MGA SCAMMER HINDI NAYANIG SA SIM REGISTRATION

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PATULOY sa pagtaas ang kaso ng online scam sa kabila ng pagkukumahog noon ng gobyerno na magparehistro ang lahat ng SIM subscribers. Sabi mismo ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang online scams ang nangunguna sa top 10 cybercrime cases ng PNP ngayon. Maliwanag na palpak ang gobyerno at telecom companies. Nagbigay pa sila ng ultimatum para magrehistro ng mga SIM ‘yun pala hindi rin nila matatapos ang problema. Ngayon ay humihiling na rin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng P300 million na confidential funds…

Read More

DOK GEE LUMBAD AT CONG. AMANTE NAGPAULAN NG AYUDA

DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) WALANG tigil si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad sa paghahatid ng serbisyo sa kanyang nasasakupan. Mahal na mahal ni Dok G ang mga taga-Distrito 3 na kanyang pinaglilingkuran. “Madalas po ang pagsama ng panahon at kamakailan lamang ay nagkaroon po ng smog. Mas dobleng pag-iingat po ang kailangan lalo na sa ating kalusugan,” paalala niya sa mga taga-distrito. Dahil mahalaga sa kanya ang kalusugan ng mga residente, ang #TeamDOKG ay tuloy-tuloy na nagbibigay ng buwanang supply ng maintenance at vitamins sa mga…

Read More

HIGIT P27-B GINASTA SA PROYEKTONG PURO ABERYA

EDITORIAL NASA 81 milyong Pilipino na ang nagparehistro sa PhilSystem, ngunit 39.7 milyon pa lamang ang nakatanggap na ng kanilang physical identification cards habang nasa 41.2 milyon naman ang naisyuhan ng ePhilID na naimprenta sa papel o digital version ng PhilSys cards. Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, aabutin pa ng hanggang Setyembre 2024 bago makumpleto ng PSA ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa PhilSys. Dahil dito, nag-aalala ang ilang mambabatas sa pagkaantala ng paggawa ng card at ang hindi pagkilala ng…

Read More

RELOKASYON NG NATIONAL GOV’T CENTERS PANAHON NA BA?

DPA ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG dapat nang seryosohin na ilipat ang mga tanggapan ng gobyerno sa labas ng Metro Manila dahil palala nang palala ang problema sa baha, trapiko, polusyon at overcrowded na ang metropolis. Noong weekend, muli nating nasaksihan ang matinding pagbaha sa Metro Manila dahil sa walang tigil na ulan kaya hindi nakatawid ang mga motorista sa northbound ng EDSA partikular na sa bahagi ng Camp Aguinaldo. Akala natin ang Espanya lang sa Lungsod ng Maynila ang may matinding problema kapag umuulan, pero parami nang paraming mga lugar…

Read More

CHILD EXPLOITATION SA BANSA NAKABABAHALA NA

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO NAALARMA si Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin sa mataas na bilang child exploitation sa bansa na nagaganap sa online para kumita ng pera. Ikinabahala ito ng mambabatas, matapos ibunyag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na pumapangalawa ang Pilipinas sa mundo sa isyu ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC). Ayon sa kanya, nakakaalarma na edukasyon ang dapat ibinibigay sa mga bata, at hindi ganito ang dapat nilang nararanasan. Sabi pa ng mambabatas na kailangang masilip kung bakit…

Read More

PUMILI NG MATINONG BRGY. AT SK OFFICIALS SA HALALAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO TAPOS na ang filing ng certificate of candidacy (COC) noong Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2023 ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) positions. Magsisimula ang campaign period sa darating na Oktubre 19 hanggang 28, 2023 para sa mga nakapaghain ng kanilang kandidatura. Ang election period ay nagsimula noong Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, 2023. Ang election day ay Oktubre 30, 2023, dakong alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Ipinatupad na rin ng Comelec Resolution No. 10918, ipinahayag noong May 17, 2023,…

Read More

MAGLOLA PATAY SA SUNOG SA EASTERN SAMAR

EASTERN SAMAR – Kapwa namatay ang 83-anyos na lola at 25-anyos na apo nitong lalaki sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Brgy. Tamoso, Borongan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ng BFP Borongan City ang mga biktimang sina Lourdes Abobo at Lloyd Alec Legion na kapwa na-trap sa nasunog na bahay. Ayon sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog sa residential house ng mga biktima dakong alas-3:00 ng madaling araw habang natutulog ang mga ito. Mabilis na lumaki ang apoy at hindi na nakalabas ang dalawa…

Read More

PULIS, 2 PA PATAY SA 2 AKSIDENTE NG MOTORSIKLO SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang pulis at dalawa pang lalaki sa magkahiwalay na motorcycle accident sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo at Lunes ng madaling araw. Unang nasawi ang magkaangkas na sina Jeremy Piñero Ramirez, 24, nagmamaneho, at Renato Ramire, 51, backrider, nang ang kanilang motorsiklo ay mahulog sa kanal matapos na kanilang banggain ang sinusundang isa ring motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Sampaloc 2, dakong alas-8:15 noong Linggo ng gabi. Dumanas ang dalawa ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at hindi na naisugod sa ospital.…

Read More

RESORT OWNER, GRADE 9 STUDENT HULI SA BARIL

TIMBOG sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang may-ari ng isang resort dahil sa iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng armas sa raid sa bahay nito sa Barangay Magay II, Compostela, Cebu noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ng CIDG 7-Mandaue City Field Unit, ang suspek na si Joaquin Condevillamar Paez, 77-anyos. Isinagawa ang raid sa bahay nito sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Allan Francisco Garciano, Executive Judge ng RTC 7 Branch 83 sa Mandaue City. Halos dalawang oras na…

Read More