TULAD ng inaasahan, tuluyan nang pinagtibay kahapon sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na nagpapatawag ng Constitutional convention (Concon) na siyang mag-aamyenda sa 1987 Constitution. “With three hundred one (301) voting in affirmative, six in the negative and one abstention, Resolution of Both House (No. 6) is hereby adopted,” deklarasyon ni House Speaker Martin Romualdez. Bago ang sesyon, dakong alas-dos ng hapon ay nagpatawag ng caucus ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni Romualdez kung saan inanunsyo ni Majority Leader Manuel Jose…
Read MoreDay: March 6, 2023
MASTERMIND SA DEGAMO SLAY TUKOY NA
(BERNARD TAGUINOD) MAY mukha na kung sino ang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Ito ang kinumpirma kahapon ni House Speaker Martin Romualdez subalit tumanggi itong magbigay ng detalye ukol sa umano’y mastermind. “May mga importanteng leads na ang mga imbestigador kung sino ang mastermind ng krimen na ito. They are working round the clock at the moment for case build up,” ani Romualdez. Noong Sabado, Marso 4, ay pinasok ng armadong kalalakihan ang compound ng pamilya Degamo sa Brgy. San Isidro, Sto. Nueve, Pamplona at pinagbabaril…
Read MoreMGA LANSANGAN HINDI NAPARALISA SA TRANSPO STRIKE
HINDI masyadong naramdaman ang unang araw ng transport strike na ikinasa ng mga operator at tsuper nationwide dahil marami pa rin ang bumiyahe. Ayon kay Joel Bolano, Technical Division Chief ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 10 percent lamang ng ruta sa National Capital Region (NCR) ang naapektuhan habang 5 percent sa buong bansa. Maliban sa NCR, bahagyang naapektuhan ang biyahe sa Region 4-A o Calabarzon subalit wala namang iniulat na stranded na mga commuter dahil agad nakapagpadala ng rescue vehicle ang mga Local Government Unit. Nauna nang…
Read MoreALL OUT WAR LABAN SA GUN FOR HIRE PINAKAKASA
(DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Francis Escudero ang mga awtoridad na maglunsad ng all-out war laban sa gun-for-hire syndicates at dito gamitin ang intelligence funds. Sa gitna ito ng paggiit ni Escudero na tanging pagtukoy at pagbuwag sa grupo ng hired killers ang makakapigil sa serye ng assassination na nangyayari ngayon sa bansa. Ayon kay Escudero, ang brutal na pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng kanilang tahanan ay isa sa mga senyales na nagiging cottage industry sa bansa ang gun for hire. Kaya kahit mahuli…
Read MoreANG DAMING NEGATIBONG GANAP
DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG daming ganap sa Ina kong Bayan…mga ganap na puro negatibo kaya parang nagkakatotoo ang kasabihan na “When it rains, it pours” pero ang bumubuhos ay masama o kasamaan. Ilang buwan tayong diniyeta sa sibuyas dahil sa hoarding para marahil kumita ang smugglers na hanggang ngayon ay wala pang nahuhuli kahit isa at bagama’t nag-iimbestiga na ang Kongreso, mukhang wala pa ring mangyayari. Hindi pa rin bumababa ang inflation rate na lalong nagpahirap sa mga tao na mula noong maupo ang administrasyong Marcos ay hindi na…
Read MoreLOTTENG QUEEN NG MALABON, NAVOTAS UNTOUCHABLE?
PUNA Ni JOEL AMONGO MASUSUBUKAN ngayon sa bagong pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung magiging untouchable pa rin itong tinaguriang Lotteng Queen ng Malabon at Navotas na si alyas “Dimple”. Noong nakaraang Biyernes ay nanungkulan si NCRPO Director Major General Edgar Alan Okubo matapos niyang palitan si Maj. Gen. Jonnel Estomo na ngayon ay bagong PNP Deputy Chief for Operations. Ipinagyayabang kasi nitong si alyas “Dimple” na kaya untouchable ang kanyang lotteng ay dahil kilala niya at malapit siya kina Malabon City Mayor Jennie Sandoval at Navotas…
Read MoreJEEPNEY MODERNIZATION NARARAPAT BA?
Kaalaman Ni Mike Rosario JEEPNEY modernization, saan ba talaga ito nagsimula? Sa ating KAALAMAN, tinatangkilik naman ng mga tao ang traditional na jeep at kahit ang mga turista na pumupunta dito sa ating bansa, ay alagang jeep natin ang una nilang tinitingnan, at sinasakyan pa ng ilang foreign celebrity. Nilalagay pa nila ito sa kanilang Instagram profile, jeep na sa mahabang panahon ay minamahal ng ating mga kababayan. Jeep na naging pundar o yaman na rin sa iba na nakakita at nakapagsimula ng ganitong klase ng hanapbuhay. Kailangan nga ba talaga…
Read MoreNAGLAHONG KREDIBILIDAD NG NEDA
PAGDATING sa kredibilidad, isa marahil sa mga unang pumapasok sa isipan ng mamamayan ang National Economic and Development Authority (NEDA). Dangan naman kasi, ang bawat datos na inilalabas, sadyang bunga ng maingat at mabusising pag-aaral. Buwan ng Hunyo ng taong 2018 nang maglabas ng pahayag ang NEDA hinggil sa usapin ng kitang sapat para mabuhay ang isang ordinaryong pamilya. Ayon kay dating Socio Economic Planning Sec. Ernesto Pernia, kailangang kumita ng P42,000 kada buwan ang isang ordinaryong pamilya para sumapat sa kanilang pangunahing pangangailangan. Kung pagbabasehan aniya ang Republic Act…
Read MoreRUBIO BIGLANG DALAW SA NAIA
SA hangaring tiyakin ang kaayusan sa implementasyon ng mga batas at reglamentong kalakip ng kalakalan sa mga paliparan at pantalan, binisita kamakailan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang tanggapan ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Paglilinaw ni Rubio, nais lamang niyang siguraduhing nasa ayos ang pangangasiwa ng Port of NAIA, kasabay ng papuri kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan sa aniya’y repormang inilatag sa naturang distrito. Bukod sa tanggapan ni Talusan, pinasadahan din ng BOC chief ang mga warehouse sa bisinidad ng paliparan. Kabilang sa mga binulaga ni…
Read More