MAGSASAMPA na ng kaso sa korte si Deputy Speaker Lito Atienza kapag itinuloy pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay. Ito ang kinumpirma ni Atienza matapos muling anurin ang dolomite na itinambak ng DENR sa Manila Bay project ng mga ito nang manalasa ang habagat na nagdulot ng ilang araw na pag-ulan sa Metro Manila. “Pag pinilit pa yan we go to court,” ani Atienza subalit hindi nito sinabi kung saan korte ito maghahain ng asunto at kung anong kaso ang…
Read MoreMonth: July 2021
Supply galing sa Bilibid 2 ARESTADO SA P240K SHABU
ARESTADO ang umano’y dalawang bigtime na tulak ng hinihinalang mga drug lord sa loob ng New Bilibid Prison, sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng NCRPO RID-RDEU, PDEG nitong Lunes ng madaling araw sa Pasay City. Dakong alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ng magkasanib na pwersa ng NCRPO RDEU, PDEG at Pasay City Police Station ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Darren Decena ng Cuyegkeng ng Pasay City, at Bernadeth Barrientos ng Ampaya Compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City. Nasamsam kina Decena…
Read More3RD REGULAR SESSION NG 18TH CONGRESS BINUKSAN
BINUKSAN ni Senate President Vicente Sotto III ang 3rd Regular Session ng 18th Congress sa Senado na pisikal na dinaluhan ng 14 mambabatas bago sila tumungo sa mababang kapulungan upang dumalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bukod kay Sotto, dumalo sa sesyon sina Senador Nancy Binay, Pia S. Cayetano, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Francis “Tol” N. Tolentino, Panfilo “Ping” M. Lacson, Christopher Lawrence T. Go, Ronald “Bato” M. Dela Rosa, Ramon Bong Revilla Jr., Majority Leader Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, Minority Leader…
Read MoreGov. Suarez kinalampag sa pondo para sa health workers COVID-19 CASES SA QUEZON POSIBLENG TUMAAS PA
POSIBLENG madagdagan pa ang bilang ng mga tinatamaan at namamatay sa sakit na COVID-19 sa lalawigan ng Quezon kung hindi ipalalabas ng Pamahalaang panlalawigan ang pondong nailaan na sa pasweldo ng health workers at pambili ng medical supporting equipment. Hinimok ng mga apektadong health workers si Governor Danilo “Danny” Suarez na aksyunan ang kanilang karaingan. Sa tala ng Department of Health, aabot na sa 700 kaso ng pagkamatay sa COVID-19 samantalang mahigit 16,000 naman ang infected ng nasabing virus. Sa ilalim ni Suarez, ang lalawigan ang mayroong pinakamataas na bilang…
Read MoreDUTERTE ‘NILUNOD’ NG PAPURI NI VELASCO
KUNG sa labas ng Batasang Pambansa ay binabakbakan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano’y kapalpakan ng kanyang gobyerno sa pamamahala sa pandemya, katiwalian, patayan at iba pa, nilunod naman ni House Speaker Lord Allan Velasco ng papuri ang punong ehekutibo. Sa kanyang opening speech sa third and final regular session ng 18th Congress kahapon ng umaga, sinabi ni Velasco na nagkaroon ng pag-asa ang taumbayan nang manalo si Duterte bilang pangulo ng bansa noong 2016 sa gitna ng mga problemang kinakaharap tulad ng droga, peace and order, terorismo, kahirapan at…
Read MoreP40-M PANANIM, INFRA SA BULACAN BINAHA
TINATAYANG nasa P40-milyon halaga ang inisyal na naitalang nasira sa mga pananim at palaisdaan kabilang ang pampublikong imprastraktura habang hindi bababa sa 2,000 residente mula sa 515 pamilya sa 12 bayan at siyudad sa lalawigan ng Bulacan ang inilikas matapos malubog sa baha dulot ng hanging habagat at bagyong Fabian na sinabayan pa ng high tide mula sa Manila Bay. Umabot hanggang 5ft. ang floodwater na nagpalubog sa mahigit 100 barangay dahil sa halos isang linggong pag-ulan, ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).…
Read MorePolitikong maagang mangangampanya DISQUALIFIED SA ELEKSYON
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na patatakbuhin at ididiskuwalipika sa pagtatrabaho sa gobyerno ang mga politikong maagang nangangampanya kapag naipasa ang panukalang batas laban sa mga tinatawag na “prospective candidates”. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 9656 na inakda ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng maagang pangangampanya ng mga politikong nagbabalak tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa susunod na halalan. “In the interest of fair play, our bill seeks to restore premature campaigning as an election offense by clearly defining who may be held liable, and when…
Read MoreSa Basilan at Surigao del Norte 47 KATAO NASAGIP SA KARAGATAN
UMABOT sa 47 katao ang nasagip sa gitna ng karagatan sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Fabian at habagat sa magkahiwalay na rescue operation ng Philippine Navy sa Basilan at Philippine Coast Guard sa Surigao del Norte. Ayon kay Naval Task Group-Sulu at 4th Marine Brigade Commander, Colonel Hernanie Songano, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa kalagayan ng 18 katao na sakay ng “MB Bongarita” na sinalpok ng malalaking alon kaya agad silang nagpadala ng Navy vessel para magsagawa ng rescue mission. Ang bangkang “MB Bongarita” ay…
Read MoreTOP 5 MOST WANTED SA DRUGS NABITAG NG PNP-ZAMBALES
“DRUGS is like a rat in a maze. It aims for a common hole, hoping for a quick relief but it’s actually a trap,” pahayag ni PNP-Zambales Provincial Director PCol. Romano V. Cardiño, sa pakikipagpulong sa mga kabataan hinggil sa drug addiction, matapos madakip ang notoryus na tulak na ilegal na droga sa kanilang lalawigan. Ayon kay Col. Cardiño, nitong nakalipas na linggo ay nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na kinilalang si Jecar Alonzo Barker, top 5 most wanted person dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous…
Read More