KAWALAN NG TEST OF ECONOMIC VIABILITY NG MIF, MAAARING IDULOG SA SC

MAAARING kwestyunin sa Korte Suprema ang ipinasang Maharlika Investment Fund ng Kongreso bunsod ng kawalan ng test of economic viability. Ayon kay Senador Chiz Escudero, ang test of economic viability ay isang dokumentong magpapatunay na kikita ang lilikhaing Maharlika Investment Corporation o MIC. Ipinaliwanag ni Escudero na isa ang test of economic viability sa mga requirement sa pagbuo ng Government Owned and Controlled Corporation. Sinabi ng senador, ginawa ito kasunod ng pagkalugi ng maraming Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) at binalikat ng taumbayan ang mga bayarin nito. “Kaya isa…

Read More

MGA BAGITONG PULIS, DI DAPAT ITALAGA SA DRUG ENFORCEMENT – BATO

pulis

KUNG si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang masusunod, hindi niya hahayaang maitalaga sa drug enforcement group ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagitong pulis o ang mga  patrolman at tinyente. Sinabi ni dela Rosa na panahon nang i-adjust ng PNP ang kanilang polisiya, kabilang ang vetting system kung sino ang dapat italaga sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Sa gitna ito ng pagkakasangkot ng maraming pulis sa sinasabing cover-up sa P6.7 bilyong shabu bust sa Maynila noong 2022. “Dapat nga, sabi ko nga, walang mga patrolman o tinyente…

Read More

2 TIRADOR NG KABLE NAHULI SA AKTO

kulong

SWAK sa selda ng Manila Police District Barbosa Police Station 14 ang dalawang indibidwal makaraang maaktuhang nilalagare ang internet cable noong Sabado ng madaling araw sa Sampaloc, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina “Edwin”, 39, construction worker, at isang alyas “Jester “, 20, binata, jobless. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD-Barbosa Police Station 14, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang kapwa matimbog ang dalawang suspek habang aktong nilalagare ang kable ng internet sa S.H. Loyola Street malapit sa Cayco St. sakop ng Barangay 457…

Read More

TULAK SA TONDO, 2 PA SWAK SA SELDA

SWAK sa selda ang target na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kasama ang isang security guard at vendor, sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Delpan St. at Claro M. Recto Avenue, Barangay 12, Tondo Manila, noong Sabado ng madaling araw Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District- Moriones Police Station 2, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ilatag ang buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Aye”, 25-anyos, gayundin ang kasama nitong sina alyas “Altazim”…

Read More

COASTAL ROAD/SEAWALL PROJECT SA QUEZON DUMAAN SA TAMANG PROSESO

ANOMANG araw ay maaari nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon III District Engineering Office ang bahagi ng 4.75 kilometrong Coastal Road at Seawall sa kahabaan ng coastal areas ng Catanauan, Quezon. Inaasahan na malaki ang maidudulot na pakinabang ng proyektong ito sa mga residente at turistang dumaraan sa lugar na ito ng Catanauan at maging sa progreso ng nasabing lugar sa usapin ng komersyo, kalakalan at turismo. Nabatid mula sa officer-in-charge ng mahigit P96M project na si District Engr. Jorge C. Pasia, dumaan sa tamang…

Read More

FIBA WORLD CUP SA AGOSTO, KUMUSTA NA?

MY POINT OF BREW NAPAKAGANDA ang nangyari sa atin, ilang linggo na ang nakalipas, nang bawiin natin ang kampeonato sa basketball sa 32nd Southeast Asian Games na ginanap sa Cambodia. Ang buong bansa ay nagsaya. Puno ng drama ang nangyari sa Gilas Pilipinas patungo sa finals ng men’s basketball laban sa koponan ng host country. Sentro ng usapan ay ang mga player ng Cambodia. Anim o pito yata sa kanilang manlalaro ay mga Amerikano at pinayagang maglaro para sa nasabing bansa. Naglabas kasi ng garapalang polisiya ang host country na…

Read More

PLDT magbibigay ng suporta sa e-GovPH Super App ng pamahalaan

SA GANANG AKIN INILUNSAD ng Administrasyong Marcos ang e-Gov PH Super App – isang mobile platform na dinisenyo upang maging mas madali ang pakikipagtransaksyon sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan. Layon rin nitong gamitin ang mga makabagong solusyon para sa information at communication technologies o OCT upang mas mapabuti ang serbisyo ng gobyerno sa publiko. Ang e-GovPH Super app ay isang one-stop shop para sa lokal at pambansang serbisyo ng pamahalaan. Kabilang sa mga transaksyong maaaring gawin dito ay ang pagpaparehistro ng SIM, access para sa mga serbisyo ng…

Read More

MGA PATAY NA ISDA LUMUTANG SA ILOG SA LUCENA CITY

NAGLUTANGAN ang mga patay na isda sa Iyam River sa Barangay 5, Lucena City, Biyernes ng umaga. Ayon sa mga residente malapit sa ilog, dakong alas-10:00 ng umaga nang mapansin nila ang mga nagsisipaglutangang isda na karamihan ay tilapia. Pinagkaguluhan ito ng mga residente at hinuli ang mga lumulutang na buhay pa. Marami naman sa mga patay ng isda ang inanod na lang ng tubig. Hinala ng mga residente, dulot ng mainit na panahon ang nagyaring fish kill. Ayon naman sa iba, posibleng kontaminado at polluted ang tubig kaya namamatay…

Read More

SINISIRAAN SI ATONG ANG SA ILLEGAL E-SABONG OPERATIONS

TARGET NI KA REX CAYANONG PATULOY raw pala ang operasyon ng illegal e-sabong sa buong bansa. At dahil sa nariyan pa rin daw ang operasyon nito, marami ang nasisirang buhay. May mga nababaon sa utang. Ang iba pa nga raw, nagagawang magnakaw para lamang maitustos sa kanyang kinahumalingang e-illegal sabong. Ang kasalukuyang pamahalaan ay tuloy-tuloy rin ang kampanya laban sa nangyayaring paglaganap ng illegal na e-sabong. Mahigpit namang pinabulaanan ng kampo ni Pitmaster Live chairman at well-known sabong personality Charlie “Atong” Ang ang kanyang involvement daw sa mga illegal e-sabong operations.…

Read More