2 WANTED RAPIST ARESTADO SA CAVITE

CAVITE – Arestado ng Cavite Police sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang wanted sa kasong rape, kabilang ang no. 2 most wanted person city level, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang dalawang naaresto na si Carlo Mariano y Masanque, 23, at Joseph Leona y Glean, 46. Si Mariano ay inaresto dakong alas-1:00 hapon sa Brgy. Poblacion 4B, Imus City, ng Warrant Section ng Imus City Police at 401st A Maneuver Company RMFB 4A, sa bisa ng warrant of arrest dahil…

Read More

PBBM BIYAHENG UK AT INDONESIA NAMAN

MATAPOS ang four-day trip sa Estados Unidos, lilipad naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo sa United Kingdom at Indonesia. Si Pangulong Marcos ay tutungong UK sa May 5 para sa koronasyon ni King Charles III at sa Indonesia sa May 10 para sa kanyang partisipasyon sa 42nd ASEAN Summit. Inanunsyo ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay inimbitahan na dumalo sa King Charles III coronation ceremony sa May 6. Inimbitahan din ang mga ito na…

Read More

‘QUOTA SYSTEM’ SA WAR ON DRUGS NI DUTERTE IBINUKING

INAMIN ng isang mambabatas na dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na may quota ang mga ito noong kasagsagan ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pagdinig ng House committee on public order sa ‘illegal arrest” ng mga miyembro ng Drug Enforcement Group (DEG) ng PNP Region 4A sa dalawang inaresto ng mga ito na inakusahang nagtutulak ng droga sa Rizal, sinabi ni 1Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita na isa sa mga dahilan kung bakit nag-resign agad ito sa serbisyo ay dahil sa quota system. “Base…

Read More

Sahod sa Pinas pang-alipin CHI-CHA HINDI CHA-CHA SIGAW NG MANGGAGAWA

(BERNARD TAGUINOD) CHI-CHA o tsibog ang hinihingi ng mga manggagawa ngayong Labor Day at hindi Cha-cha o Charter change na itinutulak sa Kamara. Para sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), gutom ang inaabot ng mga manggagawa sa bansa dahil pang-alipin ang sahod ng mga ito lalo na sa sektor ng agrikultura. Kasabay nito, kinastigo ni KMP chairman Danilo Ramos ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pahayag ni Sec. Bienvenido Laguesma na walang iaanunsyong pagtaas ng sahod ngayong Labor Day. Ayon kay Ramos, umaabot lamang sa P335 ang…

Read More

Pagkakaisa at bayanihan sa ika-152 taon ng Montalban FORWARD NATURE NILARGA NI NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang pagtitipon ng mahigit anim na libong residente ng Montalban noong Huwebes (Abril 27), ng alas-6 ng umaga. Inilunsad ng mambabatas ang programang Forward Nature: Unity Walk and Tree Planting for Montalban Day sa Wawa, Brgy. San Rafael, Montalban bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng nasabing bayan na bahagi ng lalawigan ng Rizal. Sa pagdagsa ng mga lumahok sa programa, nanawagan si Nograles ng lubos na pagkakaisa at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at…

Read More

IKA-5 SUNOD NA TAONG PAGKILALA SA PLDT BILANG MAY PINAKAMABILIS NA SERBISYO NG INTERNET SA BANSA

SA GANANG AKIN TAYO ay namumuhay sa panahon kung saan marami sa atin ay dumedepende sa modernong teknolohiya gaya ng internet upang mas mapabilis at mapagaan ang ating mga pang araw-araw na gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Kaya naman hindi rin kataka-taka na itinuturing na kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga tao ang pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet. Batid ang hindi maitatangging katotohanang ito, ang PLDT Inc. (PLDT) bilang pinakamalaking digital service provider ng bansa, ay patuloy sa pagpapaigting at pagpapalawig ng pasilidad at serbisyo nito…

Read More

ANO NA BA ANG NANGYAYARI SA LTO?

MY POINT OF BREW MUKHANG kaliwa’t kanan ang problema ng LTO nitong mga nakalipas na buwan. Tila nahihirapan yata ang LTO na makagawa ng solusyon sa kakulangan ng suplay ng driver’s license at mga plaka ng sasakyan. Nagtataka lang ako dahil ang problemang ito ay matagal nang hinahanapan ng solusyon ng LTO noong panahon pa ng yumaong Pres. Noynoy Aquino. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ang lahat na ito noong nagdesisyon ang dating Department of Transportation and Communications (DOTC) noong panahon ni PNoy, na napapanahon na baguhin ang anyo at…

Read More

KAMPANYA LABAN SA PREVENTABLE DISEASES MAS PINAIGTING SA LALAWIGAN NG QUEZON!

TARGET NI KA REX CAYANONG MAS pinaigting ng lalawigan ng Quezon ang kampanya laban sa nakaambang banta ng outbreak ng vaccine preventable diseases. Kabilang sa mga sakit na ito ay ang polio, rubella, at tigdas. Kaya ayon kay Gov. Doktora Helen Tan, isinagawa kamakailan sa bayan ng Lopez ang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) upang mabakunahan ng mabisang panlaban ang mga bata mula sa mga nasabing sakit. Personal namang nagtungo si Gov. Tan sa aktibidad upang maiparating ang kanyang pagsuporta na malabanan at maiwasan ang nakatalang mga…

Read More

AYUDA LANG, DEDMA SA DAGDAG-SAHOD

WALANG dagdag-sahod, ngunit may ipamumudmod na pinansyal na ayuda ngayong selebrasyon ng Labor Day. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), bilang regalo ngayong Labor Day, ang DOLE ay magkakaloob ng P1.8 billion halaga ng financial aid, kabilang ang emergency employment at livelihood assistance. Ang cash-for-work program TUPAD ng DOLE ay magbibigay ng P100 million sweldo sa mga kwalipikado, habang maglalabas ang ahensiya ng P50 million para sa livelihood assistance sa mga trabahador sa buong bansa. Iba ang regalo na hinihingi ng mga manggagawa. May walong petisyon ang nakahain…

Read More