PAIKOT-IKOT LANG TAYO SA TAAS-PRESYO NG BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahing bawasan ang taripa o buwis sa imported na bigas upang mapababa ang presyo ng lokal na bigas sa mga pamilihan. Hindi raw ito ang tamang panahon para ibaba ang taripa sa imported na bigas dahil sa tantiyang bababa ang presyo nito sa pandaigdigang merkado. Aba, nahimasmasan ata ang Pangulo at mas sinilip at kinatigan ang panawagan ng ilang grupo ng magsasaka kaysa bulong ng kanyang economic managers. O gusto lang niyang magpapogi dahil malinaw na bumabagsak na ang…

Read More

ANAK NA NAGTUNGO SA BRUNEI NOONG 2006, ‘DI NA NAGPARAMDAM SA MGA MAGULANG

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGHIHINAGPIS ngayon ang isang 67-anyos na nanay matapos na mawalan sila ng balita sa kinaroroonan kanyang anak na nag-abroad sa bansang Brunei mula pa noong taong 2006 hanggang ngayon. Sa madamdaming pahayag ni Nanay Milagros Laxamana, residente ng Brgy. San Pablo, Magalang, Pampanga, sinabi niyang umalis ang kanyang anak na panganay na si Madela Calaguas Laxamana, 37-anyos na ngayon, na nagpunta sa Brunei noong Abril 19, 2006. Nauna rito, sinabi ni Nanay Milagros na ang kanyang anak na si Madela ay inalok ng isang Malaysian…

Read More

BAKIT ANG DAMING ADIK SA CIF?

DPA ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG nagkalat at dumarami ang mga adik, hindi sa illegal na droga, kundi sa confidential at intelligence funds (CIF) sa gobyerno dahil biglang naghingian ang mga ahensya ng pondong ito kahit wala silang kinalaman sa intelligence gathering. Dahil ba kapag sinabing confidential at intelligence funds ay hindi na binubusisi ng Commission on Audit (COA) kung papaano nila ginamit ang pondong iyan kaya puwede nilang gamitin kung saan lang nila gusto….wala namang auditing eh, ‘di ba? Hindi biro ang mahigit P10 billion na CIF na hindi alam…

Read More

Sindikato sa NAIA matutumbok na sana kung ‘di umepal si Romualdez OTS CHIEF PINULITIKA NI SPEAKER MARTIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MALAKI ang panghihinayang ng nagbitiw na si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Ma.O Aplasca dahil malapit na umano nilang masupil ang korupsyon sa airport kung hindi lang siya ‘pinag-initan’ ni House Speaker Martin Romualdez. Palaisipan umano kay Aplasca ang hirit ni Romualdez na magbitiw siya sa pwesto kasunod ng mga insidente ng nakawan at anomalya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mistulang napulitika umano ang usapin ng nakawan sa airport kaya ang napagbalingan ay si Aplasca. Sa magkakasunod na radio/TV interview kahapon, sinabi ni…

Read More

BUDGET KINAPOS SA ‘REVENGE TRAVEL’ NI MARCOS

DAHIL mahilig bumiyahe, kinapos ang pondong inaprubahan ng Kongreso para sa travel expenses ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong nakaraang taon. Ito ang natuklasan sa budget deliberation ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon matapos uriratin ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang ginastos ng Pangulo sa biyahe nito sa iba’t ibang bansa noong 2022. Sa pagtatanong ni Manuel, inamin ni House deputy majority leader Erwin Tulfo na naglaan ang Kongreso ng P314,372,000 para sa travel expenses ni Marcos sa ilalim ng 2022 General Appropriations…

Read More

TRABAHO PARA SA BAYAN BILL PIRMADO NA

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkoles upang maging ganap na batas ang “Trabaho Para sa Bayan Act.” Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.” Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness” ng mga manggagawang Pilipino para itaas ang kasanayan at muling ituro ang inisyatiba at suportahan ang micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders. Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary…

Read More

CHA-CHA BINUHAY NI ROMUALDEZ

SA gitna ng matumal na pagpasok ng mga dayuhang puhunan sa kabila ng sangkaterbang biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., binuhay ni House Speaker Martin Romualdez ang Charter change (Cha-cha). Sa Philippine Constitution Association (Philconsa) Day and Senate Night sa Fairmont Raffles Hotel Ballroom, Makati City na inisyatibo ng Manila Overseas Press Club (MOPC) and Philconsa noong Martes ng gabi, sinabi ni Romualdez na kailangan ng bansa ang Cha-cha upang amyendahan ang mga economic provision ng 1987 Constitution. “In summary, our Constitution, as noble and well-intentioned as it is,…

Read More

P264K MARIJUANA, NASAMSAM SA 4 HVIs

CAVITE – Nasamsam ang tinatayang 2,200 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation at nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na nasa listahan ng High Value Individuals (HVI) ng pulisya, sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Jayson Trilles y Supatua, Rayven Sarmiento y Benosa, Mark Glen Rabino y Cuarte at Noel Niegad y Ordonez, pawang nasa hustong edad, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas- 5:10 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA TAMA NG KIDLAT

SOUTHERN LEYTE – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang tamaan ng kidlat ang tatlong estudyante sa Brgy. Asuncion, Maasin City noong Lunes ng gabi. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City ang biktimang si Jhundel Suganob, 19-anyos. Sugatan naman at naka-confine sa Southern Leyte Provincial Hospital ang dalawa na sina Alexis De Vera, 20, at Cezar Ray Batas, 21-anyos. Ang tatlo ay criminology students ng Saint Joseph College sa Maasin City. Ayon sa imbestigasyon, ang tatlo ay nasa sunken garden…

Read More