SA hangarin na tuluyang mapuksa ang mga sindikato sa likod ng online sexual abuse and exploitation sa hanay ng mga kabataan, dagdag-pondo ang hirit ng isang mambabatas sa pamahalaan para matustusan ang implementasyon ng mga angkop na estratehiyang magbibigay proteksyon sa tinaguriang ‘millennials.’ Para kay Rizal 4th district Rep. Fidel Nograles, hindi dapat ipagwalang bahala ng pamahalaan ang banta sa kinabukasan ng mga tinawag niyang ‘pag-asa ng bayan’ – bagay na aniya’y matutugunan lamang kung may sapat na pondong paghuhugutan. “We have already come up with the law. Now we…
Read MoreDay: March 29, 2023
SERBISYO SA 4 NEW BARANGAYS NG SJDM CITY MAPADADALI
MAS mapapadali ang serbisyo sa mga residente sa Barangay Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan matapos ang matagumpay na plebesito noong nakaraang linggo para hatiin ito sa apat na barangay. Ito ang tinuran ng mag-asawang San Jose del Monte City Rep. Florida Robes at Mayor Arthur Robes kaugnay ng katatapos na plebisito na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec). “This is a step towards development in terms of delivery of basic services to the newly formed barangays,” ani Rep. Robes kung saan 30.44% o 13,322 sa 43,771 registered voters…
Read MoreDLSU GRADUATING STUDENT PATAY SA AKYAT-BAHAY
WALA nang buhay nang matagpuan ang 24-anyos na graduating student bunga ng 14 tama ng saksak mula sa hindi pa nakikilalang suspek na pumasok sa dormitoryo sa Dasmarinas City sa lalawigan ng Cavite. Kinilala ang babaeng biktima na si Leanne Duguesing, isang graduating student ng De La Salle University sa kursong Computer Science. Sa imbestigasyon ng pulisya, kinabukasan pa ng hapon nang makita ang halos walang saplot na bangkay ng biktimang tinadtad ng saksak sa loob ng silid ng dormitoryong inuupahan sa Barangay Sta. Fe ng nasabing lungsod. Batay sa…
Read More3 TULAK ARESTADO SA P3.4-M SHABU SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang mga drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa harapan ng isang convenience store sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Saidamen Balbal y Andam, 24; Eugene Coyoca y Dagame, 32, at Samroding Macalnas y Bundas, 28-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang makipag-ugnayan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pampanga sa PDEA Regional Office 4A Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA Cavite Police Office, at Dasmariñas City Police, hinggil sa isasagawang buy-bust…
Read MoreP2.65-M COCAINE NASABAT SA LAGUNA
LAGUNA – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa bentahan ng cocaine sa mga disco club at pub sa Metro Manila at Angeles City, sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang sikat na theme park sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City sa lalawigang ito. Ang operasyon ay isinagawa ng magkatuwang na mga operatiba ng PDEA Region III – Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON, at ng Sta. Rosa Police dakong alas-10:40 ng gabi malapit sa parking lot ng Enchanted Kingdom sa nasabing lungsod. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Aaron…
Read More56 RETIREMENT AGE MALAPIT NANG MAGING BATAS
BERSYON na lamang ng Senado ang hinihintay at maaari nang makapag-retire nang mas maaga o sa edad 56-anyos ang mga tauhan ng gobyerno partikular ang public school teachers. Bago nag-adjourn ang Kongreso ay pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 206 na inakda ng Makabayan bloc, sa botong 268 pabor at isa ang kontra. Layon nito na amyendahan ang Section 13-A ng Republic Act 8291 o “The Government Service Insurance System Act of 1997” upang ibaba sa 56-anyos ang optional retirement age ng government personnel mula sa kasalukuyang 60-anyos. Ginawa ang nasabing panukala upang mas…
Read More‘DI NAKAPAG-REMIT SA DROGA, TULAK TINANIMAN NG BALA
PATAY ang isang 36-anyos na lalaki makaraang barilin ng hinihinalang hitman nang hindi umano makapag-remit mula sa itinulak na 25 gramo ng shabu, sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Joseph Lao, residente ng Lico Street, Tondo. Samantala, patuloy na naghahanap ng testigo ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman. Nabatid sa ulat ni Det. Zoilo Nazario, may hawak ng kaso, si Lao umano ay hindi nakapag-remit ng benta ng droga kaya inutos ng notoryus na tulak na itumba na lamang…
Read MoreBATA INI-HOSTAGE NG NABURYONG NA AMA
NAHINTAKUTAN ang isang ginang nang tutukan ng tari ng manok ng kanyang live-in partner ang kanilang 6-anyos na anak na babae noong Martes ng hapon sa roof deck ng isang gusali sa Sampaloc, Manila. Gayunman, agad na natimbog ng nagrespondeng mga tauhan ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, ang suspek na kinilalang si John Eric Morales, 31-anyos, ng Sampaloc, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-2:57 ng hapon nang makatanggap ang duty desk officer na si Police Staff Sergeant Dave Pamintuan, ng tawag mula…
Read MoreSEGURIDAD SA SEMANA SANTA HIHIGPITAN NG MPD
MAS lalong maghihigpit sa seguridad ang buong pwersa ng Manila Police District sa buong lungsod sa nalalapit na “Semana Santa” o paggunita sa pagpapakahirap at pagkamatay sa krus ni Jesus. Iniuos ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa kanyang mga tauhan mula sa Station 1 hanggang Station 14, na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng seguridad 24/7. Nabatid mula kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), pangungunahan ng heneral ang pagpapaigting sa Bike Patrol sa darating na Lunes Santo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay sa Abril…
Read More