NAGLABAS kamakailan ng hanay ng mga alituntunin ang Bureau of Customs (BOC) na nagbabalangkas ng mga kondisyon para sa pagkuha sa kagustuhang malunasan ang taripa sa ilalim ng bagong inimplementang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement. Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 12-2023 na may petsang Mayo 26, 2023, ang imported goods na nagmula sa anomang 15 member countries ay karapat-dapat mag-claim ng preferential tariff rates basta sa pamamagitan ng RCEP. Ang CMO ay nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, at naging epektibo noong Hunyo 2, 2023.…
Read MoreDay: June 6, 2023
MAGANDANG REVENUE COLLECTIONS NG BIR, BOC IBINIDA NG DOF
IBINIDA ng Department of Finance (DOF) ang revenue collections ng dalawang ahensiyang nasa ilalim nito. Kabilang sa mga ito ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Bureau of Customs (BOC), pawang nasa ilalim ng DOF. Sa apat na buwang revenue collections ng taon ng BIR at BOC, mula sa P1.26 trilyon ay tumaas ito ng P127.1 bilyon o 11.22% kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. “Our robust fiscal performance reflects the efforts of the Bureau of Internal Revenue and the Bureau of Customs in enhancing tax…
Read MorePASAHERONG DAYUHAN HULI SA P55.34-M SHABU
NADISKUBRE ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), kasama ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang shabu na nakalagay sa loob ng dalawang checked-in luggage ng isang pasahero sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 5, 2023. Ang luggage ay pagmamay-ari ng isang Liberian passenger na dumating sa Pilipinas via Qatar Airways flight number QR 934 mula Doha, Qatar, noong Hunyo 4, 2023. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, ang pasahero ay mula sa Lagos, Nigeria. Ang…
Read MoreYAMAN NG GOV’T OFFICIALS, EMPLOYEES ‘DI DAPAT IPAGYABANG
MARAMI ang nag-react sa ating mga tagasubaybay sa inilabas nating isang Bureau of Customs – District Collector na nag-assume lang sa bago niyang pwesto bilang district collector din, ay naka-helicopter pa. Ayon sa kanila, kung pag-aari ni Mr. Collector ang helicopter na sinakyan sa pag-assume niya sa bagong pwesto nitong nakaraan ay ipinagyayabang niya sa mga tao na marami siyang pera. Kung ipinahiram naman ito sa kanya ng kaibigan, may problema pa rin siya sa ilalim ng batas. At kung inupahan niya naman ito ay masyado siyang maluho, ayon pa…
Read MoreCOMELEC OFFICER BINASTOS, BRITON KINASUHAN
CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang British national at isang retired military officer sa United Kingdom, matapos pagbantaan na papatayin, binastos at hinaras ang isang babaeng Comelec Officer sa Cavite City noong Linggo ng umaga. Kasong unjust vexation at light threat ang kinahaharap ng suspek na si Paul Anthony Russel-Ware, may asawa, ng Brgy. 14, Cavite City dahil sa reklamo ni Jasmin Fernandez Gilera, 48, PWD, balo at isang Comelec Officer. Ayon sa reklamo ng biktima, dakong alas-11:00 ng umaga noong Mayo 26, 2023, nang mapansin nito na…
Read More6-ANYOS TOTOY NASAGASAAN PATAY
CAVITE – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki nang masagasaan ng isang Mitsubishi Xpander sa loob ng isang subdivision sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Saint Paul Hospital ang biktima dahil sa malubhang pinsala sa katawan. Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Xpander na si Joven Jersey Francisco, 37-anyos. Ayon sa ulat, minamaneho ni Francisco ang kanyang sasakyan sa loob ng Makati Drive City Homes sa Brgy. Sampaloc 4 at papalabas sa nasabing subdibisyon nang nabangga nito ang bata na naglalakad sa kalsada dakong alas-2:30…
Read MoreOR MINDORO GOV. DOLOR HINAMONG PANINDIGAN PAGPAPATIGIL SA JUETENG
HINAMON ng mga taga Oriental Mindoro ang kanilang gobernador na si Humerlito Dolor na panindigan ang pagpapatigil sa operasyon ng jueteng sa lalawigan. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, ilang araw nang tigil ang operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro matapos mapatay nitong Mayo 31, ang radio broadcaster na si Cris Bunduquin. Gayunman, duda ng mga impormante ay posibleng pansamantala lang ito habang pinaplantsa umano ng hindi pinangalanang maimpluwensyang politiko ang operasyon ng ilegal na sugal. Ayon sa mga nagrereklamo laban sa jueteng, kailangan kumilos si Dolor upang mabura sa…
Read MoreSa tagal bago pinamahagi BIGAS PARA SA MGA GURO NABULOK
PAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Kamara ang bulok na bigas na natanggap umano ng mga public school teacher na bahagi ng one-time rice allowance ng mga empleyado ng pamahalaan noong Disyembre. “Extremely late na nga ang pagbibigay ng rice allowance na ito ay halos bulok na at di makain yung ipinamigay na sa mga guro. Nakakainsulto naman ito sa mga kaguruan at bakit ganito ang nangyayari?,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, marami silang natatanggap na reklamo na ang mga ipinamigay na bigas sa mga public school…
Read MoreSOLONS MAY HAMON KINA TEODORO, HERBOSA
HINIMOK ni Senador JV Ejercito ang nagbabalik na Defense Secretary na si Gilbert Teodoro na tiyakin ang tagumpay ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Sinabi ni Ejercito na palagi niyang sinusuportahan ang AFP modernization program partikular sa paglalaan ng budget para sa mga makabagong kagamitan ng militar. Iginiit ng senador na dapat madaliin pa ng militar ang pagpapalakas ng ating defense posture at pagbabantay sa coastal areas ng bansa sa gitna na rin ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea. Muling binigyang-diin ng senador…
Read More