FACE SHIELDS DEPENDE SA ESTABLISHMENTS

0 MAAARING i-require ng mga negosyante sa ilalim ng alert level 2 at 3 ang paggamit ng face shields sa kanilang mga empleyado at customers. Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay kasunod ng hakbang ng Pilipinas na higpitan ang border control at minimum public health standards dahil sa Omicron variant. “Sa closed settings pinag-uusapan kung kailangan but one thing is for sure, based on our latest IATF resolution, employers and establishments may require face shields for the protection of their customers, employees,”…

Read More

Kapag tagumpay ang 3-day Nat’l Vax campaign MANDATORY VAX ‘DI NA KAILANGAN

0 TATAPUSIN muna ng pamahalaan ang three-day nationwide vaccination drive bago magdesisyon kung ikakasa ang mandatory COVID-19 vaccinations sa bansa. Ito ay dahil maaaring hindi na ikonsidera ang naturang plano sa sandaling makitaan ng magandang bilang ng mga nagpabakuna ang ikinasang kampanya. “We still continue to discuss that (mandatory COVID-19 vaccinations) inside the [Inter-Agency Task Force],” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Gayunman, ang bagong Omicron coronavirus variant ay panibagong factor na maaaring makapag-impluwensiya sa nasabing desisyon. “So, at the end of the day, as President…

Read More

DAILY WALK-IN SA VACCINATION DEPENDE SA LGUs

0 DEPENDE na sa Local Government Units (LGUs) kung papayag itong gawin ang daily walk-in vaccination kahit tapos na ang 3-day National Vaccination day. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang mga LGU naman ang nasa ground kaya’t ang mga ito ang nakaaalam kung ano ang dapat ipatupad. Mataas na rin naman aniya ang vaccine supply ng bansa kaya’t kakayanin din na mas buksan pa ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang programa para sa pagbabakuna. Sa ikinasang Bayanihan, Bakunahan ay pinapayagan ang walk in…

Read More

BAKIT NAGDIDIKTA ANG CHINA?

0 SA isang budget hearing sa Senado may nabanggit na tutol daw ang China na rebyuhin at amyendahan ang 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at United States (US). Hindi lang ‘yan, noong bumili ang Pilipinas ng 12 fighter jet sa South Korea, nagalit ang China at tinangkang harangin ang procurement na ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang modernisasyon kaya mukhang nakikialam sila sa ating bansa. Nagtataka lang ako, anong karapatan ng China na panghimasukan ang internal affairs ng Pilipinas at hindi…

Read More

3 MAYOR NG PASAY

Fernan Angeles

0 MALINAW ang probisyon sa ilalim ng Local Government Code na nagtatakda lamang ng isang punong ehekutibo sa bawat lokalidad, batas na tila napaglaruan sa Pasay City kung saan may tatlong gumaganap na alkalde – sina Mayor Emi Calixto-Rubiano at dalawang kaanak na kumokolekta sa mga ka-transaksyon ng pamahalaang lungsod. Sa impormasyong nakalap ng Insider, ang dalawang iba pang “mayor” ng Pasay ay hindi iba kay Mayor Emi Calixto-Rubiano at kilala sa tawag na Tere at Prince na ­kapwa kamag-anak ng alkalde. Ang siste, karamihan ng mga opisyal na transaksyon…

Read More

PINOY SOLID BBM-SARA TANDEM NA?

0 LALO pang lumakas ang Bongbong Marcos-Inday Sara Tandem (BBM-SARA) matapos tuluyan nang umatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo si Sen. Lawrence “Bong” Go kamakalawa. Binasa ni Go sa harapan ng mga taga-media ang kanyang statement sa pag-atras niya sa kanyang kandidatura. Binanggit niya na sa tuwing umuuwi siya sa kanyang pamilya ay lagi niyang iniisip ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo. Aniya, hindi naman siya politiko at ordinaryong mamamayan lamang siya at hindi kilala ang kanyang pamilya sa pulitika. Naaawa raw siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang itinuring na pangalawang…

Read More

HAMON SA PAPALIT NA PANGULO

0 HINDI magiging madali para sa susunod na Pangulo ng Republika ang kahaharaping suliranin iiwan ng administrasyong Duterte – sandamakmak na pagkakautang, kawalan ng hanapbuhay, droga, kaayusan, katiwalian, ang pananakop ng Tsina at patuloy na banta ng pandemya. Ang masaklap, dobleng hirap na ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng pamahalaan dahil sa laki ng salaping kailangang bayaran ng susunod na ­administrasyong sukdulang kumanlong ng mga tiwaling nasa likod ng kabi-kabilang katiwalian. Pondong dapat sana’y magagamit para maibsan ang kahirapan, kawalan ng hanap­buhay, pabahay, edukasyon, kalusugan at kabuhayan sa…

Read More

Naunahan ng mga sundalo 8 NPA PATAY SA ILOILO RAID

0 NAGAWANG pasukin ng mga tauhan ng Philippine Army ang pinagtataguan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nauwi sa bakbakan at ikinasawi ng walo sa mga rebelde kahapon ng umaga sa lalawigan ng Iloilo. Dahil sa pagkalagas ng walong rebelde, pinaniniwalaang napigilan ng militar ang bantang pag-atake ng NPA para patampukin ang Communist Terror Group’s (CTG) founding anniversary. Sinasabing target ng CPP-NPA ang military patrol base sa Miag-ao, Iloilo subalit may mga sibilyan na agad nagsumbong hinggil sa presensiya ng mga armadong rebelde na natukoy na…

Read More

2 PATAY SA BLIND CURVE

0 PATAY ang dalawang lalaki sa salpukan ng isang pick-up truck at wing van truck sa bayan ng San Isidro sa Northern Samar, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Lando Lance Dolino, 51-anyos at Jake Gatilla, 20-anyos, kapwa kasama sa walong sakay ng pick-up. Dinala rin sa pagamutan para masuri ang iba pang mga pasahero ng nasabing pick-up truck. Ayon sa paunang imbestigasyon na isinumite ng Northern Samar PNP sa Police Regional Office 8, nangyari ang insidente bandang alas-1:40 ng hapon sa kahabaan…

Read More