APAT ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang dalawa naman sa Valenzuela City noong Mayo 29, ayon sa health offices ng dalawang lungsod.
Pumalo na sa 31,915 ang total confirmed cases sa Caloocan, kung saan 29,952 na ang gumaling, 937 ang namatay at 1,026 ang active cases.
Sumampa naman sa 19,642 ang confirmed cases sa Valenzuela, kung saan 18, 661 na ang gumaling, 494 ang namatay at 487 ang active cases.
Samantala, wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Malabon City at nanatiling 438 ang COVID death toll sa lungsod.
Lima naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,047 ang positive cases sa siyudad, 138 dito ang active cases.
Umabot sa lima ang gumaling at sa kabuuan ay 12,471 na ang recovered patients ng Malabon. Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Concepcion dahil nagpositibo ang swab test ng isang pasyente sa ikalawang pagkakataon. Mula 571 ay magiging 570 na lamang ang mga gumaling sa barangay.
Wala ring iniulat na namatay sa Navotas City at nanatili sa 358 ang pandemic fatalities sa lungsod. Pumanhik na sa 10,821 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, kung saan 10, 350 na ang gumaling at 113 ang active cases. (ALAIN AJERO)
150
