PATAY ang isang 21-anyos na rider nang masagasaan ng trak sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Joseph Hilario, ng Bambang St., Tondo, agad nalagutan ng hininga makaraang masagasaan ng Hino truck na may plakang NAW-4677 na minamaneho ni Jumar Marinas, 45, ng Turo, Bocaue, Bulacan na mabilis na nadakip ng mga pulis. Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at nasa isang linya kasama ang truck sa Rizal Avenue dakong alas-9:30 ng gabi noong Biyernes at patungong Maynila nang mangyari ang insidente. Nauna rito, sumemplang sa kanto ng…
Read MoreMonth: May 2021
UP RESEARCH GROUP IPINAMBALA NG DILG SA CHA-CHA
IPINAMBALA ng Department of the Interior and Local Government ang kawani ng University of the Philippines (UP) upang kumbinsihin ang publiko na makatutulong ang Constitutional Change (Cha-cha) sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Ayon sa DILG, sinabi ni Leandro Tan, mananaliksik sa University of the Philippines Public Administration Research and Extension Services Foundation – Regulatory Reform Support Program for National Development (UPPAF – RESPOND), aabot sa $16.2 bilyon halaga ng foreign direct investment (FDI) ang papasok na puhunan sa bansa kung tatanggalin ang mga economic provision sa Konstitusyon na nagbabawal…
Read More‘KILLER’ NG KAGAWAD TIMBOG SA QUEZON
SYUT sa selda ng Manila Police District ang 44-anyos na lalaking nagtago sa batas sa loob ng anim na taon makaraang patayin ang isang barangay kagawad, makaraang matunton sa lalawigan ng Quezon, iniulat ng pulisya. Armado ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Tita Bughaw Alisuag, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 1, dinakip ng mga awtoridad ang suspek na si Rowell Pedragorda y Lorenzo, residente ng Binondo, Manila, dahil sa kasong murder. Base sa ulat na isinumite ni P/Major Rommel Anicete kay P/Lt. Col. Levy Hope Basilio…
Read MoreMPD OFFICIAL PATAY SA HEAT STROKE
PINANINIWALAANG namatay dahil sa heat stroke ang isang opisyal ng Manila Police District habang nasa duty sa headquarters ng United Nation Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si P/Lieutenant Romano P. Topacio, 53-anyos, residente ng Bulacan at nakatalaga sa MPD-District Mobile Force Battalion (DMFB). Base sa nakalap na impormasyon, bigla na lamang nanikip ang dibdib ni Topacio bandang ala-1:00 ng hapon noong Sabado (Mayo 29). Hindi na naisugod sa pagamutan ang biktima na tuluyang bumigay. Hindi pa nagbibigay ng detalye ang pamilya hinggil sa pangyayari at…
Read More2 sa Valenzuela City 4 PA PATAY SA COVID SA CALOOCAN
APAT ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang dalawa naman sa Valenzuela City noong Mayo 29, ayon sa health offices ng dalawang lungsod. Pumalo na sa 31,915 ang total confirmed cases sa Caloocan, kung saan 29,952 na ang gumaling, 937 ang namatay at 1,026 ang active cases. Sumampa naman sa 19,642 ang confirmed cases sa Valenzuela, kung saan 18, 661 na ang gumaling, 494 ang namatay at 487 ang active cases. Samantala, wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Malabon City at nanatiling 438 ang COVID death…
Read MoreChinese vessels tambay pa rin sa Pag-Asa Islands IKA-84 DIPLOMATIC PROTEST INIHAIN NG DFA VS CHINA
NAGHAIN muli ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China dahil sa patuloy na pagdami ng barko ng huli sa West Philippine Sea (WPS). Ang protestang ipinarating nitong Biyernes laban sa China ay ika-84 na sa ginawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang panibagong diplomatic protest na ipinag-utos ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ay nakaugnay sa pagkakaroon na naman ng mga barko ng China sa Pag-Asa Islands. Idiniin ni Locsin na ang Pag-Asa Islands ay nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Bukod sa…
Read MoreEngkwentro sa Iloilo NPA LIDER, 1 PA NAPATAY
ISANG mataas na lider ng komunistang New People’s Army at isa pang kasamahan nito ang napatay ng mga tauhan ng militar at pulisya kasunod ng engkwentro sa bayan ng Pavia sa lalawigan ng Iloilo. Ayon sa 3rd Infantry Division (ID) ng Philippine Army, napatay ng kanilang mga tauhan ang itinuturong lider ng NPA cadres na kanilang nakasagupa na si Reynaldo Bocala, tagapamuno umano ng Regional Finance Bureau ng Komiteng Rehiyon-Panay ng NPA. Napatay noong gabi ng Biyernes si Bocala matapos manlaban sa mga awtoridad kaugnay sa ikinasang law enforcement operation…
Read MorePAGPASA SA DMWOF PINABIBILISAN
HINIHINGI ni Senator Christopher “Bong” Go ang suporta ng kanyang mga kapwa mambabatas para sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2234, na magtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos. Ang naturang panukala na inakda at co-sponsored ni Go, ay isang consolidated version ng kanyang naunang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Department of Overseas Filipinos. Ayon kay Go, tinalakay na niya ito kay Pang. Rodrigo Duterte upang masertipikahan bilang urgent. Ang unang bersiyon nito ay sinertipikahan bilang urgent ng pangulo. “Isa po ito sa ipinakiusap ko sa…
Read MorePAGBABA NG HEIGHT REQUIREMENT NG PNP, BJMP AT BFP PINABORAN NG ACT-CIS
“MALAKING tulong ang “Height Equality Act” para makapasok sa serbisyo ang ating mga kababayan na nasa indigenous sector”. Ito ang tugon ni ACT-CIS Congressman at Benguet Caretaker Eric Yap sa isang local radio interview matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang R.A. 11549 na binababaan pa ang height requirements ng mga gustong pumasok sa PNP, BJMP, at BFP. Mula sa taas na 5’4″ para sa kalalakihan na nais pumasok bilang pulis, bumbero o miyembro ng BJMP, binabaan ng bagong batas ang height requirement sa 5’2″ at 5 feet naman sa kababaihan…
Read More