KINASTIGO ng isang militanteng kongresista ang pasya ng Department Of Health (DOH) na itigil ang paglalabas sa social media ng arawang datos ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taon. Giit ni House deputy minority leader Carlos Zarate, isang malinaw na pag-iwas sa posibilidad na muling masisi ang polisiyang inilabas ng DOH na una nang nagsabing hindi na maglalabas ng arawang case bulletin ng mga positibo ang kanilang departamento simula sa unang araw ng Enero. “Dapat nga ay ngayon mas magpakasipag ang…
Read MoreDay: December 28, 2021
HONTIVEROS, NAGPIYANSA SA KASONG WIRETAPPING
NAGHAIN na ng piyansa si Senador Risa Hontiveros sa kanyang kasong wiretapping na inihain ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Inilabas ni Presiding Judge Rechie Ramos-Malabanan of Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 46 ang bail order makaraang magbayad ang senadora ng P36,000 upang maisantabi ang warrant of arrest laban sa kanya. Itinakda naman ang arraignment at pre-trial conference ng kaso sa January 21, 2022. Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y paglabag ng mambabatas sa Republic Act No. 4200 o Anti-Wire Tapping Act batay sa akusasyon ni Aguirre dahil…
Read MoreMga kontrobersyal at tampok na balita sa 2021 COVID-19, PDEA-PNP SHOOTOUT, WPS (Unang bahagi)
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI hamak na mas mainam ang taong 2021 para sa mga Pilipino sa gitna ng kabi-kabilang pagsubok bunsod ng pandemya, usaping soberanya, katiwalian, krimen, terorismo, karahasan lugmok na ekonomiya at maruming pulitika. Bagamat nananatiling banta pa rin ang pandemya, naibsan ang pangamba sa pagdating ng bakuna, habang patuloy naman ang pambabarako ng mga Tsino sa karagatang pasok at pinagtibay na sakop ng ating teritoryo. Sa katiwalian, walang nagbago – nanatili ang walang habas na nakawan sa gobyerno, ayon mismo sa ulat ng Commission on Audit (COA),…
Read More5-EKTARYANG LUPANG GOBYERNO IPINAMAHAGI SA MGA RESIDENTE
TAYTAY, Rizal – Higit pa sa asam na regalong karaniwang natatanggap sa panahon ng Kapaskuhan, ang magkatuwang na iginawad ng lokal na pamahalaan at mga ahensyang may mandatong kaugnay ng palupa at pabahay, ang pagpapamahagi ng lupang kinatitirikan ng mga kabahayan sa Sitio Tapayan, Barangay Sta. Ana. Sa isang kalatas, binigyang pagkilala ng mga residente ng Samahang Masigasig ng Sitio Tapayan Homeowners Association (SAMATHOA) sina Taytay Mayor Joric Gacula, Undersecretary Benny Antiporda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Presidential Commission on Urban Poor (PCUP) Chairman Alvin Feliciano,…
Read MoreP16K DROGA NAKUMPISKA NG PNP-PRO5 SA CAMSUR
TINATAYANG 1.91 gramo ng umano’y shabu na P16,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng PNP-PRO5 noong Disyambre 27, 2021 sa Zone-4, Brgy. Baras, Canaman, Camarines Sur. Ang suspek ay kinilalang si Rogelio Rodriguez Basbas Jr. alyas “Jojo Basbas”, 52-anyos, may asawa, at residente ng Zone 1, ng nabanggit na lugar. Ang nasabing indibidwal ay nadakip sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP-PRO5 na pinangunahan ng Canaman MPS. Kasalukuyang nasa kustodiya ng nabanggit na istasyon ang suspek at nahaharap sa kasong…
Read More6 TODAS, 9 SUGATAN SA MINI BUS SA PAMPANGA
MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring pagsalpok ng minibus sa isang tricycle at kolong-kolong bago tinamaan ang isang waiting shed at poste ng kuryente na naging sanhi ng kamatayan ng anim katao at pagkasugat ng siyam na iba pa noong Linggo ng hapon sa Lubao, Pampanga. Ayon sa inisyal na report, bandang alas-4:30 ng hapon nang biglang salpukin ng rumaragasang Oster Line minibus ang tricycle at isang kolong-kolong (motor na may side car) at nakaladkad ang mga ito. Nabatid mula kay Police Lt. Col. Julius Javier, hepe ng Lubao Police,…
Read MorePHILHEALTH SUBSIDY SA 2022, P80-B NA – DEFENSOR
BINUHUSAN ng Kongreso ng halos P80 bilyong subsidy ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon. “The money is for the insurance coverage of millions of so-called indirect contributors, including indigent citizens, the elderly and unemployed persons with disability,” ani Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor. Ayon sa mambabatas, may kabuuang P79,990,995,000 ang subsidy na ibinigay sa PhilHealth na nakapaloob sa P5.024 Trillion national budget sa susunod na taon na inaprubahn ng Kongreso noong December 15. Mas mataas ito ng P8.368 billion mula sa P71.353-billion subsidy ngayong 2021 na…
Read MorePOSITIBO SA OMICRON NADAGDAGAN ULIT
MULING nadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na positibo sa mas nakakahawang Omicron variant, ayon mismo sa Department of Health (DOH). Ang huling biktima – asawa ng ika-apat na biyaherong inanunsyong positibo ng kagawaran nito lamang nakaraang Lunes. Sa tala ng DOH, lima na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng Omicron variant na ayon sa mga eksperto ay 500 ulit na mas nakakahawa kumpara sa Delta variant. Pagtitiyak naman ni Health Undersecretary Rosario Vergeire, natunton na nila ang mga close contacts ng 38-anyos na babaeng bumiyahe papasok sa bansa…
Read MoreBAGONG MANILA ZOO BUBUKSAN NA
NAKATAKDANG bumida ulit sa hanay ng mga kabataan at estudyante ang isang pasyalang naging bahagi ng kasaysayan mula taong 1959 – ang Manila Zoo. Subalit hindi tulad ng dati, mas pinaganda ang bagong Manila Zoo na muling bubuksan sa publiko simula sa Disyembre 30, kasabay ng taunang paggunita ng Rizal Day, ayon mismo kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng direktibang pagrerebisa ng singil sa pasilidad na tahanan ng mahigit 1,000 hayop mula sa tinatayang 90 animal species. Sa isang kalatas, inatasan ni Moreno ang Manila City Council…
Read More