Gen. Cruz walang aksyon sa ilegalistang si ‘Kap. Biskotso’ ‘PAIHI’, JUETENG TALAMAK SA BATANGAS

SA kabila ng paulit-ulit na pagpuna hinggil sa petrol pilferage o paihi sa Batangas ay wala umanong aksyon ang pamunuan ni Region 4A chief B/Gen. Eliseo Cruz. Ayon sa pagbubunyag ng isang ship captain, mistulang kalakaran na ang pagkakaroon ng petrol pilferage sa mga barko sa karagatan ng Batangas dahil sa kawalan ng aksyon ng mga awtoridad partikular si Gen. Cruz. Sa pagtatanong ng SAKSI Ngayon, iniutos na umano ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kay Gen. Cruz na imbestigahan ang katotohanan sa likod ng expose ng nasabing ship captain.…

Read More

Kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa Olympics makalipas ang 97 taon SALAMAT HIDILYN!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BUMUHOS ang pagbati at pasasalamat kay Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal at wakasan ang 97 taon ng pag-asam dito ng Pilipinas. Luha ng kasiyahan Inilarawan nina Senador Sonny Angara at Grace Poe bilang makasaysayang pagluha ng kasiyahan ang pagkapanalo ni Hidilyn sa kabila ng mahinang suporta ng pamahalaan. Sa magkakahiwalay na pahayag, kapwa nagpasalamat sina Angara at Poe kay Diaz sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas. Ayon kay Angara, pawang makasaysayan ang pagkapanalo ni Diaz dahil bukod sa kauna-unahang gintong medalya,…

Read More

SOLID NORTH TO BBM: “RUN FOR PRESIDENT”

SUMIDHI ang pagkakaisa ng mga mambabatas mula sa mga lalawigan sa North Luzon na himukin si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na tumakbo sa pampanguluhan sa susunod na eleksyon. Ito ay dahil sa nakikitang malaking tsansang manalo si Bongbong o BBM sa 2022 election. Kung pagbabasehan ang latest survey na inilabas ng Publicos Asia, Inc., si Marcos na mas gustong tawagin na lamang siyang Citizen Bongbong, ay nakapuntos ng 17.8 percent rating at pumangalawa kay presidential daughter Sara Duterte-Carpio na umiskor ng 20.8 percent. Kapansin-pansin din sa mga nakalipas…

Read More

Kinastigo ng solons PDU30 WALANG COVID-19 EXIT PLAN

KINASTIGO ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi ito naglatag ng plano kung papaano makakawala ang bansa sa pandemya sa COVID-19. Sa magkakahiwalay na pahayag, pawang dismayado ang ilang kongresista dahil bagama’t pinasalamatan nito ang mga medical at iba pang frontline workers sa pandemya ay hindi nito sinabi kung ano ang plano ng kanyang gobyerno para makawala ang bansa sa pandemya. “The Filipinos are constantly waiting for an overall blueprint on our survival against this pandemic, considering the Delta variant and possible other…

Read More

House probe ikinasa 9 NARCO GENERALS MALAYA PA RIN

NAGKASA na ng imbestigasyon ang House committee on dangerous drugs laban sa siyam na heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa ilegal na droga. Ayon sa chairman ng nasabing komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, partikular na aalamin ng komite kung bakit nakalalaya pa rin ang mga ito. Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes hinggil sa siyam na police generals aniya na sangkot sa ilegal na droga.…

Read More

Palasyo pumiyok ATLETANG PINOY KULANG SA SUPORTA

INAMIN ng Malakanyang na hindi nakatatanggap ng sapat na financial support ang mga atleta ng national team. Inamin ni Presidential spokesperson Harry Roque ang bagay na ito matapos manalo si Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting 55 kilogram division sa Tokyo, Japan. “Kulang po talaga, parang minimum wage nga lang po ang allowance ng ating mga atleta. Titignan natin kung paano mababago ito,” ayon kay Sec. Roque. “Titignan natin paano maitataas ang nakukuha nilang allowance at iba pang benepisyo as members of national team. Kung napakaliit at…

Read More

Hindi inendorso kaya ‘di dapat kiligin SOTTO KINILITI LANG NI PDU30

NILINAW ng Malakanyang na hindi pag-endorso kay Senate President Vicente Sotto III ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte rito na maaaring maging “good vice president” ang senador. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi rin ito nangangahulugan na umatras na ang chief executive sa posibleng pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections. “Hindi naman po, I think kinikiliti lang niya si Senate President kasi naririyan siya at they had of course an occasion to meet dahil siya yung sumalubong sa Kongreso,” ani Sec. Roque. “Kumbaga, he’s just encouraging Senate…

Read More

SOT BILL, ‘BUHAY’ PA

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na ang Security of Tenure bill, na naglilimita sa contractualization ng mga manggagawa ay hindi pa tuluyang namamatay kahit hindi ito nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA). Ang pangulo, na nangakong tatapusin ang contractualization nang mangampanya ito noong 2016, ay vineto ang bill laban sa contractualization,” o “anti-endo bill,” noong Hulyo 2019 sa kabila na sinertipikahan ito bilang urgent. “The President promised passage the anti-endo bill [into law], and he vetoed it because there…

Read More

PAGBIBIGAY NG HIWALAY NA INSENTIBO KAY HIDILYN, IKINUKONSIDERA NG SENADO

PINAG-AARALAN na ng Senado ang pagbibigay ng hiwalay na insentibo kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz. Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pinag-aaralan na ng kanilang tanggapan kung magkano ang maaaring ibigay kay Diaz. Kasabay nito, ipinasa ng Senado ang mga Resolutions na nagbibigay pagkilala kay Air Force Sergeant Hidilyn Diaz dahil sa pagsungkit ng unang gold medal para sa bansa sa Olympics. Kasama sa inadopt ng Senado ang Senate Resolution Nos. 793, 794, 795, 796, 797, 798, 799, 800, 801, 802, 803, 804 at 805 na…

Read More