MALAMANG sa hindi, magiging bahagi ng mga murang paninda ng Kadiwa ng Pangulo ang nasa 30,000 sako ng asukal na nasilat ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City kamakailan. Sa kalatas ng BOC-Port of Subic, aabot sa P150 milyon ang kabuuang halaga ng mga “refined white sugar’ na nadiskubre sa 58 dambuhalang containers na nakabarega sa naturang pasilidad. Ayon kay BOC-Subic District Collector Maritess Martin, isang timbre mula sa Department of Agriculture (DA) ang nagtulak sa kawanihang pinamumunuan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio para…
Read MoreDay: March 6, 2023
BOC HUMATAW, P63B NAKALAP SA BUWAN NG PEBRERO – CFSO
HINDI naging balakid sa Bureau of Customs (BOC) ang kabi-kabilang intrigang ipinupukol ng mga senador at kongresista. Katunayan, higit pa sa itinakdang target collection para sa buwan ng Pebrero ang naitala ng kawanihang pinamumunuan ngayon ni Commissioner Bienvenido Rubio. Sa datos ng Customs Financial Service Office, umabot sa P63.015 bilyon ang kabuuang pondong nalikom ng ahensya para sa buwan ng Pebrero – labis pa ng P1.88B kumpara sa P61.827B February target collection. Sa pagsusuri ng naturang tanggapan, lumalabas din na mas mataas ng P3.58B ang February collection ng BOC kumpara…
Read MoreP1.4B SMUGGLED YOSI, KUMPISKADO SA SULU
Ni JOEL O. AMONGO MATAPOS magpaandar sa nalikom na pondo para sa buwan ng Pebrero, humataw ang Bureau of Customs (BOC) sa isang operasyon sa lalawigan ng Sulu kung saan kumpiskado ang tumataginting na P1.4-bilyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo. Sa kalatas ng BOC, Marso 2 nang pasukin ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Division (CIIS) sa bisa ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang isang bodega sa Barangay Kajatian sa bayan ng Indanan. Ayon kay Rubio, isang timbre ng kanilang impormante…
Read MoreBAGONG CAPIZ ARCHBISHOP ITINALAGA NI POPE FRANCIS
NAGTALAGA na si Pope Francis ng bagong Capiz Archbishop. Ito ang ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) makaraang italaga ng Santo Papa si Bishop Victor Bendico. Bago ang kanyang pagkakatalaga, ang 63-anyos na Obispo ay nagsilbi bilang Obispo ng Diocese of Baguio simula 2017. Siya ang ika-apat na Archbishop ng Capiz. Naging “sede vacante” ang Capiz Archdiocese , isang termino para sa estado ng isang diyosesis na walang obispo, sa loob ng dalawang taon matapos itong bakantehin noong 2021 ni ngayon ay Manila Archbishop Jose Advincula. Simula noon, ang archdiocese ay pinangasiwaan ni Monsignor Cyril Villarreal. Ipinanganak si Bendico…
Read MoreBOGA NI KAP TINANGAY NG AKYAT-BAHAY
CAVITE – Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang hinihinalang akyat-bahay na tumangay sa dalawang baril ng isang barangay chairman sa Tagaytay City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Arnaldo Rotap y Quiazon ng Brgy. Maitim ll West, Tagaytay City, Cavite, at San Diego St., Sampaloc, Manila. Inilarawan ang suspek na isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at tinatayang may taas na 5″4. Ayon sa reklamo ni Kap kay Corporal Dexter II Alibutdan ng Tagaytay City Police, alas-3:15 ng madaling araw nang nagising siya…
Read MoreOIL SPILL SA ORIENTAL MINDORO POSIBLENG UMABOT SA PALAWAN
NAGBABALA ang DENR at UP Marine Science Institute na posibleng umabot sa coastal communities partikular sa mga nasa eastern at southern sides ng Oriental Mindoro ang oil spill na nagmula sa lumubog na tanker na MT Princess Empress. Una nang ibinabala ng DENR ang pagtama nito sa northern part ng Antique kasama ang Liwagao island, Caluya at Semirara island kung saan noong Sabado ay umabot na ang oil spill sa nasabing sa mga lugar. Nasa mahigit 5 kilometro na sa mga baybaying dagat ng ilang barangay sa bayan ng Caluya, Antique ang naabot ng…
Read MorePCSA KONTRA SA ILANG PATAKARAN NG PPA
NANINDIGAN ang Philippine Coastwise Shipping Association o PCSA sa kanilang mariing pagtutol sa ilang kautusan o patakaran ng Philippine Ports Authority o PPA. Ayon kay PCSA administrator Edgardo Nicolas, naglabas na sila ng “position paper” kontra sa electronic o e-ticketing system at pagpapataw ng sobrang taas na “port fees.” Nakasaad dito na ang mga nabanggit ay “pahirap at pabigat” lamang at mayroong masamang epekto. Wala ring naganap na konsultasyon sa iba’t ibang masasapol. Sila aniya sa PCSA, na pinaka-malaking shipping association sa Pilipinas, ay naniniwalang pumalo pa lalo ang “port…
Read MoreTNVS GROUPS: PAGPAPAGAAN SA FRANCHISING REQUIREMENTS LILIKHA NG DAGDAG-TRABAHO
IKINATUWA ng grupo ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS) ang streamlining sa pagkuha ng prangkisa ng kanilang hanay na makatutulong anila para makalikha pa ng mas maraming trabaho. Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni TNVS CommUNITY representative and TNVS Alliance PH Chairperson Aylene Paguio si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III at mga miyembro ng LTFRB Board “for heeding to our call to ease the process of applying for a new Certificate of Public Convenience (CPC) for encumbered units.” Ito ay matapos alisin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board…
Read MoreVAWC OFFENDER TIKLO SA MPD-DPIOU
NABITAG ng mga operatiba ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang isang 36-anyos na chef sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) sa loob ng isang restaurant sa Gatan Village, Burgos Avenue, Good Samaritan, Cabanatuan City noong Sabado ng gabi. Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Unit ng MPD, ang suspek na si Gaudioso Alburo Jr., may asawa ng Macatbong, Cabanatuan City. Batay sa ulat ni Police Captain Rufino Casagan, hepe ng DPIOU, kasama niya si Police…
Read More