PATAY ang isang 21-anyos na rider nang masagasaan ng trak sa Caloocan City.
Kinilala ang biktimang si Joseph Hilario, ng Bambang St., Tondo, agad nalagutan ng hininga makaraang masagasaan ng Hino truck na may plakang NAW-4677 na minamaneho ni Jumar Marinas, 45, ng Turo, Bocaue, Bulacan na mabilis na nadakip ng mga pulis.
Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at nasa isang linya kasama ang truck sa Rizal Avenue dakong alas-9:30 ng gabi noong Biyernes at patungong Maynila nang mangyari ang insidente.
Nauna rito, sumemplang sa kanto ng 1st Avenue, Brgy. 39 ang biktima at pagkaraan ay nasagasaan ng trak na minamaneho ni Marinas na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (ALAIN AJERO)
131
