WIGGINS BIDA SA PANALO NG WARRIORS VS ROCKETS

MAY season-best 36 points si Andrew Wiggins at tinablahan ang career high eight ­3-pointers sa pagtimon sa Golden State Warriors kontra Houston Rockets, 120-101, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa San Francisco. Hindi nagpahuli sa ikalawang gabi ng back-to-back ng GSW si Stephen Curry, umiskor ng 30 puntos at mayroon din eight 3-point baskets at 10 assists. Naging starter si Jordan Poole (kahalili ni Klay Thompson) at nagdagdag ng 21 points at five assists, makaraan ang 30-point performance off the bench at season-high seven 3s kamakalawa kontra Chicago Bulls.…

Read More

Kaso isasampa na rin ng BOC P30-M WHITE ONION TIMBOG SA TONDO

SA kabila ng paghihigpit na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC), nagawa pa rin ng isang sindikato maipuslit sa bansa ang hindi bababa sa P30 milyong halaga ng puting sibuyas na pangunahing sangkap sa mga pagkaing ihahanda sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon. Gayunpaman, tiniyak ng pamunuan ng BOC na agad na bubusisiin ang onion smuggling sa isang imbestigasyon, kasabay ng pagtitiyak na pananagutin ang mga responsab­le sa naturang bulilyaso. Kasama ang Department of Agriculture (DA), DA Wide Field Inspectorate (WFI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Coast…

Read More

Jewelry smuggling dati na sa paliparan SINDIKATO SA NAIA TATALUPAN NG BOC

HINDI pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng bigong tangkang pagpupuslit ng nasa P80-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nito lamang nakaraang buwan. Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante na matagal nang kalakaran ang operasyon ng isang sindikatong binubuo ng mga negosyante at gumagamit ng mga airline personnel sa jewelry smuggling. “Matagal na ‘yan. ‘Yung nangyari nu’ng November, hindi ‘yan ang unang pagkakataon na nagparating sila ng mga alahas. Nagkataon lang na nabulaga sila ng mga awtoridad,” sambit ng…

Read More

23 TARANTULA SABAT SA NAIA

BULILYASO sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng nakamamatay na gagamba sa Ninoy Aquino International Airport kama­kailan. Sa kalatas ng BOC, 23 tarantula na idineklara bilang “snacks and other foodstuffs” ang nasabat sa Central Mail Exchange Center. Sa imbestigasyon, lumalabas na isang consignee mula sa Lungsod ng Makati ang umangkat ng mga nakalalasong gagamba mula pa sa bansang Vietnam. Agad namang inilipat ng BOC-NAIA ang kustodiya ng 23 tarantula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa angkop na pangangalaga. Pagtitiyak…

Read More

Bagong Port Control Office inilunsad BOC-DAVAO TUTOK SA DRUG SMUGGLING

SA hangaring wakasan ang pagpasok ng droga sa ga­wing katimugan ng bansa, isang makabago at pinalakas na Port Control Office (PCO) ang ibinida ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) kamakailan. Sa pormal na pasinaya ng BOC-Davao sa “bagong tanggapan,” tiniyak ni District Collector Erastus Sandino Austria na pagtutuunan ng kanyang nasasakupang distrito ang kampanya kontra droga ng administrasyong Marcos. Kabilang sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta sa makabagong PCO ang mga kinatawan mula sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at World Container Control…

Read More

Babala ni Ruiz sa mga smuggler BILANGGUAN NAGHIHINTAY

Ni JOEL O. AMONGO MAHABA-HABANG bakasyon sa likod ng malamig na rehas ang salubong ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok ng bagong taon para sa mga sindikato sa likod ng mga puslit-kontrabando – at ma­ging sa hanay ng mga tiwali sa gobyerno. Pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kilala na niya ang mga tao sa likod ng mga illegal smuggling activity sa iba’t ibang sulok ng bansa, kasabay ng babala sa napipintong pag-aresto sa smugglers na nasa kanyang talaan. Gayunpaman, nilinaw ni Ruiz na may pagkakataon pa naman…

Read More

29 SABUNGERO BINITBIT NG CIDG

CAVITE – Nabulaga ang 29 mga sabungero kabilang ang pitong senior citizen, nang bitbitin ng mga tauhan ng Cavite Police sa aktong nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga . Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng Oplan Roulette  ang  pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite PFU; CIDG RFU4A RSOT, PMFC Cavite, GMA MPS at S2 Cavite, sa Block 22, Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite kung saan naaktuhan ang mga sabungero habang nagsasagawa ng tupada.…

Read More

PNP OFFICIAL KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT

Camp Vicente Lim, Laguna – Kinasuhan ng sexual harassment ng isang student trainee ang isang opisyal ng Philippine National Police sa Bacoor, Cavite. Nahaharap si Chief Master Sergeant Romar Sinnung, 47-anyos, ng Bacoor Cavite Police, sa kasong paglabag sa Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1195, na isinampa sa Provincial Prosecutor’s Office noong Disyembre 1. Nag-ugat ang kasong sexual harassment na iniharap ng isang 23-anyos na estudyante makaraang hawakan umano ng suspek ang likod, binti at dibdib nito noong Oktubre 11 at 13, 2022, at nasundan pa noong…

Read More

MASBATE INUGA NG 2.8 MAGNITUDE QUAKE

NIYUGYOG ng 2.8 magnitude na lindol ang Masbate City nitong Lunes ng madaling araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 3 na lindol sa Silangang bahagi ng Masbate City dakong alas-4:35 ng madaling araw nitong Disyembre 5, 2022. Ayon sa Phivolcs, ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 007 kilometer. Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. (PAOLO SANTOS) 203

Read More