na ‘di pa dagsa ang pagdating ng mga bakuna mula sa iba’t-ibang bansa ay mabagal na ang roll out nito, lalo pa kung sabay-sabay na ang pagda­ting nito sa bansa. Ilan sa mga bakuna na dumarating sa bansa ay hanggang dalawang buwan lang ang itatagal hanggang expiration date nito. Kaya kung hindi…

Read More

UMIHI SA RILES TIMBOG SA BARIL

ARESTADO ang isang tambay makaraang madiskubreng may nakasukbit na baril nang sitahin dahil sa paglabag sa ordinansa nang umihi sa gilid ng riles ng tren noong Huwebes ng gabi sa Tondo, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa RO 1054 (urinating in public places), nahaharap din sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ang suspek na kinilalang si Ricardo Rondina y Zabate, binata, ng #417 NBBN, Navotas City. Batay sa ulat nina P/Cpl. Anjon Cruz, P/Cpl. Dued De Gala at Patrolman Sir Christian Joseph Pineda na isinumite…

Read More

NAGBENTA NG SHABU, NAKALABOSO

KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang masakote sa buy-bust operation nitong Biyernes ng madaling-araw sa Valenzuela City. Swak sa hoyo si Jayson Bernardo alyas “Itek”, 34, ng Bisig Road, Brgy. Bisig, ng lungsod. Ayon sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon laban kay Bernardo sa nabanggit na lugar. Nakaiskor ng P300 halaga ng umano’y shabu sa suspek ang undercover cop na nagresulta sa kanyang pagkakadakip. Nakumpiska mula sa suspek ang anim na gramo ng shabu na tinatayang P40,800 ang halaga, P300 pesos buy-bust…

Read More

MANAGEMENT NG GUBAT SA CIUDAD KINASUHAN NA

PORMAL nang inihabla ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pamununuan ng Gubat sa Ciudad matapos na tumanggap ng mga bisita sa kabila ng ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ilang araw na ang nakalilipas bagama’t bawal pang mag-operate ng recreational venues. Kinasuhan ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act (Republic Act [RA] 11332) at Ordinance Mandating the Strict Implementation of Social or Physical Distancing of People and Other Relevant Measures to Curb the Spread of COVID-19, ang pangulo ng resort…

Read More

2 LIDER NG SEX TRAFFICKING SYNDICATE, TIMBOG SA NBI

NADAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang lider ng sex trafficking syndicate na kumikilos sa National Capital Region (NCR) at karatig na mga lalawigan. Sasampahan ng kaso ang mga suspek na sina Xiangce Kong at Ma. Angelica Belga Kong alinsunod sa nilabag nilang batas patungkol sa prostitusyon at human trafficking. Sa isinagawang operasyon ng NBI, 20 Filipina ang nailigtas mula sa kuta ng sindikato sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay. Ayon sa NBI, ang mga babaeng nabawi sa mag-asawang Kong ay inilalako sa mga…

Read More

‘SNOWBALL OF SUPPORT’ SA P10K AYUDA BILL

UMAASA si dating Speaker at Taguig City Congressman Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng ‘snowball of support’ para sa isinusulong nila ng kanyang mga kasamang kongresista sa Back To Service na P10K Ayuda Bill sa Kamara. Ito ay matapos magpahayag ng suporta sa naturang panukala si Parañaque 2nd District Rep. Eric Olivarez. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Olivarez na full support siya sa P10K Ayuda Bill ni Cayetano dahil kailangan ito ng sambayanang Filipino. “Kung kaya ng budget bakit hindi para sa mga nangangailangan, kung kaya ng appropriation…

Read More

Heightened restrictions sa GCQ patuloy BAWAL PA RING MAMASYAL

(CHRISTIAN DALE) INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Huwebes ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) subalit patuloy na iiral ang heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang 31, 2021. Isinailalim din sa GCQ status mula Mayo 15 hanggang 31, 2021, ang mga lugar sa ilalim ng Cordillera Administrative Region, gaya ng Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon…

Read More