ISANG mataas na lider ng komunistang New People’s Army at isa pang kasamahan nito ang napatay ng mga tauhan ng militar at pulisya kasunod ng engkwentro sa bayan ng Pavia sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon sa 3rd Infantry Division (ID) ng Philippine Army, napatay ng kanilang mga tauhan ang itinuturong lider ng NPA cadres na kanilang nakasagupa na si Reynaldo Bocala, tagapamuno umano ng Regional Finance Bureau ng Komiteng Rehiyon-Panay ng NPA.
Napatay noong gabi ng Biyernes si Bocala matapos manlaban sa mga awtoridad kaugnay sa ikinasang law enforcement operation ng pulisya at military, ayon sa ulat ng 3rd ID.
Napatay rin ang kasamahan ni Bocala na kinilalang si Welly Epago Arguelles.
Nakuha sa mga napatay ang 2 pistol, isang laptop at 5 cellphones.
Noong 1990, nakasuhan sa isang korte sa Antique si Bocala dahil umano sa murder. (JESSE KABEL)
155
