BALITANG NBA Ni VT ROMANO SINAGOT ni Kyrie Irving ang naunang pahayag ng Brooklyn Nets na hindi siya palalaruin hangga’t walang bakuna o habang epektibo ang New York City mandate. Sa kanyang Instagram Live, Miyerkoles (Huwebes sa Manila), pinanindigan ni Irving na hindi siya maaaring diktahan ng sinuman sa dapat gawin o sabihin. Kasabay nito, nilinaw ding hindi siya magreretiro nang dahil lang sa bakuna. “You know, nobody’s gonna hijack my voice. Nobody’s gonna take the power away from me that I have for speaking on these things,” lahad ni…
Read MoreDay: October 14, 2021
TNT muling kakatok sa PBA All-Filipino Cup Championship
WAGI kapwa ang Talk ‘N Text sa San Miguel Beer, 100-90, at Meralco kontra Magnolia Pambansang Manok, 102-98, noong Miyerkoles (Game 5) sa kanilang magkahiwalay na best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Philippine Cup. Parehong impresibo ang naging pagwawagi ng Tropang Giga at Bolts na nasa ilalim kapwa ng MVP Group at ginanap sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga. Muling lumamang ang Katropa ni coach Chot Reyes, 3-2, sa serye nila laban sa Beermen na nagdala sa prangkisa para sa isang panalo na lamang tungo sa All-Filipino Finals. Lamang pa…
Read MoreSMB, MERALCO HIHIRIT NG GAME 7
Ni ANN ENCARNACION MAIBAGAHE na kaya ng TNT at Magnolia ang ika-apat na panalo tungo sa 2021 PBA Philippine Cup Finals, o makapwersa ng decider Game 7 ang kanilang mga karibal na San Miguel at Meralco? Iyan ang malalaman ngayon sa Game 6 sa pagitan ng Tropang Giga at Beermen sa alas-3 ng hapon, at Hotshots at Bolts sa alas-6 ng gabi sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga. Parehong angat ng isang game (3-2) ang TNT kontra SMB, at Magnolia kontra Meralco, at kapwa nangangailangan ng isang panalo na lang…
Read MoreBUHAY KO, IPUSTA MO!
HINDI naging kalugod-lugod para sa hanay ng healthcare workers ang patuloy na pagbalewala ng administrasyong Duterte sa panawagang pagbabago sa kagawarang butbot ng bulilyaso at katiwalian. Sa sobrang pagkadismaya, ang mga doktor at nars na direktang sumasagupa sa pandemya habang nilulustay ng mga taong gobyerno ang kaban ng bayan, nagdeklara na ng isang malawakang panawagan laban sa pag-abuso at katiwalian. Sa inilunsad na Indignation at Call to Action laban sa katiwalian, giit ng iba’t ibang grupo ng mga propesyonal sa larangan ng kalusugan – taympers muna sa nakawan. Bagama’t hindi…
Read MoreDEATH TOLL SA TD MARING UMAKYAT SA 30, 14 MISSING
PINANGANGAMBAHANG lolobo pa ang bilang ng mga nasawi sa ilang araw na pananalasa ng bagyong Maring sa MIMAROPA at Northern Luzon na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Sa inilabas na Situational Report No. 5 ng National Disaster Risk Reduction Management Council, kahapon ng umaga ay 30 na ang bilang ng mga nasawi habang 14 ang patuloy na pinaghahanap. Sa nasabing bilang, 19 na ang kinumpirma ng NDRRMC habang bina-validate pa ang ibang iniulat na nasawi. Sa 14 na nawawala, labing tatlo ang kumpirmado na ng ahensiya. Nabatid na…
Read MorePangontra sa sexual abuse BABAENG PULIS SA CHECKPOINT
KUNG sadyang nais ng Philippine National Police (PNP) na matuldukan ang mga insidente ng pang-aabuso ng kapulisan sa kanilang mga itinakdang checkpoints, panukala ng isang kongresista – babaeng pulis ang italaga. Gayunpaman, may alternatibo si House strategic intelligence committee chair Rep. Johnny Pimentel, lalo pa aniya’t batid niyang limitado lamang ang bilang ng mga babaeng pulis sa hanay ng PNP. Giit niya, kung sadyang hindi kayang magdeploy ng all-women police sa mga checkpoint ng PNP, magtalaga ng isa sa bawat lugar kung saan mahigpit ang pagbabantay kaugnay ng patuloy na…
Read MoreCASH AID SA MAGSASAKA NA NAPINSALA NI ‘MARING’
DAHIL sa malaking pinsala sa agrikultura na aabot sa mahigit P600 milyon dulot ng bagyong Maring na rumagasa sa ilang lugar sa bansa, iginiit ni Sen. Cynthia A. Villar ang agarang pinansiyal na tulong sa mga Pilipinong magsasaka. Base sa pinakahuling data ng Department of Agriculture (DA), naapektuhan ng Bagyong Maring ang 29,063 magsasaka at mangingisda na ang volume ng production loss ay 36,354 metric tons (MT). Napinsala rin ang 32,882 ektaryang agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas. Bukod…
Read MoreP3.00 DAGDAG PASAHE TABLADO SA COMMUTERS
HAYAGANG tinutulan ng isang grupong kumakatawan sa mga pasaherong Pilipino ang isinusulong ng mga tsuper na P3.00 dagdag pasahe sa minimum fare. Sa isang pahayag, nilinaw ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na hindi sila kontra sa petisyon para sa dagdag pamasahe lalo pa’t lingguhan na ang naitatalang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo. Gayunpaman, dapat umanong bigyang proteksyon at unawain ang kinasasadlakan ng mga pasahero. Matatandaang naghain ng petisyon ang ilang driver at operator sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para taasan…
Read MoreBilyong ‘off-budget’ na tubo itinulong sana sa mga pasyente DOH KINASTIGO SA PANININGIL NG GOV’T HOSPITALS
KINASTIGO ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DOH) kung paano nasisikmura ng mga pampublikong ospital na singilin pa ang kanilang pasyente ngayong may pandemya samantalang bilyon-bilyon naman ang “off-budget” na kita nito sa ilang nakaraang taon. Pinuna ito ni Lacson nitong Miyerkoles sa kanyang interpelasyon sa panukalang badyet ng Department of Health (DOH) para sa 2022. Giit ni Lacson, kung malaki naman pala ang kinikita nila ay pwede itong pambayad sa mga gastusin sa ospital ng mahihirap na pasyente lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa…
Read More